Press Release
January 26, 2010

"OURS IS A RECORD OF SACRIFICE"
SPEECH OF SENATOR MAR ROXAS DURING THE LP 64th ANNIVERSARY

Malaking karangalan po para sa akin na magsilbi sa ating partido at magsilbi rin at ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng aking pagsisilbi sa ating partido sa panahong ito.

Makasaysayan po ang panahong ito. Nararamdaman po natin na ang ating partido, masigla, malakas. At kitang-kita ang puwersa natin: hindi puwersa ng pulitiko pero puwersa ng pagbabago.

We have new faces: young, dynamic, new leaders who could have chosen all other parties. Ang iba diyan, nagsasabi sa kanila, dito kayo sa amin, marami kaming pera, bibilhin natin ito. Ang iba diyan nagsasabi, dito kayo sa amin, nasa kapangyarihan kami, kami ang may poder, kami ang nagdidikta. Mananalo at mananalo pa rin kami. Pero itong mga lider na ito--bata at idealistic--sila ang nagbibigay ng pagiging makisig ng ating partido. Sila ang nagbibigay ng sigla sa ating partido. Pero hindi lamang puros youth. Meron ding "age and experience."

My friends, we see that our party, as we celebrate or 64th is vigorous and full of vitality. Vigor and vitality, parang inumin iyan a. Nakikita po natin, masiglang-masigla po, makisig na makisig po, at iyan nanggagaling hindi sa pera. Yan nanggagaling hindi sa kapangyarihan. Yang kasiglahan na iyan dahil ang bawat isa sa atin dito, alam natin na ipinaglalaban natin kung ano ang tama para sa ating bansa.

There are so many old and familiar faces, as well as so many new faces. But as I look out across the crowd, I can say one thing: you are all winners. Panalo na po kayong lahat.

Pero pukod sa pagiging winner, alam natin na katangi-tangi po, kakaiba po ang ating partido at ang mga miyembro nito, dahil nandito tayo ngayon sa isang napakalaki at napakatinding laban. Hahatulan po ng ekelsyon na ito ang landas na tatahakin ng ating bansa.

Kadalasan po, sa okasyon ng aniberasaryo, lalo na tayo--64 years--pinag-uusapan ang tradisyon. Subalit, sa konteksto ng pulitika, ang "tradyson" medyo mapait ang dating, dip o ba? Kasi ang tradisyon malapit sa "trapo," traditional politics. Iyan po ang nilalabanann atin. Yung pangongotong, yung paglalagay ng tongpats, yung pang-aabuso sa kapangyarihan upang kumita sa kanyang panunungkulan. Nilalabanan po natin iyan. Yan ang trapo.

Ito po ang tradisyong itinatakwil po natin at ng ating Partido Liberal, dahil mayroon po tayong sariling paninindigan. Ours is a record of sacrifice. Ours is a record of staying on the straight and narrow path of truth and integrity, of being for good versus evil, of being for right versus wrong, and for being straight versus the crooked.

Pinatunayan na po ito ng ating kasaysayan. Sa bawat yugto ng ating kasaysayan, ang ating partido, front and center, nandiyan, unang-una, tumatayo, naninindigan lumalaban para sa ating pambansang interes.

Magmula noong laban on the bases, it was a Liberal Party-led senate that cast a vote for independence, for our absolute freedom, na wala nang base militar na dayuhan sa ating bansa.

Noong martial law, ang ating mga kapartido ang siyang tumayo at nilabanan, kahit anu-ano pa ang mga pabuya, ang mga temptasyon na ibinibigay ni Marcos, hindi po bumigay ang ating Partido at tumindig at lumaban. Hanggang ang ating secretary-general, ang ating dakilang bayani na si Senador Ninoy Aquino ay pinaslang, nagging martir at ngayon pambansang bayani na po natin.

In contemporary history: sa NBN-ZTE, sa fertilizer, sa 464, sa executive privilege, sa bawat pagkakataon na nakikita natin na inaabuso ang kapangyarihan, na pinagsasamantalahan ang ating mga kababayan, nandiyan po tayo, unang-una, tumitindig at lumalaban para sa totoo, para sa tuwid at para sa tapat.

Ito po ang kinakatawan ni Senador Noynoy Aquino. At sa ilalim ng bandilang iwinagayway niya, magtatagumpay po tayo. Senador Noynoy: hindi po sinungaling. Hindi po madaraya. AT HINDI PO MAGNANAKAW.

Sa kanyang mahabang panunungkulang, at kahit pa noong siya nasa pribado bilang anak ng Pangulo, ni minsan wala tayong nadidinig na kahit anong anomaly na pinagsamantalahan ni Noynoy Aquino ang kanyang pagiging malapit sa poder, o ang kanyang kapangyarihan noong siya ay naging kongresman na at senador. Ni minsan, walang anomaly na dumapo sa kanyang pangalan. Itinuloy niya ang magandang asal, ang magandang pangalan na ipinamana sa kanya ng kanyang mga magulang. Masasabi natin, that at this time when corruption, when abuse of authority is at the core of the issue facing our people, Noynoy Aquino possesses the one true character trait that marks him as the next best leader of our country.

What is that character trait? The ability to say "no" to one's self.

Marami sa inyo, incumbent governors, mayors, congressmen, councilors, board members. I'm sure alam na alam ninyo po iyan. Pagdating na ninyo sa puwesto, wala na sa kapaligiran ninyo ang nagsasabi ng "no." "Kahit anong gusto ninyo," "gawan na lang natin ng paraan," "ok na lang iyan chief." Nagkakarera pa 'yan para kung sino muna na makagawa para lamang mapatuwa kayo. The one most important character trait na talagang kahanga-hanga kay Senador Noynoy is his ability to say "no" to himself, and "yes" for the national interest.

Ito, konting question and answer. Simple lang po ang sagot. Check o no check. Okey? Meron na bang tao na ginamit ang kanyang posisyon para magka-kalye sa kanyang lupa, check o no check? (Audience: Check!). Simple lang po ito. Kung ano-ano pang isyu ang hinahain. Meron bang kalye, check o no check? (Audience: Check!) Siya ba yung Senate President at Senate Finance Committee Chairman na nagsulong ng kalyeng ito, check o no check? (Audience: Check!) Siya ba ang may-ari ng mga kumpanya na nagmamay-ari nitong ekta-ektaryang lupain na dinadaanan ng nilihis na kalyeng ito, check o no check? (Audience: Check!) Hanggang ngayon, siya ba ay hindi pa humaharap sa taumbayan dito sa mga alegasyon na ito, check o no check? (Audience: Check!) 100% kayo!

Alam na ninyo, iyan po ang pinaglalaban natin. Hindi po personal ito. PInaglalaban po natin ang malinis.

Mga kaibigan, mga kapatid sa partido. We are embarking on a historic crusade. Maitatama ba natin, mailalagay ba natin sa tama ang ating bansa? Mahaharap pa natin ang ating mga ninuno at masasabi sa kanila, noong panahon ba namin, inilagay namin sa tama, ipinaglaban namin sa tama, ginawa namin ang lahat para sa tama? "Check" din iyon.

It is with great pride and great honor that I serve as president of our party at this historic time. It is our opportunity to do what is right: para mabuhay tayo sa ating bansa ng marangal, ng mapayapa, ng may magandang ekonomiya, may pang-hanapbuhay sa lahat, at masasabi natin na nailagay natin sa maayos ang ating bansa noong tayo naman ay nanungkulan.Kaya ang taumbayan ay nasa sa atin.

Sinusuportahan tayo ng taumbayan dahil nakikita nila, nararamdaman nila ang ating sinseridad. Hindi tayo pababayaan ng taumbayan. Kaya sagradong obligasyon natin na hindi pabayaan ang interes ng taumbayan.

Sama-sama po tayo. Lalaban po tayo. Kung walang korap, walang mahirap. Mabuhay ang Partido Liberal! Mabuhay ang sambayanang Pilipino.

News Latest News Feed