Press Release
January 27, 2010

Transcript of interview of Senator Chiz Escudero
after the hearing on poll automation

Delayed dahil nga panay ang adjust nila pero may nakalagay sa kontrata hindi ti pedeng iadjust ito ng sosobra sa 30 araw mula doon sa original o orihinal na date. Iniisa-isa ngayon ngayon ng aming mga abogado yung mga naunang petsa kung may lumampas nga ba don sa 30-day maximum adjustment period dahil sa unang pagtingin may mga delay nga ng halos tatlong buwan na ang nagiging pag-antala. Ayon sa kontrata ang penalty na babayaran kung saka-sakaling may delay nga ay P7.1 million humigit-kumulang kada araw ng delay.

Sa hearing sinabi ng taga Smartmatic may mga forces daw na...

Well hindi mangandang pananalita yung ginamit niya pero in fairness humingi din naman siya ng tawad sa komite sa paggamit ng salitang yon.

Sir sa assessment nyo kaya ba kung automated? Full automation or partial?

Para sa akin kasi palagi dapat ang pananaw natin let's hope for the best but always plan and expect for the worst. Hindi tamang nakafocus lamang ang Comelec sa poll automation, poll automation, poll automation at ni hindi nila pagpaplanuhan yung contingency na baka hindi ito full automation. Sa likod man ng isip nila o habang nagtatrabaho yung kanang kamay sa full automation dapat ilang daliri ng kaliwang kamay nakatutok naman siguro dapat sa potensyal na magkaroon ng partial manual elections.

Convinced ba kayo sa mga nangyayari na magkakaroon ng full automation?

Hindi. Kung pagbabasehan natin, kumbaga sa may utang at hulugan ng bayad ilang beses ng pumaltos sa bayad ng mga hulog niya ng mga nakaraang buwan, pero yung deadline ng kabuuang utang ay hindi pa dumarating, indikasyon na yan para sa akin na dapat ngayon pa lang maghanda tayo sa lahat ng posibleng pedeng pumalpak.

Sir sa violation ano ang dapat gawin?

The oversight committee will point out to Comelec and Comelec should take the necessary action, either by approaching the party concern and this case is Smartmatic or filing the necessary action in court should they refuse.

Sit at what point the Smartmatic have to pay the amount?

If there's a delay at yon yung titingnan nga namin... Mula nong araw na may delay sila sa dapat nilang deniliver at binigay at kung yung adjustment ay mali, ibig sabihin, sumobra ng 30 araw don sa original deadline doon papalo yon.

Sir sa February 9 or 10 pa raw nila malalaman kung ....

Hindi tama yung petsang yon dahil February 21 ang due date ng delivery ng lahat ng 82,000 machines so hindi pa nila malalaman sa Feb. 9 kung talagang darating nga yung mga makina rito o hindi. Ang problema pa don yun daw ay landed sa Pilipinas, hindi sa warehouse. Malaki ang pagkakaiba ng customs, ng port, hanggang sa makarating sa warehouse ng Comelec sa...

Yung February 21 sir if they don't meet that tatakbo, papatak na yung metro ng P7.1 million?

Papatak na yung metro ng 7.1 in so far as the computers are concerned?

1 Pero are you going to impose to the Comelec na magmanual na lang?

Hindi namin iimpose at hindi pedeng iimpose ng joint oversight committee ng mag mano-mano na lang. dapat tanggaping reyalidad yon kung yung nga ang sitwasyon. Nasabi rin nila ng Comelec na sila ang pipili ng areas kung partial yan, at ayon din sa Comelec yung mga siyudad at sentro daw at yung madalas nagkakaroon ng alingawngaw ng dayaan yon ang io-automate nila. Yung maliliit at tradisyunal na tahimik na mga lugar sa panahon ng halalan yun malamang ang babagsak sa manula kung saka-sakali.

Yung February 21 hindi na pedeng iadjust yun ng Comelec?

Sang-ayon daw sa kontrata nila peda pa raw uli pero maliban don tingin ko hindi na aabot kung may inaasahan pa silang libong computer na darating o PCOS machines na darating pagkatapos ng petsang yon.

Sir sa early voting sure na yung media don?

Nakapasok sa bill ng early voting, kasama sa early voting ng certain areas ang early voting ng certain sectors- the media include, depending on their assignment on the day of the election. Yung committee report ipi-present, ipa-file na mamayang hapon, sana maumpisahan na ang debate rin mamayang hapon.

What date you're looking at sa advance voting for media?

Ang window na binigay ay one month before the elections, kasi ang rational sa likod ng early voting para makaconcentrate anf Comelec, ang PNP at AFP ng resources sa isang lugar na madalas nagkakaron ng kaguluhan. Kung masyado ng dikit yon sa eleksyon baka hindi na makaredeploy ang Comelec, PNP at AFP sa ibang areas na magkakaroon na ng halalan. Yan ang rason kung kayat hindi dapat lumampas ng sampung araw bago maghalalan at hindi rin dapat mas maaga ng isang buwan bago ang halalan.

Sir nagsubmit na yung Comelec ng areas?

Nagsubmit na isla ng areas sa amin kanina at ayon sa kanila hindi na raw lalampas don sa mga areas na yon ang irerekomenda nila for early voting at posibleng bumaba pero merong probisyon sa bill na hindi pedeng lumampas ng 10 % ng total registered voters yung ii-early voting nila kung saka-sakali.

Sir yung ARMM?

Kabialng yung ARMM sa sinasuggest ng Comelec na magkaroon ng early voting pero wala sa bill at sa batas yon.

Sa Luzon sir meron, ilang areas?

Hindi ko pa nakita ng kumpleto eh. We'll furnish you with the copy... Ito yung same hotspots na identified by the PNP eh, roughly.

Bukod sa media ano pa?

Yung mga nakakulong, yung military at pulis dati ng meron. In so far as those jailed with the bJMP is concerned sa ilalim kasi ng batas hanggat hindi sila convicted by final judgment may karapatan sialng bumoto. Isang karapatan na sa mahabang panahon hindi nabibigay sa maski na sinong detinado sa mga BJMP jails.

Yung committee report ng early voting bill...

Isa na lang yung hinihintay, siguro by this afternoon kumpleto na yon at filed na this afternoon. Bearing in mind that we only had the hearing yesterday.

Ano yung advantage ng advance voting?

Mas makakatutok ang Comelec, PNP at AFP ng resources sa tao para mabantayan, pati siguro yung mga watchdogs, pati media, ganundin, mas makaakdeploy don sa mga lugar na yon. Ikanga mas maraming mata, mas maraming resources, mas maliit ang posibilidad na magkaroon ng milagro o dayaan.

Sir magkakabotohan na mamaya sa C-5 report...

Hindi ko alam, sa palagay ko ay hindi dahil mahabang debate pa siguro ang susunod dyan, iinterpellate si sen. Enrile malamang, ang iinterpellate din sila sen. Cayetano at Sen. Arroyo tungkol naman sa kanilang resolusyon. The senate is a deliberative body, trabaho dito ay magdebate at magpalitan ng pananaw, hindi naman siguro tama na pagbotohan na lang agad lahat nang hindi man lang lumalabas yung mga dapat lumabas na isyu at sagot.

Paano sir kung adjourned na kayo?

Sana huwag naman. Sana maresolbahan hindi lamang ito pero karamihan ng mga pending measures at legislations na kailangang ipasa ng senado, kabilang na marahil yan. Unfair sa magkabilang panig king mabitin yon.

Pero sabi sir wala na daw gustong mag-interpellate?

As in the practice in the senate and in the House, minsan hindi naman kalilangang magpareserve kung may tumayo hindi mo naman pedeng sabihing bawal kang magtanong, so depende yan sa mag senador.

Siguro darating sa botohan yan, pero ang unang hakbang palagi kung legal na kuwestiyon kung ako ang tatanungin i-refer natin sa legal ng senado para makakuha man lang tayo ng direksyon at opinyon mula sa institusyon mismo bago natin pagdebatehan at pagbotohan.

News Latest News Feed