Press Release
February 18, 2010

Radio interview with Senate President Juan Ponce Enrile and Jonathan Cabrera of Boracay Radio Aklan

 

Program: The Informer
Date:  Feb. 16, 2010

Q Ikinagagalak nating mga kababayan na makakapanayam po natin sa mga sandaling ito, nasa linya natin si Manong Johnny. Ang ating Manong sa Senado, ang batikan na Senate President. Kilalang-kilala 'to ng ating mga kababayan lalong lalo na ng mga taga lalawigan ng Aklan or Western Visayas. Sa line # 1, pabatiin natin ang Senate President, Ash Wednesday pa naman ngayon no? Umpisa ng kwaresma at umpisa rin na makakapanayam natin si Senator o Senate President Juan Ponce Enrile. Manong Johnny, Good Morning!

JPE: Good morning Jonathan. Maayong Aga sa inyong tanan at salamat sa tawag mo sa akin.

Q Manong Johnny, alam mo gusto ko happy ka eh.

JPE: Ako rin, gusto ko happy ka. Gusto ko happy ang mga taga-Boracay. Gusto ko happy ang mga Aklanons.

Q Opo. Napapakinggan po tayo ngayon sa Aklan at Antique and parts of Mindoro.

JPE: Gusto ko happy ang lahat ng mga taga-Aklan, Antique, Mindoro at iba.

Q Okay. Senate President konting background lang para sa huling tubo, sa bagong henerasyon lalo na sa mga kabataan ngayon. Pang-ilan nyo na 'to Sir sa Senado, pang-ilang term nyo na 'to?

JPE: Tatapusin ko na ang aking 6th year term. Six terms na ko.

Q But before this?

JPE: A bago, I was 20 years as a member of the cabinet. Hinawakan ko ang Finance. Hinawakan ko ang Central Bank. I was a Chairman of the Monetary Board. Chairman of the Philippine National Bank. I was acting as Custom Commissioner. Secretary of Justice and 17 years Sec. of National Defense.

Q Panahon ni?

JPE: Panahon ni Pres. Marcos. Before that I was a lawyer of corporation, tax lawyer, criminal law practitioner at trial lawyer. At ako naman ay naging congressman for 3 years. I was 8 years as member of the Batasang Pambansa.

Q Tsk. Tsk. Sa experience pa lang, sobra sobra, Mr. Senate President.

JPE: Walang problema dito sa ating bansa na hindi ko alam.

Q Oo nga po. Sauladung-saulado nyo na.

JPE: Karamihan ng problema dito, hinawakan ko na at nasolve ko yang mga yan pero bumabalik dahil napapabayaan.

Q Okay. Mr. Senate President, you always belong to the opposition. Ganon ba yon? I mean, papaano mo gusto kilalanin ng ating mga kababayan sa tinatawag na pagseserbisyo or governance?

JPE: No. I was a member of the majority when I first entered the government, sapagkat ang may hawak ng gobyerno non ay Nacionalista noong panahon ni Pres. Marcos. During the time of Cory, I was the lone opposition in the Senate. Out of 24, I was the only opposition and then when I became a member of the House of Representatives, I joined the coalition, the Rainbow Coalition of Pres. Ramos. And then I ran as a senator under the banner of the Rainbow Coalition of Pres. Ramos. And then in 2001, I lost the election because I was targeted at ako'y ayaw panaluhin, so I was out of politics for 3 years. I came back in 2004, this time I was a member of the opposition.

Q Okay. And it was sustained until now.

JPE: Yes. Until now.

Q Mr. Senate President, sa tagal po ng inyong panunungkulan, I mean kayo na mismo ang nagsabi, halos lahat na po ng problema ng ating bansa ay alam nyo na?

JPE: Oo. Lahat itong problema na nangyayari sa ating bansa ay dinaanan ko na yan. Mindanao, Luzon insurgency, Visayan insurgency, disasters pati na nga itong El Niño, power. Ako ang kasama doon sa initial electrification, moral electrification sa buong bansa kasama ko si Col. Dumol. I was Sec. of National Defense, I was providing all the Military engineers that initially installed all the rural electrification power distribution.

Q Ngayon po, ano po yung masasabi nyo at ano po ang nakikita nyong dahilan sa pagkakaalam nyo sa mga lahat ng pangyayari at problema na kinahaharap ng ating bansa? Tulad noong kahirapan, yong mga krisis na sinasabi hanggang ngayon ay nandiyan pa rin.

JPE: Too much politics.

Q Yon.

JPE: Too much popularization. Kelangan nyan, ang lider natin ay tutukan nya ang mga problema ng bansa at huwag masyadong apektado sa mga tinatawag natin na public opinion na nanggagaling sa mga may interes, may mga sectoral interes at walang ibang iniisip. Ano ba ang mabuti sa bayan? Ano ba ang mabuti sa nakakarami sa bayan? At sino ang nakakarami sa bayan, ang masa ng sambayanang Pilipino? Those are the people who need government.

Q Senate President alam po namin, of course, na nandiyan na rin kayo sa stage na parang nasa final phase na kayo ng pagseserbisyo.

JPE: I am at the ending times of my life.

Q Yon po. Para sa ating mga kababayan, ano pa po yong nakikita nyo, I mean of course, lahat naman tayo ay nagsasabing may pag-asa pa, may bukas pa. Ano pa po yong legacy na gusto nyo pong iwanan.

JPE: Alam mo ang gusto ko sana na mangyari sa ating bayan ay unang una ...

Q Teka po Mr. Senate President, ang sabi ko, yon bang iiwanan nyo, yong ating mga kababayan na talagang happyng-happy, yong talagang happyng-happy po. Sige po.

JPE: Gusto ko sana ay tumahimik ang ating bayan. Maayos ang kalagayan ng Mindanao at ang Luzon, so tungkol sa katahimikan at magkaroon ng sapat na mahusay na ekonomiya ang bansa at yong mga trabaho ay dito gagawin, hindi pupunta ang ating mga kababayan sa ibang bansa upang maghanap-buhay at hindi ikinakahiya ang kanilang buhay at hindi iiwanan ang kanilang pamilya, at ang ating mga pulitiko ay magiging matino at walang ibang iniisip kundi ang bansa, ang kabutihan ng sambayanang Pilipino.

Q Sir, ito pong eleksyon na ito ay napakahalaga. Ano po ang dapat na maging pag-iisip ng ating mga kababayan na dapat ikunsidera sa halalang ito, Sir?

JPE: Dapat huwag sarili ang iisipin. Ang iisipin natin ang bayan. Kailangan ay pipili tayo ng mga mahuhusay na mga lider. Mga lider na may kaisipan. Sapat na kaisipan, sapat na kakayahan, sapat na karanasan at talagang sapat na commitment para sa bayan. Hindi yung pangako lang, titingnan natin ang kanilang pinagdaanan. Ano ba talaga ang nagawa na nitong mga tao na ito upang ako'y maniwala sa mga sinasabi nila. Hindi lang yung dahil magaling kumanta, maganda yung mukha niya, magaling magpatawa, magaling umarte kundi magaling na mamamayan na nagseserbisyo sa bayan. Ito ba ay tapat, ano bang ginawa niya sa Kongreso nung siya'y humawak ng kapangyarihan sa loob ng anim na taon at anong magagawa nito sa Kongreso kung siya ay bago at pupunta doon. Ano ba ang kanyang pinag-aralan? Ano ba ang talagang karanasan niya? Kung presidente naman pag siya ay umupo, ano kayang gagawin niya kaagad-agad kung magkaroon ng problema ang bansa? Alam ba niya ang pagiging presidente? May karanasan ba na sapat ito o baka bunganga lang?

Q Mr. Senate President, yung anim na taon po ba, kasi ngayon maraming mga batang mga gustong maging bahagi ng Kongreso ng senado, yung anim na taon po ba na termino ay sapat o baka yan ay igugol lang nila sa kanilang pag-aaral o familiarization?

JPE: Alam mo kung baguhan ka, first three years mag-aaral ka eh, kung ikaw ay may kakayahan sa kaisipan ay pwedeng tatlong taon matututo ka. Pero marami dyan kasama ko anim na taon hanggang ngayon hindi pa marunong mag-sponsor ng bill. Hindi pa marunong magdepensa ng bill. Hindi pa marunong gumawa ng bill. Hindi pa marunong humawak ng hearing. Walang ginagawa kundi namamasyal.

Q Yung ang sinasabi natin ang kinaibahan ng talagang batid na, institusyon na sa ganyan.

JPE: Kailangan preparado yung tao na hahawak ng kapangyarihan, walang panahon na mag-aral dun, lalong-lalo na sa pagkapresidente. You have no time to study to be a President, na mali yung sinasabi nung mga iba, there is no school for president. Totoo yun, ang school for president ay ang buhay, karanasan, experience sa labas.

Q Mr. Senate President, alam po natin at napakakontrobersyal nga po ng pag-adjourn ng Senado nung nakaraan, marami pa po kayong hindi natapos ano?

JPE: Hindi naman, Jonathan, dahil nagtatrabaho kami kahit na hatinggabi. Sa totoo lang ang tinapos namin na mga bill dun from November 2008 hanggang nung nag-adjourn kami eh mas marami pa dun sa natapos na bill for three congresses (9 years). Ganyan karami. Ang naiwan lang yung tungkol sa NTC at tungkol sa reproductive bill dahil very controversial yun. Pero yung mga iba halos natapos.

Q Napakakontrobersyal po ng senado nitong nakaraang mga taon sa dami po ng mga kaso na inimbestigahan. Alam nyo, inaabangan lalo na kami sa media. Lagi kaming nag-aabang nyan nung mga investigation ng Senate. May mga kinahinatnan din po ba yung mga yun? Nagtatanong po ang ating mga kababayan. May mga batas din ba tayong nagawa na may kinalaman doon?

JPE: Meron, at least yung aking mga inimbestiga ay may kinahinatnan. Inimbestiga ko yung tax credit scam P6 Billion yun, ngayon ay nakita na totoo nga pala, may prosecution, yung tungkol dun sa PEA-Amari controversy ako ang nagimbestiga doon, pagkatapos itong C-5 inimbestiga ko yun, hindi ako matanong-tanong nung ibang senador kaya nga binoykot nila. Itong sa Telcos inimbestiga ko yun, may resulta na rin yun.

Q So, talagang happy po ang ating mga kababayan?

JPE: Gusto ko happy kayo!

Q Mr. Senate President, isa po sa mga naiwanan na isa po sa pinakakontrobersyal ay ito pong kaso ni Sen. Manny Villar na pinalitan nyo po bilang Senate President at nagsasabing, "These are all politics". Hindi nyo man po finally na maisagawa yung resolution na tutuligsa kay Sen. Manny Villar. Ano po ang mangyayari?

JPE: Wala, itutuloy yun! Pag natalo sya, haharapin nya yun, pag nanalo sya bilang pangulo ng bansa ay magiging problema nya yun!

Q Bakit po? Wala po bang immunity?

JPE: Aba,meron syang sasagutin sa bayan, kagaya ng problema ni Pangulong Gloria, anim na taon yun nakabinbin sa kanya at ibabato din sa kanya yun.

Q At lagi pong maalala ng ating mga kababayan?

JPE: Tama. Sasabihin nila na baka maging subdivision ang Pilipinas

Q Di maganda! Yung nga lang baka matulog tayo sa gitna ng kalsada at maligo sa dagat ng basura.

JPE: Ikaw ang nagsabi nyan, hindi ako!

Q Senate President, of course, opposition po kayo. Kanino nga po kayo naka-line up? PMP ba?

JPE: Ako ay kay Pangulong Erap Estrada. Ako ay kasama sa Partido ng Masang Pilipino, ang partidong naninindigan para sa mga mahihirap.

Q Sinu-sino po ang mga kasama nyo para din po sa kaalaman n gating mga kababayan. Of course si Pang. Joseph Estrada bilang Presidente, at Jejomar Binay for Vice-President, yung mga senatoriables na kasama nyo po?

JPE: Si Jinggoy, sina Ompong Plaza ng Agusan Del Sur, Jun Lozada ng Negros Occidental, Joey de Venecia ng Pangasinan, JB Bautista a very bright lawyer at si Kit Tatad.

Q Sya nga po pala, kahapon po ay may press release kayo na natanggap po namin, yung opinion nyo po dito sa latest En Banc resolution ng Comelec sa role ng mga endorsers. Pakilinaw naman po yung stand nyo dito sa interpretation ng elections act na ito.

JPE: Ang stand ko dyan, dapat di punahin yung mag endorsers. Kagaya mo binabanggit mo yung pangalan ko, paano ka parusahan? Alam mo ang dapat parusahan ay yung bumibili ng popularity para maging sikat din. Ibig sabihin nun, kung ikaw ay gumamit ng sikat na artista, media persons o sikat na tao kagaya ni Manny Pacquiao, ibig sabihin nun you're not popular enough to be elected. You are borrowing, buying the popularity ng ibang tao at gumagamit ka ng pera. Dapat yun limitahin, kagaya ng limitation sa number of minutes na gagamitin sa TV/radio para pagandahin ang pangalan mo. Wag pagbawalan yung mga endorsers, hanapbuhay lang yun! Kagaya ninyo na nasa media, trabaho lang yan!

Q This is something personal, Mr. Senate President, gusto ko rin itong itanong sa Comelec. Pero I'd like to grab this opportunity na andyan ka na sa linya, how about the media personalities na sila mismo ang kandidato?

JPE: Kagaya ko, may radio program ako, tinigil ko. Personal mo na yun eh, you have to stop.

Q That is your personal decision but as far as fair elections act is concerned?

JPE: Nasa kanila yun!

Q So, discretion po yun, Sir, ng practitioner?

JPE: Kung practitioner ka pinagbabawal iyon na i-continue.

Q Ah I see.

JPE: Ngayon may problema ako, Jonathan, yung lugar nyo dyan sa Boracay, marami dyang lupa na di nabibigyan ng titulo, di ba?

Q Ay opo, buti na lang po na-open up nyo po at ayan po ang gustong pakinggan ng ating mga kababayan.

JPE: Ang suhestiyon dyan ay legislation. Kagaya ng ginawa ko sa Cebu, idineklera sa korte Suprema na invalid yung titulo ng almost 1/2 ng city of Cebu because they claim it to be a public land. Ako at si Raul del Mar, nagsampa ng batas dun sa House of representatives at sinalo ko sa Senado at pinasa namin and we validated the title of the people there, that is a solution to your problem.

Q Senate President, ito po nakaraang taon nang pumutok yung Supreme Court decision nga na ang Boracay is a public land. May mga naglobby po na mga kababayan natin na mga taga-Boracay sa Senado. May mga Senador na nagpromise. Napag-usapan po ba ito? Nailatag po ba ito sa floor?

JPE: Hindi. Alam mo marami dyan na hindi nila alam ang kanilang mga ginagawa. Kailangan nyan yung Congressman nyo ang mag-iinitiate. Kagaya ng ginawa namin ni Raul del Mar, siya ang na-initiate dun sa House of representatives at ako ang nag-sponsor sa senado.

Q May mga nabanggit po dito na may bicameral meetings na daw?

JPE: Wala, wala pang batas.

Q Oo nga po. Ikaw nga na mismong Senate President na hindi mo alam kung nailatag na yan sa floor eh!

 JPE: Wala yun, hindi totoo yun.

Q Matutulungan nyo po ba ang Boracay particular ang Aklan sa bagay na yan, Mr. Senate President?

JPE: Try me. Ginawa ko na yan sa Cebu, tanungin ninyo kay Cardinal Vidal.

Q Nakikinig po ating mga kababayan.

JPE: Ginawa na din namin yan sa Cebu, pati yung Archbishop palace sa Cebu na idineklarang public land, na-solve namin yan, kaya pag ako bumalik sa Senado, tutulungan ko kayo.

Q Salamat po, Mr. Senate President, mali po yatang senador ang nilapitan ng ating mga kababayan dito, but with your statement po ngayon at meron naman po kaming contact sa inyo, makikipagtulungan po kami sa inyo at para pag maire-elect po kayo, sana maging priority po ito sa senado.

JPE: Yes Sir, lalo na yung tinanong nyong senador gusto ko rin malaman.

Q Sasabihin ko po off the air.

JPE: Dahil hindi marunong ang mga yun.

Q Tsaka kung may files pa rito, mapadala na lang po namin sa opisina ninyo. Maraming salamat po, nakikinig po ang ating mga kababayan.

JPE: Okay. Thank you very much. Sa mga taga-Boracay, gusto ko happy kayong lahat at sana magtulungan tayo na maghalal ng sapat na tao at may sapat na kaisipan, kakayahan, karanasan at may dedikasyon sa bayan para umusad ang ating bansa.

Q Manong Johnny, happy po ako. Salamat po!

JPE: Okay. Salamat.

News Latest News Feed