Press Release
December 29, 2009

Partial transcript of 2nd Blue Ribbon Committee hearing on sea mishaps

Sen. Gordon: Lumakad yung barko, may isinubmit na manifesto kulang ng labing-apat, tapos sinundan ng anim. Nung dumating ako mga alas-dos ng madaling araw ang sabi sa akin dalawampu ang nasa manifesto. Nandun si Commander Troy Cornelio, who told me na twenty lang ang nakalagay doon at that time. Nakaharap siya, in fact mapapatunayan ko yan. Pero nung hapon, alas-tres nagbigay sa akin ang isang kapitan ng Coast Guard ng supplemental manifesto. Nakakapagtaka kung bakit nagkakaroon ng supplemental manifesto samantalang sa eroplano kapag sumakay ka ng eroplano, bago ka makasakay diyan magpapakita ka ng identification mo. Bago lumipad iyan bibilangin ang pasahero at hindi lilipad yan kung kulang yung nasa manifesto. Tama po ba yun? Bakit po palagi dito sa atin, katulad sa nangyaring ito, nagkakaroon ng additional o supplemental manifesto tuwina. Hindi malaman tuloy kung sino ang maysakit, kung sino ang nawala.

Sen. Gordon: Bakit may discrepancy ang manifesto? Kelan sinasubmit ang passenger manifest na iyan? Kapag lumalakad na ang barko?

Resource person: makes an explanation

Sen. Gordon: Ang ibig niyong sabihin sasakay muna ang mga pasahero sa barko, kukunin yan pagkatapos sa-submit sa Coast Guard yan?

Resource person: opo, sir

Sen. Gordon: Bakit sa eroplano nabibilang nila kaagad at kayo hindi niyo nabibilang?

Resource person: (explains)

Sen. Gordon: so is it in a plane. The plane is also responsible for the manifest. They go for the same reasons as naval vessels. Pag nag-crash ang eroplano dapat alam ng may-ari ng eroplano kung sino ang pasahero niya para alam niya kung sino ang babayaran niya.

Resource person: (explains)

Sen. Gordon: Kailangan ng mga mamamayan natin na ma-solve na ito dahil palaging iba-iba ang lumalabas na istorya. Ang punto lang natin dito, kelan talaga tayo magkakaroon ng manifesto na talagang maasahan ng publiko na iyon ang nakasakay? Because kahit na pagbatayan ko itong manifesto na sinasabi niyo ngayon, una, unang papel nakalagay sa akin - labing-apat, tapos sumunod + six, naging bente. Alas-dos yan ng madaling araw. Pagkatapos, alas-tres ng hapon nagdagdag 57 yata o 55 ang dinagdag. So 75 all in all. Pero ang lumalabas sa bilang namin ay lampas-lampas ng isang daan iyan, in fact 132. 132 ang bilang namin sa Red Cross. Ang trabaho ng Red Cross kaya kami nandoon, isusulat namin lahat yung nakalagay sa manifesto, isusulat namin yung survivor na nakuha na, at pagkatapos yung mga survivor na nakuha na at yung mga patay na nakuha na, isusubtract doon sa manifesto. At pagkatapos yung mga passenger na may kamag-anak na pupunta doon at naghahanap ng mga kamag-anak nila, ilalagay namin doon. So, ang bilang namin ngayon ay 132. Napakalaki ng discrepancy. Ang tanong ko ulit, kelan natin malalaman finally, once and for all sa araw-araw na bumibiyahe tayo, na ang manifestong sinubmit ay tumpak at yun na talaga? Kelan iyon? Kapag bumili ng ticket o pag sumakay ng barko? Meron akong mga nakuhang testimonya na nagsasabing nakasakay na yung tao sa barko, binilang, kinuha yung pangalan.

Resource person: explains about the selling of ticket on board

Sen. Gordon: That's what I am going to suggest. In fact, that is already in my list - that there must be a cut-off time. Kaya tinatanong ko kung kelan. Na kapag nakabili na ng ticket, may hangganan na. Wala ng congressman, senador, anak ng presidente o anak ng Santo Papa na magsasabing "o ipasok niyo nga ito." O kamag-anak ng crew na makikisakay, "sige lumusot ka na." Wala ng ganoon. In other words, sa akin, kapag bumili ka ng ticket, automatic nakalista ka na sa manifesto, katulad ng sa eroplano. Ipapakita mo lang ang ID card mo para alam kung ikaw ay terrorist o kung nasa watchlist ka.

Resource person: opo

Sen. Gordon: Pero ang totoo ngayon hindi nagagawa iyan dahil nagtitinda pa ng ticket sa loob ng barko....The first problem here, on the part of the owner, is grasp materialism, sukdulang kaswapangan. Na kahit na tapos na, magbebenta pa ng ticket sa loob para makalusot at makadagdag, tama po ba yun?

Resource person: explains importance of cut-off time

Sen. Gordon: not a cut of day but a cut of time? In other words, we have to learn na kapag oras na, oras na. Wala ng pakiusap, kung nahuli yung pasahero, o nahuli yung truck, hindi na pwedeng i-saksak doon. Kung lahat ay papairalin iyan, lahat naman susunod at darating sa oras. Hindi magkakaroon ng nawawala o hindi na-account....

Sen. Gordon: Hindi ba pwede talaga na, because we are a maritime nation, na dapat talaga may mga taong dedicated to do just that? Hindi ba dapat ganun? Na araw-araw walang gagawin yun kundi yun? Sa eroplano, bakit nagawa sa eroplano yan? Baka hindi mo na nga kailangan iyan e. Kung halimbawa sa Batangas Port , meron tayong malaking terminal doon, walang makakasakay doon, walang lalampas doon, walang makakapasok doon sa secured area kung wala siyang ticket. Hindi pinapairal yun.

News Latest News Feed