Press Release
March 8, 2010

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW OF SEN. MAR ROXAS
On Bangit appointment as AFP Chief of Staff

MAR: Nakakabahala itong appointment na ito dahil hindi naman sikreto na ito 'yung klase na pinapaboran ng Pangulo, na nag-adopt at pinapaboran ng pangulo. Maraming nilaktawan (sa appointment na ito) at itong class na ito ang may hawak na ngayon ng lahat ng major service commands. Kaya nagbababala tayo na maging alerto para hindi matuloy ang kahit anong maitim na balakin ng gobyernong ito.

Nag-aapila ako sa Class 78 na siyang may hawak na ngayon sa iba't-ibang hanay ng Armed Forces of the Philippines, pati na rin ang PNP, na maging totoo sa kanilang sinumpaang tungkulin para sa Saligang Batas at sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Q: Anong importance ng military sa election? How do you see it's role now compared to the 2004 elections, especially in an automated election?

MAR: The military's role is very important. Sa maraming bahagi ng ating bansa, lalong-lalo na ang mga may private army, tulad ng Maguindanao at iba pang lugar, ang role ng military ay napakabigat para manatiling payapa at regular ang conduct ng elections.

Q: Kung March 10 ang retirement ni Ibrado, tapos palitan siya ni Bangit, pasok daw sa 60-day ban on appointments. Your reaction?

MAR: Isang halimbawa na naman ito ng gray or alanganin o pagpipilit ng amdinistrasyon na i-stretch ang letter of the law kahit labag na sa spirit of the law. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng kung ano-anong ispekulasyon na kabahagi ito ng kanilang maitim na balakin.

Q: Precursor kaya ito sa CJ appointment?

MAR: Isa pang halimbawa ito, tulad ng sa CJ appointment. Pipilitin kahit na baluktot. Ipipilit kahit alanganin. Ipipilit kahit stretching the letter of the law. Gawin lamang kung anoa ng gusto kahit labag na ito, kung hindi man sa letter, sa spirit of the law.

On Surveys

Q: Wala na daw naniniwala dahil kayo daw po ang laging Number 1. Dahil nung panahon daw ni Ramos, hindi naman siya nangunguna sa survey pero siya ang nanalo. Ano po ang masasabi niyo dito?

MAR: Nirerespeto ang pananaw ni Pangulong Erap pero nung panahon naman niya ay siya naman ang nanguna sa survey at iyon din naman ang lumabas sa eleksyon.

News Latest News Feed