Press Release
February 16, 2010

PRESS STATEMENT OF SENATOR M.A. MADRIGAL

On Ms. Judy Ann Santos:

Ako'y nalulungkot na nasaktan si Juday dahil sa sagot ko sa Inquirer debate na sa aking paniniwala ay muli na namang sinakyan at nilihis ng mga kalaban kong pulitiko. Ginawa na namang personal na atake ang isang isyu para lamang sirain ako kay Juday. Kahit kailan ay hindi ko nalimutang pasalamatan si Juday. Noong magdeklara ako ng kandidatura sa pagka- presidente, isa si Juday sa iilang tao na personal kong pinasalamatan at muli akong nagpapasalamat kay Juday sa tulong niya noong 2004 Senatorial campaign. Ngunit para sa akin ang pagtakbo sa pagka-presidente ng isang Senador ay dapat maging base sa plataporma at hindi lamang sa pagpapasikat sa tulong ng mga artista para pagtakpan ang kanilang kahinaan at kakulangan ng kakayahan.

News Latest News Feed