Press Release
March 3, 2010

TRANSCRIPT OF INTERVIEW OF SEN. CHIZ ESCUDERO
Joint Congressional Oversight Committee Hearing (Poll Automation)

ON Double Registrants:

Matapos ang hearing nain ni Dir. Tolentino na yung double registrants kasama sa bilang ng total number of registered voters na sinabi nila sa atin. Ibig sabihin nun hindi one is to one ang balita sa kada botante. Kung ilan man yung duble registrants, kung sa isang probinsya lang ay 40 mil ang double registrants, ibig sabihin ganun karami rin yung sobrang balota na iniimprenta nila sa ngayon kontra sa aktuwal na bilang ng mga botante.

Pangalawa, hiningi naming yung listahan, ayun sa kanila ready na daw yung listahan, well nung kinukuha naming, hindi naman nila maibigay yung listahan ng mga double registrants.

Hindi nangangahulugan ito na mandadaya agad yung double registrants, ang ibig sabihin lamang nito, hindi oneis to one yung bilang ng balota sa bilang botante tulad nung ginagarantiyahan nila para sa gayon matiyak natin na walang sobra o fictitious na boto na mabibilang sa halalan na ito.

Q: A: Hinddi ko nga maintindihan kung balkit hindi nila naisipan yun, sabi nila alam daw nila ang bilang ng mga double registrants at nasa BEI daw ang kopya ng mga double registrants. Kung alam nap ala nila yun bakit pa sila nagprint ng ganun kadaming bilang ng mga balota.

Panagalawa, ayundin sa aming pagsisisyasat sa national printing office, hindi naman pala lahat ng makina ay umaandar ng 24/7 sa pagprint ng 50 milyong balota. Hindi ko papayagan at hindi papayagan ng komite na i-outsource ng Comelec ang pag-imprenta ng balota sa kung saang tabi-tabing printer lamang. Dapat NPO lamang ang magprint at dapat matagal na nilang inalam ang kakayanan ng NPO na magawaang trabahong ito kung saka-sakali.

Q: Mapi-print out ba lahat?? A: Me deadline sila sa pag-iimprenta ng mga balota, tingnan natin ung mami-meet na naman nila ang deadline na ito sa pag-iimprenta o hihiling sila na i-outsource ito. Nakakalungkot kanina sa hearing na maski nga yung mga ballot boxes hindi nila napagplanuhan. Ayon kay Dir. Tolentino P800 daw ang kanilang kinosto sa kada ballot box na metal, eh alam nilang mag-o-automate tayo bakit pa nila kelangan magbudget para sa metal.

Ayon ke Mr. Flores ng Smartmatic, ang halaga ng isang metal ballot box ay hindi bababa sa P3,000. So P3,000x76,000, imposible yung budget na binanggit nila dati na 78 million lamang. Mahigit P200 million ang ginastos nila kung saka-sakali para sa mga balotang ito.

Q: A: Ang sobra nilang budget ay 3.1 billion dun sa sinasabi nilang kinakailangan para sa automated system kumpara dun sa binid ng Smartmatic. Ang problema, andami pala nilang nakalimutan, hindi kasama daw dun ang ballot boxes, inengage daw nila ang services ng NEC,oo nga at magaling na kump0anya, pero para linisin yung nagregister na na me biometrics. Ang maduming parte ng voters list ay hindi yung me biometrics, ang maduming parte yung walang biometrics. Dahil yung mga bagong registrants lang naman ang me biometrics, yung dating maduming listahan na kasali ang patay, bato at lupa hindi nalinis.

Minamano-mano ngayon ng PPCRV, kung nagagawa nga nhg PPCRVthrough volunteerism, walang dahilan na hindi magawa ng Comelec kung meron silang P3.1 billion na sobra.

Ganuman kaperpekto ang halalan, ganuman kalinis ang sistema, kapagka ang listahan ng botante ay madumi, narun pa rin palagi ang pagkakataon na ma-pad at madagdagan anumang boto ng sinumang kandidato.

Hindi natin sinasabing ito ay sindaya o ito yung mga mandadaya, ang sinasabi natin meroong puwang na madaya o amndaya ang sinumang me plano at me balak at me kakayanan dahil dun sa sobra na bilang ng mga aktuwal na mga botante. So ibig sabihin hindi na kinakailangan pa na baguhin ang boto ng tao. Pwede na lamang na idagdag yung boto na sobra na wala namang katumbas na tao.

Q: A: Kulang at wala na tayong magagawa, sa totoo lang, Dapat jmatagal na yang ginawa , matagal na rin naming sinabi sa kanila yan. Pero ang pinagtuunan nila ng pansin yung paglinis ng biometrics na listahan at hindi yung paglinis ng maduming istahan.

If indeed they have that list f double registrants, Comelec could have at least motu propio initiated a petition to have these names delisted and they would have the evidence to prove, bakit hindi nila ginawa yun.

Q: A: Magsasagawa kami ng end-to-end na mock elections covering at east 200 voters. Mula sa pagbigay ng balota, pagcheck ng pangalan, paglagay ng indelible ink, pag-transmit at isa-simulate natin ang municipal canvassers transmittal, ang provincial bard transmittal at transmittal sa iba't-ibang server na bibigyan ng Comelec sa ilalim ng batas. Kabiang sa isa-simulate natin ang iba't-ibang problema, kasama na yung mga makukuit at yung mga iba't-ibang botante na makukuit, yung mga nanggugulong botante o watcher para matesting ang kakayanan ng mga watchers natin o kung hindi man matesting yun makita ng mga teachers natin na pwedeng maging BEI kung ano ang dapar gawin at paano dapat i-handle. Sa isang building lang natin gagawin, kung hindi pa nila ma-transmt mula sa iisang building, hind ko alam kung paano nila ita-transmit mula saiba't-ibang bahagi ng Piipinas.

Kinabahan na nga ako sa sinabi nila kanina kaugnay ng mock election na ito. Isusurvey daw muna nila yung building kung me signal dito o wala.

On drug money for elections:

Sana maliban sa pag-express ng concern anumang intelligence report ang US government ipagbiay alam sa local authorities o hiundi man ihayag sa media kung sino-sino ba ang mga kandidatong ito na tumatanggap ng drug money. Importanteng malaman yan upang matiyak din na sinuman aang magiging susunod na pangulo hindi siya nakatali at hindi siya hawak sa leeg ng mga drug lords na ito.

Sana hindi sila tumigil sa pagbibigay lang ng tsismis satin, I hope they will go a step further, sinuman ang mga kandidatong tumatanggap ipagbigay alam sa publikopara rin masiyasat at malaman at para rin mabigyan ng pagkakataon yung kandidatong sumagot at magpaliwanag at mapabulaanan ito. Sa parte naman ng ating mga local authorities ibigay din sana nila kung anuman ang nalalaman nila hindi lang yun sila lang ang nakakaalam at sisisihin tayo dahil wala tayong ginawa.

Ang hamon ko sa PDEA katulad ng sa US government ilahad sa publiko yan o samoahan ng kaso ang sinumang involved dyan upang sa gayon, una, hindi maiboto ang mga tao na involved sa drugs o me utang na loob sa drug money, pangalawa para din naman mabigyan ng pagkakataon na magpalliwanag dahil mamaya paninirang puri lamang, o politika lamang ang dahilan ng mga usaping ito.

Anumang illegal na pera at anumang galling sa illegal na aktibidades ay dapat maipaliwanag at ilahad sa publiko para din mabigyan ng due process

On Angie Reyes:

Una sinabi ni Sec. Reyes walang emergency at hindi daw kulang ang kuryente. Sunod sinabi niya kelangan daw ng pangulo ng emergency powers. Sund sinabi niya Diyos na ang dapat nating sisihin. Kung Diyos ang me kagagawaan at bibigyan natin ng emergency powers si Pangulong Arroyo wala siyang magagawa dahil hindi naman siya Diyos maliban na lang kung yun ang tingin ni Sec. Reyes ke GMA.

Nasa Diyos ang awa, nasa tao palagi ang gawa. Ang problema sa ating bansa at sa mga opisyal natin, bakit ba sa tuwing tag-ulan, problema natin baha. Bakit ba tuwing tag-init, roblema natin drought. Hindi ba mapagpaplanuhan yan at mapaghahandaan yan, dahil kada taon alam nating darating ang panahon ng tag-init at ng tag-ulan. Kumikilos at gumagalaw lang palagi ang mg opisyal natin kapagka nandiyan na yung problema. Kulang palagi sa paghahanda at kulang sa preparasyon.

Ang una pa nga nyang sinabi non hindi daw magkukulang sa energy supply dahil hindi naman daw magaka-brown out sa metro manila at Luzon, sa Visayas at Mindanao lang daw me brown-out. Ang depinisyon tila lamang ng me problema pag dito laang sa Metro Manila at Luzon, pag sa Visayas at Mindanao hindi problema yan dahil hindi naman saklaw siguro ng media ditto sa Luzon at Metro Manila.

Mula't-mula pa hindi ako sang-ayon sa pagkakatalaga ni Sec. Reyes sa DOE dahil isa ito sa pinakamahahalagang departamento ng pamahalaan n asana nakakaintindi ang nandyan para mas amalawak ang kaalaman at long term ang planning. Isa din sa dapat tingnan ng susunod na pangulo ng ating bansa, may mga departamentong hindina dapat political appointment at dapat career ang maupo para me long term planning, isa na nga ditto ang DOE.

News Latest News Feed