Press Release
March 5, 2010

PRESS STATEMENT of SENATOR BENIGNO S. AQUINO III ON THE MOST RECENt PULSE ASIA SURVEY

"Isa lamang po ang ibig sabihin sa akin ng mga numerong ito - na sa halip na maniwala ang ating mga kababayan sa mga kasinungalingang ipinapakalat ng mga gustong manira sa atin, lalong dumarami ang tumataya para sa pagbabago ng ating bansa.

"Ako po'y nagagalak sa pagpapatunay ng survey na ito na patuloy ang pagbuhos ng suporta mula sa sambayanang Pilipino na naglalayon ng tunay na pagbabago para sa ating bansa, dahil hindi po ako titigil hangga't maibigay natin sa ating kapwa Pilipino ang isang lideratong malinis at mapapagkatiwalaan. Dahil kung walang corrupt, walang mahirap."

News Latest News Feed