Press Release
January 27, 2010

Transcript of interview of Senate President Juan Ponce Enrile -DZBB
Saksi sa Dobol B with Mike Enriquez

Mike: Mr. Senate President good morning! Si Mike Enriquez poi to.

JPE: Magandang umaga sa iyo Mike, magandang umaga po sa inyong lahat.

Mike: Ano ba maasahan ng taumbayan sa senado Mr. Senate President pagkatapos nitong nakalipas na dalawang araw?

JPE: Marami na kami nagawa na batas Mike kahit na merong mga debate dun na maaanghang ang mga salitaan e nagtatrabaho kami, tinatapos naming 'yung Immigration Law, 'yung Survivorship Bill ng mga constitutional officers, tatalakayin naming 'yung National Telecommunication Commission Bill tungkol ditto sa cellphone na problema ng bansa at marami pa kaming gagawin.

Mike: Mr. Senator, mabuti po binanggit n'yo 'yan, kasi alam din namin na kayong mga senador, alam n'yo itong pananaw ng ilan na wala nang ginawa ang senado kundi mag-away-away at naaantala 'yung dapat na talagang trabaho n'yo naman, pati na mga kongresista, na magpasa ng mga importante at mga kailangan na mga batas?

JPE: Hindi nama kami ang nakikipag-away, hindi naman kami ang nag-umpisa n'yan, sila ang nag-umpisa, isinalang ko lang 'yung report. Ano ba 'yung report? Karaniwan n'yan 'yang committee report. Ipiniprisinta ko lang, e di pagbotohan naming kung tatanggapin o hindi. Ayaw nilang marinig ng bayan 'yung laman ng report kaya nagkaganyan.

Mike: Mr. senate President, 'yan ba ang magiging susi pagtatapos nitong, ang tawag ninyo ay debate o sagutan diyan sa senado, itong mapagdebatehan at tapos nun mapagbotohan ang report, pagkatapos niyan wala nang bangayan, 'yun ba ang susi para matahimik na sa senado?

JPE: Kailangang gagamitin naming 'yung proseso doon sa senado , ini-sponsor nila 'yung kanilang resolution na isinampa upang pawalan ng kasalanan si Sen. Manny Villar. Tinapos ko na 'yung aking sponsorship doon sa report, committee report na nagsasabi na toto na may ginawa na hindi tama si Manny Villar. So 'yan ang dalawang issue ngayon na nakasalang sa senado, magkakaroon ng interpolation doon sa resolution ng mga minorya sa panig ni Villar, magkakaroon din ng interpolation sa panig ng Committee of the Whole .

Mike: So dalawa pong magkasalungat na resolution?

JPE: Correct...correct!

Mike: Magkasalungat, magkaiba?

JPE: Magkaiba.

Mike: 'Yung isa guilty, 'yung isa not guilty ganun ba 'yun?

JPE: Magkasalungat.

Mike: Magkakontra?

JPE: Oo.

Mike: Ang sesyon ninyo hindi ba nasa isang lingo na lang yata senador?

JPE: Tama 'yun!

Mike: Papano 'yan?

JPE: Pero, gagawin namin, uunahin naming 'yung mga bills, pagkatapos na naming pag-uusapan 'yung tungkol sa problema ni Manny Villar, ilalagay naming sa lower level, uunahin naming 'yung mga batas.

Mike: OK, excuse me, importante po 'yung sinabi n'yong 'yun para napapakinggan ng mga taumabayan. Ang uunahin ninyo, 'yung mga batas na dapat ipasa?

JPE: Tama, 'yung pangangailangan ng bayan.

Mike: Low priority etong issue tugnkol kay Sen. Villar?

JPE: Oo dahil alam na ng tao na may problema, ngayon lang, ang daming interview sa akin ng buong Pilipinas, alam ng lahat ng tao tungkol sa C-5.

Mike: So tama na 'yun?

JPE: Pero idi-dispose naming 'yan, kailangan 'yan tapusin 'yan.

Mike: Kelan senador?

JPE: Aba within the next few days.

Mike: So mapapagkasya n'yo pa unahin ika ninyo ang priority ninyo, 'yung mga bill?

JPE: Marami diyan mga bills na pwede naming tapusin in one hour sapagkat certified bills 'yan e.

Mike: Certified bills?

JPE: Oo...

Mike: So sinasabi n'yo may sapat na panahon para magawa n'yo 'yung mga panukalang batas at para matalakay n'yo pa rin etong sinasabi niyang low priority?

JPE: Oo, 'yung mga hindi controversial na batas, madali 'yun, pero 'yung malalaki, malawak ang mga sinasakop kagaya ng Cyber Crime at iba pa, kailangan matagal na talakayan diyan sapagkat kuwan 'yan, maraming sasakupin na taumbayan.

Mike: Ngayon pong araw na ito may sesyon na naman hindi ba Mr. Senate President?

JPE: Oo.

Mike: Makakarinig at makakakita na naman ba ang taumbayan tulad nung naganap nitong nakalipas na dalawang araw, nung Lunes at kahapon?

JPE: Hindi na siguro, kami.., nakita mo ako kahapon? Minumura ako dun sa senado hindi ako kumikibo.

Mike: Kayo 'yun, e 'yung ibang senador?

JPE: Pagsasabihan ko 'yung mga kasama ko.

Mike: Pagsasabihan n'yo na?

JPE: Oo, at saka 'yung mga kasama ko naman, wala naman silang sinasabi na maanghang, hindi sila, iniinsulto din sila gaya ng mga 'insertion', hindi naman tama 'yun 'di ba? Abused child, hindi naman tama 'yun.

Mike: Oh, choo choo train? JPE: 'Yung choo choo train e balik lang 'yun, binalikan niya 'yun dahil sa 'abused child'.

Mike: So ang sinasabi n'yo, pagsasabihan n'yo na, bilang presidente ng senado?

JPE: Ako sinabi ko na sa kanila kahapon, 'yung aking grupo ay kailangan ipakita natin sa bayan na tayo ay maginoo at mahinahon..

Mike: Huwag nang gagamit ng kung anu-anong salita?

JPE: Oo, huwag nang isasma 'yung mga walang kinalaman sa trabaho natin dun, may mga asawa natin.

Mike: So pinagsabihan n'yo na sila?

JPE: 'Yung aking mga kasama.

Mike: Papano 'yung mga hindi n'yo kasama?

JPE: Ay hindi ko sila sinabihan.

Mike: Salamat ho Mr. Senate President.

JPE: Salamat din Mike.

News Latest News Feed