Press Release
February 12, 2010

Transcript of interview with Senator Pia S. Cayetano
on DZXL-RMN with Erwin Tulfo

On Senior Citizens' VAT exemption

Erwin Tulfo: Ito pong VAT exemption para sa senior citizens ...

SPSC: Ang nangyari po kasi diyan, bago po nag-adjourn ang session, naipasa namin iyan sa Senate, naipasa namin iyan sa Lower House, nag-bicameral committee kami, ibig sabihin noon nagkita ang representatives ng Senate, ako iyon, at ng Lower House. Nagkasundo na kami kung ano ang magiging final version namin sa Senior Citizens Law. Ang napag-usapan kasi diyan ay magbibigay ng exemption sa VAT kung saan nakukuha ang 20% discount sa gamot at iba pang serbisyo. Sa madaling salita, yung 20% buong-buo na makukuha ng mga senior citizens, dahil dati may kaltas pa ito na VAT. Iyan ang pumasa sa Congress, so ngayon naghihintay tayo ng approval ng Presidente, kasi ang proseso natin kailangan pirmahan ng Presidente na pirmahan ang mga batas na ginagawa ng Kongreso.

Erwin Tulfo: Ang kinakatakot po nila baka ikamatay na lang nila hindi pa napipirmahan ng Pangulong Arroyo yan?

SPSC: Yun na nga din ang akin, kasi sa mga batas na naipasa ko over the past six years, sabi ko ito yung medyo urgent, kasi ang makikinabang dito syempre po hindi na rin ganun kahaba ang mga buhay. Ito yung batas na sana mabilis-bilis yung andar. I am still hopeful na pipirmahan pa rin ito ni GMA, except na may natanggap tayo na balita sa Department of Finance (DOF) na nagrekomenda sila ng veto. Nalungkot ho ako ng marinig ito at umaasa pa rin ako na ireconsider nila ang desisyon nila at sana si GMA ay panindigan niya ang commitment niya na piprmahan niya, dahil nung hearing naman kasi, ang gusto kasi ng DOF, imbes na tanggalin natin ang VAT, gawin na lang natin na 30% discount, so ang mangyayari kapag ganun pag 30% kunyari nagpunta ka sa botika, bibigyan ka ng 30%, para ang gobyerno makukuha pa rin yung 12%. Ang problema naman dun Erwin, umaangal ang mga industriya, hindi naman nila maaabsorb ang 30%. Kasi depende naman sa negosyo, may negosyo na 5% lang ang kita, may negosyong 10%, ang 30% daw ang bigat bigat, so noong hearing namin lumabas na parang hindi maii-observe iyon, kasi sa original na batas nito, yung original Senior Citizens Act, noong 2004 pa iyan pumasa, six years ago, ang dami pa ring mga retailer na hindi nagbibigay ng 20% sa gamot, pagkatapos gagawin pa nating 30%? Minabuti naming na ang dapat gawin ay tanggalin ang VAT, and at that time, ang sabi ng DOF ang mawawala sa gobyerno natin is P54 million, Erwin hindi naman ganun kalaki iyon sa bulsa ng gobyerno, diba P54 million.

Erwin Tulfo: Hindi ho malaking kawalan iyon, eh kung mapunta lang sa bulsa ng iba iyon?

SPSC: Iyon na nga. At least ito alam mo na ang nakinabang diretso senior citizen, kasi (inaudible) ang ibig sabihin noon nakatipid sila ng 20% , magagamit nila yung natipid nilang iyon sa ibang bagay, tulad ng pagkain o yung iba pang pangangailangan nila. Eto pa ang nangyari sa hearing, meron pa kasing isang magandang probisyon doon, yung mga mahihirap na senior citizens bibigyan ng monthly allowance na P500, it's up to the Department of Social Welfare and Development (DSWD) to identify ang mga ito. Ang katumbas noon sa isang taon, sa isang milyon na senior citizens, na mahihirap talaga na walang regular source of income is P6 billion. Hindi naman inangal ng DOF iyon. So sa akin, bakit ho tayo aangal sa VAT na P54 million lang ang tama sa gobyerno, pero yung P6 billion na tama dun sa monthly allowance okay naman sila, iyon ang medyo hindi ko maintindihan. Although tina-try ko intindihin ang concern nila, ayaw lang ata nila talaga ng exemption sa VAT. But you know, this is a worthy exemption, deretso sa mga senior citizens. We should really support our senior citizens, kasi nasa twilight years na sila, makatulong tayo, mga retired na iyan, ang sabi ko nga maliit lang ang tama sa gobyerno, P54 million.

Erwin Tulfo: Ma'am maraming salamat po, we hope ma'am, na sa pagbabalik ninyo sa senado you keep working po para sa matatanda.

News Latest News Feed