Press Release
March 4, 2010

Transcript of Interview with Sen. Manny Villar (Second Part) DZBB's
Ikaw Na Nga Presidential Interview Series with Mike Enriquez

Q. Senador, ano po ang magiging itsura kung kayo na ang Villar cabinet?

A. May teamwork. Mahalaga sa akin ang teamwork, dahil ako'y naniniwala na ikaw talaga ang magpapatakbo ng gobyerno bilang pangulo. Kailangan may teamwork at saka results-oriented. Kailangan kasi competitive lahat, dapat maglaban-laban. Ang gusto ko yung may resultang pinapakita, ayoko yung binibigyan lang ako ng reports.

Pag sinabi mo ikaw ang head ng sports, pakita mo ang medalya. Pag sinabi mo ikaw ang pangulo ng isang kolehiyo, pakita mo sa akin yung resulta ng examination nyo kung ilan ang pumasa sa board. Pag ikaw yung hospital director, ipakita mo sa akin yung nagamot nyo at naging problema nyo. In other words, pakita mo collection mo. Importante sa akin ang results eh, parang sa management, ayoko yung kwento ng kwento, ayoko ng mahahabang reports kapag nag-usap tayo. Ano ba trabaho mo, magkoleta ng buwis, o ilan ang nakolekta mo ngayon kumpara last year.

Ang gusto ko talaga, pati local government officials bibigyan ng proyekto base sa naipapakita nilang mga resulta na quantifiable. Ibig sabihin, may resulta talaga. Yan ang mga prinsipyo ng mga taga Tondo-Divisoria, kung ano yung resulta talaga. Kasi sa gobyerno mapakaraming reports, nasasayang lang ang papel. Wala naman nagbabasa. Ibig sabihin, sa aking simple lang. Pag ikaw ang sports commission, ilan ang medalya mo.

Kung hindi ka magaling, hanap tayo ng iba. Unang tanong kaya mo ba ito. Sinasabi mo kaya mo eh after awhile ano resulta. Ang sa akin, yung ikaw mismo kung ano ang nagawa mo ipakita mo. Pipiliin kita base sa yung nagawa, hindi kung ano apelyido mo, sino magulang mo, saan ka nag-aral, walang kinalaman yan mga bagay na yan, Ipakita mo ang nagawa mo, maniniwala ako at dadalhin kita sa cabinet.

Q. Sino ba ang mga magiging cabinet mo?

A. Hindi naman puedeng sabihin, pero mayroon na tayong nasa isipan.

Q. Walang presidente yata na magtatagumpay sa bansang ito.

A. Mabuti naitanong mo yan. Parati kong sinasabi, liderato ang mahalaga dito, na kaya mo magbuo ng maraming grupo.

Dapat maipakita mo na ikaw any tunay na lider, sapagkat pag hindi ka pa nakapag-lead maski anong organization o isang pamilya, e ano naman ang karapatan mo para sabihin na kaya mong mag-lead ng isang bansa na 90 million people. Ako kini-criticize bakit andun daw sina Ka Satur, Liza Masa at Querubin sa akin. Sabi ko yan ang nagpapakita na mayroong liderato. Dapat kasi sa isang pangulo ng bansa, lahat ng sector ng ating lipunan na karamihan ay kasama sila sa yong pamahalaan at kaya mong mamuno.

Dito malalaman mo naman ang nakaraang ginawa mo, kung ikaw ay parating nahahalal na pangulo, sapagkat kungdi ka pa nahahalal, malamang sa wala kang liderato. Ang lipunan natin kasi ibat-ibang ang takbo, ng simbahan, media, afp, congress, senate, dilg, judiciary at civil society.

Kapag mahina ang liderato mo lahat yan mag kakanya-kanya, ang pangulo, ay halos nakatingin na lang, hindi maganda yan. At least mayroon kang liderato na kaya mo silang impluwensyahan para isang direksyon yung patutunguhan.

Constitutional amendments

Q. Are you in favor or not?

A. Ang sa akin, wala akong problema kung baguhin yan o hindi dahil hindi ako naniniwala na yan ang mahalaga sa ating bayan. Ibig kong sabihin, hindi yan ang makakapaghango mula sa kahirapan. Ang kailangan natin liderato, kailangan wastong pamamahala, kailangan hindi corrupt na pangulo, yun ang kailangan. It does'nt matter if they want to amend it. Kung ako ok lang sa akin.

Q. Others want to amend it to prolong their stay in Malacanang.

A. Kaya nga hindi ako mag-iinitiate nyan. Hindi ako magsisimula. Pero kung gusto nila ok lang sa akin. Kaya ang mga pangulo pag malapit nang matapos ang term biglang tatawag ng ganyan.

Q. Papaano kung ang maging vice mo ay galing sa ibang partido?

A. Ok din, mas gusto ko sana si Loren at kapartido, simple. Pero nasa liderato nga yan. Ako naman di ako takot sa mga ganyan. Kaya kong mamahala ,kaya kong pamahalaan itong ating bayan, sino man ang vice, sino man ang manalo sa senado.

Q. Kung baga sa conductor kaya mong ikumpas, kaya mo pagsabay-sabayin ang 90 million Filipinos mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa, isa lang ang tono, isa lang ang kumpas?

A. Hindi ko magagawa 100%, hindi ko kailangan 100%. Kailangan mo lang ng malaking majority ng population sa isang direksyon, pero hindi naman pwedeng 100% pamamahala ng isang bansa at liderato. Basta meron ka lang 70% ay kaya na yan. Mula naman noong ako'y Speaker of the House eh tayo ang nakakuha ng pinakamataas na satisfaction rating sa lahat ng speaker sa history natin. Noong ako'y pangulo ng Senado, ako rin ang nakakuha ng pinakamataas na satisfaction sa mga Senate President at ang aking pangarap ako naman din ang makakuha ng pinakamataas ng satisfaction rating sa pagiging pangulo.

News Latest News Feed