Press Release
February 19, 2010

Interview with Senate President Juan Ponce Enrile and Pinky Webb in ABS-CBN's Umagang Kay Ganda

TRO OF COURT ON PER PULSE BILLING SYSTEM/ TELCOS

WEBB Wala ho naman kayong magagawa sa ngayon hinggil dito dahil sa pagitan ng ng NTC at ng Court of Appeals. Yung sinasabi nyo po, meron ho ba kayong nilulutong batas sa senado ukol sa per pulse billing sir?

JPE Meron, meron na dyan. Binabago namin yung kapangyarihan ng NTC na talagang nire-regulate sila sa mga nitong mga telcos kagaya ng Energy Regulatory Commission ano. Sapagkat, kinukwestiyon nila yung kapangyarihan ng NTC to regulate them. Ang sabi nila, deregulation kami maski anong gusto namin mangyayari. Hindi pwede yun eh. Public utility sila eh. They're operating under a contract drafted by Congress. They can not be totally free from regulation by the government for the protection of the public. Kaya ibinabalik namin yung power of NTC to really regulate them in order that they cannot exorbitantly impose charges against the people.

WEBB Tama mo, para ngang Energy regulatory Commission. Pero hindi pa ho ito napapasa?

JPE Hindi pa napapasa dahil ipapasa nga sana naming nung last day naming pero wala kaming quorum dahil na-boycott nga kami dun sa senado.

WEBB Opo, opo. Tandang tanda pa ho naming 'yun. Well alright, siguro sir pag kayo'y manalo at makabalik nga naman sa senado siguradong ipagpapatuloy nyo poi to.

JPE Talagang ipaglalaban ko ito Pinky dahil advocacy ko ito. May problema, hindi lang dahil gusto kong mahalal. Hindi bale yun eh, ang importante matulungan yung taong bayan. Dahil sobra yung nangyayari dito sa bagay na ito. Every minute, pag oras na ma-connect ka, magbabayad ka kaagad ng 6 pesos. So within sa system ng company na ginagamit mo. Pag meron interconnection ay 8 pesos. Pag naputol ka, kagay noong nangyari kanina sa atin, bayad ka ng bayad ng 8 pesos. Depende kung ano ang nangyayari. Kaya, hindi naman tama yun.

WEBB Kayo ho ba ang nagbabayad nun o yung opisina nyo sir?

JPE Ang magbabayad nun ay yung cellphone user.

WEBB Well, alright sir. Wala naman ho tayong magagawa unless of course magka-motion for reconsideration ang NTC sa Court of Appeals.

JPE We will have to abide by the action of the court but this is still appealable. Pag inapila yan at maipapaliwanag sa korte suprema kung darating dun, eh maliliwanagan sila at tutulungan ng bayan ng korte suprema natin. Pero kung hindi man mangyari yun, kailangang mailagay sa batas yan para klaro.

WEBB Opo. Siguro sir pwede nyo na ring idagdag, yung at least sa NTC kasi itong per pulse billing medyo mahirap at medyo hassle nga daw para sa ilang mga cellphone users dahil meron ka pang dapat ilagay na numero.

JPE Nahihirapan yung mga cellphone users. Ang ibig nlang sabihin, kami ang masusunod hindi ang gobyerno, hindi kayo. Kami na nagnenegosyo sapagkat communication ang dapat masunod. Yung ang gusto nilang mangyari. Kaya ayaw nila na basta gamitin mo yung numero mo ay makakatawag kana, gagamitin mo yung per pulse system.

WEBB So siguro sir pwede rin na ipaglaban yan ninyo o ng NTC.

JPE Ipaglalaban namin yan, hindi ko lulubayan yan. I will stand or fall on that basis.

WEBB Maraming salamat ho Senate President Juan Ponce Enrile.

News Latest News Feed