Press Release
February 9, 2010

PULITIKONG MASIPAG AT MATIYAGANG MAGNAKAW SIPAIN -- ROXAS

Iginiit ngayong umaga ni Senador Manuel "Mar" Roxas na masipag at matiyaga na ang mga Pilipino pero kailangan pa rin ng isang tuwid at malinis na pamamahala para umunlad sila.

Sa unang salvo ng kampanya nila ni Senador Benigno S. Aquino III sa Concepcion, Tarlac, hindi umuunlad ang mga Pilipino dahil kay-sipag at kay-tiyaga din ng mga pulitiko at lider natin na nakawan ang ating kabang bayan.

Kaya ang gagawin nila ni Aquino 'pag sila ang manalo sa halalan sa Mayo 10 ay ang maglagay ng isang matuwid, malinis, at hindi tiwaling pamahalaan, pangako ni Roxas.

News Latest News Feed