Press Release
March 15, 2010

TRANSCRIPT OF GMA-7'S 'HIRITAN 2010' INTERVIEW WITH LIBERAL PARTY STANDARD-BEARERS NOYNOY AQUINO AND MAR ROXAS

HOST: Arnold Clavio
PANELISTS: Winnie Monsod. PCIJ's Ed Lingao

AC to MAR: Pakisagot lang po ito dahil dito din po sa DZBB ito isiniwalat. Ano pong nangyari sa session hall, sinabi ni Senador Loren Legarda na sinabi niyo daw sa kanya na baka puwede na lang niyang suportahan ang tambalang Noynoy-Mar. Although hindi niya binabanggit na may financial consideration pero merong 'outside of the political process' daw? Ano ba talaga ng ibig sabihin nun? O nangyari ba talaga ang ganung conversation?

MAR: Alam mo, Igan, ay hiningi ko ang suporta ni Senador Loren matapos na bitiwan siya ni Senador Chiz, di ba, parang naulila siya. Hindi ko naman talaga mapaniwalaan na seryoso siya kay Senador Villar matapos niyang masabi sa aming lahat na senador: na walang liderato, ginagamit ang puwesto para sa pansariling interes. Hindi ko talaga mapaniwalaan na seryoso siyang sasama sa kanyang ka-tambal ngayon. Kaya ko hiningi ang suporta niya noon. Ang sabi ko, 'Loren, kung wala kang mapupuntahang iba, nakikita mo bang suportahan sina Senador Mar at Senador Noynoy?' Hanggang dun lang 'yun. Nung hindi siya sumagot, eh di wala.

AC: Ngayon kasi nagiging concern 'yung buyout. Sa iyo ba walang lumapit para umatras ka rin?

MAR: Wala naman. Pero hindi 'yun kaugalian namin ni Senador Noynoy. Wala naman kaming pang-buy out. Wala naman kaming record na ganun.

AC: Salamat Senador Mar Roxas...

AC: Para naman kay Senador Noynoy Aquino. Lagi na lang isyu 'yung pagtakbo mo sa likod ng iyong magulang. Anong reaksyon mo dito? Hindi ka makaalis sa anino ni dating Senador Ninoy Aquino at ang iyong ina na si Tita Cory? 'Yun ba ay advantage pa sa iyong kampanya ngayon? Marami kasi ang gusto kang makilala. Sino ba talaga si Noynoy?

NOY: Palagay ko advantage po. More than anything. Sila po ang nagturo ng tama at mali. Tama naman ang ginawa nila. Bakit ko naman hindi susundan ang ginawa kung tama naman. Kasi kung pupunta ako sa hindi nila ginawa, baka naman iyon ang mali. Bakit pa ako susugal na mapunta ako sa mali eh maganda na iyong maalala ko ang kanilang mga ginawang halimbawa, kung paano sila nag-desisyon, at 'yung nakatutok sa interest ng nakararami parati kesa dun sa interest nila. Isa pa, mga kritiko po natin na hindi sumunod sa kanilang mga yapak at ayaw sundin ang kanilang idelohiya, pasensiyahan na lang tayo. Dahil dito palagay ko ang tamang landas at ito ang tatahakin ko.

AC: Ito naman ay napapag-usapan lang. Apektado ka ba talaga nung away ng Kris at Ruffa. Bakit nahaluan ang showbiz ng politics? At nakita natin na umiyak na naman iyong kapatid. Anong personal mong reaksyon dito?

NOY: Tayo po ay pinipilit na idamay dun, pinipilit na mag-comment dun. Una po, nasabi ko na na hindi ko napanood ang episode na iyon, ako'y busy po na nangangampanya nung panahon na iyon. Pero siyempre, lagi naman natin ipagdadasal ang ating kapatid. Hindi lang naman siya, lahat ng aking mga kapatid, lahat ng mga pamangkin ko para naman alagaan sila ng Diyos sa mga panahong ito.

AC: Maraming salamat. Kung ano-ano 'yang mga away-away na iyan. Mamaya, away naman nila Pacquiao atsaka ni Clottey, damay na naman kayo dun.

AC: Tawagin na natin ang ating media partner from PCIJ, si Ed Lingao po may tanong siya muna kay Senador Mar Roxas.

ED LINGAO: Good morning. Senator Mar, sinabi daw po ninyo na kayo ay bukas dun sa paggamit ng nuclear power dito sa ating bansa. Ito'y sa kabila ng ating masamang karanasan sa Bataan Nuclear Power Plant. Kung ganun po, paano po kayo nakasisiguro na hindi mauulit ang problema ng BNPP sa isyu ng korupsyon, sa isyu ng safety?

MAR: Unang-una, importante na ihiwalay natin ang isyu ng BNPP dun sa isyu kung bukas ba ang bansa natin na gamitin ang nuclear power. Tanungin natin 'yung mga kapitbahay nating bansa. Sila ay gumagamit ng nuclear power. Ano ang nakikita nila dun sa safety, sa cost of electricity atbp na hindi natin nakikita. Hindi natin maiwasan na sobrang mahal ngayon ang singil sa kuryente dito. Dapat mulat tayo, dapat bukas ang ating kaisipan. Tingnan natin. Magbuo tayo ng isang komisyon na binubuo ng mga physicists, scientists atbp at tingnan natin ito. Hindi iyong mga pulitiko, hindi iyong mga walang alam diyan. Ang pinakamahalaga dito, ligtas. Kung talagang papasukan natin ito, dapat ligtas ito. Dahil pag nagkamali tayo dito, hindi puwedeng bahala na. Daang libo ang mamamatay dito.

ED: Mahirap hiwalayin minsan ang problema ng politika at 'yung imprastaktura, lalo na kung gagawa tayo ng nuclear power plant, napakalaki ng halagang kailangan natin diyan. Paano niyo magagarantiya na hindi mapapasukan ng politika at korupsyon iyan?

MAR: Kaya nga. Ang unang aksyon diyan ay gumawa tayo ng isang komisyon na binubuo ng mga eksperto. Tingnan natin. Bakit ba sa South Korea nagpapatayo sila, 10 yata sa susunod na 10 taon? Bakit ang Tsina, 20 yata ang itatayo nila. Ganun din po ang iba pa nating kalapit na bansa, para po masisiguro nila ang energy security nila. Eh tayo, bibili tayo ng langis mula pa sa Middle East, eh ang mahal-mahal. Nakita naman natin kung anong epekto niyan, lalong-lalo na sa singil ng ating kuryente. Eh dependent din tayo sa geo, sa hydro, okay lang din 'yan. Kung makita natin na hindi din natin maaasahan iyan araw-araw. So, para sakin, dapat bukas ang ating kaisipan. Pag-aralan natin ito. At kung makapagpasya tayo na ligtas ito, tama ito, then gumawa tayo ng mga tamang hakbang para walang pangungurakot at nasa sa specification ang pagpapatayo nito.

AC: Salamat Ed. Ngayon, Senator Aquino naman ang tatanungin ni Ed.

ED: Kayo po ay tumatakbo sa plataporma ng anti-corruption. Napakatingkad ng platapormang inyong isinusulong. Pero hindi po kaila sa marami na malapit kayo sa dating Pangulong Estrada na na-convict ng plunder. Ang tanong ko po: Kung kayo po ay tatanungin ngayon, kayo po ba ay sang-ayon sa pagbigay ng pardon kay Estrada sa sala ng plunder?

NOY: Iyong malapit, personal kaming malapit. Pero batid mo naman na ako'y kasama sa impeachment po niya at ako'y nagpaalam po kay President Estrada. Dun sa pardon aspect, fundamental principle po namin na kailangan kung may nagawang kasalanan, kailangan may katapat na kaparusahan. At kung 'yung kaparusuhan ay hindi ho mai-serve, wala ng mangyayari satin. Ang madalas na binabanggit namin na case example ay ito nga pong kay Jocjoc Bolante. Four years bago naumpisahan ang kanyang imbestigasyon at ngayo'y tumatakbo bilang gobernador. At ngayon ay isasama pa dun sa 18% na conviction rate natin, at isama mo na rin iyong 6 years adjudication average, eh talagang parang wala rin tayong hustisya dito at iyan ang gusto naming palitan.

ED: Kung ganun po, hindi kayo sang-ayon sa pagbigay ng pardon kay President Estrada? Ganun po ba?

NOY: Hindi po tayo sang-ayon dun. Hindi po tayo sang-ayon dun sa binigay na pardon dun sa mga pumaslang sa aking ama, at marami pang iba na ibinigay nitong kasalukuyang administrasyon na hindi tayo sang-ayon.

Q: Dianne Rivera (student): Paano niyo pong ma-e-encourage ang mga botanteng tulad ko po na estudyante na hanggang ngayon ay undecided pa rin po kung sino ang aming iboboto?

MAR: Magandang umaga. Para sa ating mga mag-aaral, sa ating mga taga-subaybay. Ang pamamaraan po ay paghayag sa aming plataporma. Ipakita kung ano ang gagawin namin, ang pangarap namin para sa ating bansa. AT 'yung aming track record din po: walang mantsa, walang bahid po ang aming track record po, si Senador Noynoy at si Senador Mar po. Kahit anong anomalya wala pong dumapo sa aming mga pangalan. At 'yun po ang aming piniprisinta sa ating mga kababayan, lalong-lalo na po sa ating mga kabataan. At pati na rin ang aming programa para sa matibay na edukasyon. Dahil ito din naman po ang maibabaon ng ating mga kabataan pang-habambuhay. Ito ang pamamaraan, ito ang tulay, para may pagkakakitaan sila, para may magiging trabaho sila. Dalhin man nila dito o maging OFW sila, kung ano ang lam an ng kanilang utak, nasa sa kanila po iyon.

Q: Neil Veluz: What personal habits or vices are you willing to sacrifice if you won the presidential position?

NOY: Alam niyo ho, sa totoo lang hindi ko na alam kung ano pa ang isasakripisyo ko. In a given week, I was supposed to get one day a week for my free time. Pero nakukuha din po iyon, kahit alam nilang free time iyon, kaya hindi na rin akin iyon. Pagdating ng oras eh, ang hinahabol ko lang ay 'yung hindi masyadong maging de-kahon ang ating buhay na ang lahat ay regimented, ordered by so many conventions, practices, traditions na baka makalimutan ko na kung sino ho ako ano po.

Well, dun sa vices, I guess, I assume 'yung smoking ko will eventually go. Eventually I hope I can give it up, sooner rather than later.

Q: May kumakalat na Noynoy-Binay. May kumakalat din na Vill-Mar. Kumusta ang relasyon ninyong dalawa?

MAR: Igan, kita mo naman kahit nung break, kahit on air, on cam, off cam, 'yung samahan namin ay matibay naman, may tiwala kami sa isa't-isa. At matatag naman ang samahan namin.

NOY: Aaminin ko malapita talaga kami ni Jojo (Binay) pero ang kandidato ko ay si Mar. At kami talaga ang mag-partner. At tulad ng sinasabi ko dati, ang division of labor, ang pagtutulungan, ang damayan, talagang damang-dama po natin iyan. At ganun ang confidence natin sa pagbabago. Either he or I could lead the struggle for change.

WINNIE MONSOD: Ang taas po ng mga ratings niyo sa mga survey ano po. Ngunit dun sa Capiz, ang inyong probinsiya, talo daw kayo dun. Talo daw ang Noynoy-Mar dun, panalo daw dun si Villar. Anong masasabi niyo diyan sa report na yan?

MAR: Ang masasabi ko lang diyan: Baka mali ang pahayagan na binasa mo dahil sa UP survey, sa iba't-ibang survey, sa Bombo survey, sa RMN survey, sa lahat-lahat po, kahit magtanong lang po kayo dun, namamayagpag po ang Noynoy-Mar dun sa Capiz. Ang totoo po, 'yung kakampi ng Villar-Legarda dun sa Capiz ay mga kakampi din po ni Jocjoc Bolante. Yun po ang hanay dun eh. Kami po sa Partido Liberal, hindi po kami kasama kay Jocjoc Bolante, hindi po namin siya sinusuportahan. Lahat ng LP na na-engganyo kay Jocjoc Bolante ay tinanggal na po namin dahil ang pinapangalandakan ni Jocjoc dun ay ang kanyang pera, ang kanyang resources. Pero ang Jocjoc Bolante dun ay ang Nacionalista, hindi po ang Liberal Party.

WM: 'Yung partnership ninyo, kung maging president and vice president kayo, anong Cabinet position ang gustong makuha ninyo and why?

MAR: Mareng Winnie, sa totoo lang, peksman. Hindi pa po namin napag-usapan ang ganyan. At ako naman, ang ating pananaw rito, sa ating baroto (?), kung minsan taga-sagwan ka, kung minsan ikaw pinapahawak sa timon, minsan ikaw taga-tabo. Ang mahalaga dito ay makarating ang baroto natin sa paroroonan natin. Isang maunlad na bansa na kung saan itong mga kabataan, mga kababayan ay may pagkakataon na mangarap muli, hindi lamang yung abot-panaginip kundi abot-kamay talaga. 'Yung pagkakataon na talagang mapaunlad nila ang kanilang buhay.

WM to Noynoy: Lahat ng presidential candidates kung ano-ano ang pinapangako sa mga tao. Kayo, in your first 100 days, ano po ba ang gagawin niyo para talagang ma-deliver ang mensahe na talagang magbabago ang buhay ng Pilipino, bubuti sila at ano ang gagawin ninyo exactly? 'Yung first 100 days lang ha.

NOY: Sa first 100 days, siyempre ifi-fill up natin ang Gabinete para I-implement ang policies. Susunod po, gusto nating magtayo ng isang tanggapan, o isang commission, na gagawa ng mekanismo para magkaroon ng closure sa lahat ng isyus na bumabalot sa kasalukuyang administrasyon. Gusto rin po natin na in the earliest time possible, pag na-organize na po 'yung Kongreso, ma-convene iyong Judicial -Executive -Legislative Advisory Council para maiayos ang ating delivery of justice. Na hindi na po 6 years ang ating kakailanganin per level. At sabi ng iba, 18% lang ang conviction rate. Para maging effective po 'yung I-employ po natin. Meron din pong mag-study ng Constitution, kung talagang kailangan nating palitan, at kung talagang may public clamor nga po para diyan. Iyan po ang mga bagay na gusto po nating magawa in the first 100 days.

WM: Okay. Eto meron unrelated question pero I-follow up ko na rin. It has to do with relationships. Minsan daw, hindi naging maayos ang inyong relasyon ng iyong pamilya sa pamilya ni Danding Cojuangco dahil sa assassination ng tatay niyo. Pero ngayon naman daw ay nililigawan mo daw siya para sa kanyang suporta. Kumusta ba talaga ang relasyon mo sa kanya? Nagka-ayos na ba kayo>

NOY: Well, 1965 pa po nagkahiwalay ang pamilya namin. At sa totoo lang po, nung mamatay po ang aking ama, lahat po ng ka-alyado ni dating Ginoong Marcos automatically para sa akin ay naging black and white. Talagang sila ang nasa mali. After a while, nung aking isipan po, dun sa assassination ng daddy, itinuturong siya po ang mastermind. Sabi ko, paano kaya magiging logical iyon? Lahat ng involved kasi ay puro taga-Central Luzon, parang gumawa na siya nun ng trail na magtuturo sa kanya. Kung may kriminal po, na-plano na rin niyan kung paano siyang makakalusot sa kaso, hindi po siya gagawa ng advertisement na magtututuro sa kanya na 'ako ang gumawa nitong krimen na ito.' Sabi nga nga po sa Tarlac, sa henerasyon po namin, hindi naman po kami nag-personalan, palagay po namin ay natulungan po kami para sa ikabubuti ng probinsiya ng Tarlac. Nagtatanong na kami, maayos na po ba kami. Hindi na po kami magkakaaway kung I-tatanong lang siguro.

Q: Kaya niyo bang itaas ang antas ng pamumuhay ng mga guro dahil sila ang pundasyon ng lipunan?

MAR: Oo naman. Hindi lamang yung antas na pamumuhay ng ating mga guro, pero sa lahat ng mamamayang Pilipino. Ang nasa sentro ng tambalang Noynoy-Mar ay ang job generation, ang income generation para sa ating lahat. Halimbawa, 'yung sahod sa ating mga kawani sa gobyerno. Ito 'yung tinatawag ni Senador Noynoy na carrot. Bigyan natin sila ng insentibo para mag-trabaho ng maayos. Pero ang kapalit po nun ay 'yung stick naman. Kung hindi po sila mag-perform, whether ikaw man ay guro, o nasa BIR, o nasa BOC, o nasa DPWH o ibang bahagi ng gobyerno, meron din pong stick kung ika'y hindi nag-perform ng tama, at lalo na kung ikaw ay nangurakot. So, para sa ating mga guro, para sa ating mga kawani sa gobyerno, iyan po ang ating programa. 'Yun pong carrot atsaka 'yung stick para 'yung serbisyo para sa ating mga kababayan ay makarating sa kanila.

Q: Kung hindi namatay ang iyong ina, tatakbo ka ba bilang presidente?

NOY: Kung hindi namayapa ang aking ina, ikakampanya ko na lang po si Mar dahil ang term ko po ay matatapos sa 2013 pa. Hindi po tayo nag-ambisyon ever na manahin iyong problemang iiwan ni Ginang Arroyo, lalo na po na ako ay isa sa mga pinakamatinding tumututol nung ginagawa pa lang niya ang mga ito. Hindi ko po makita ang katarungan na ako ang mag-aayos ng kinontrahan ko nga, to begin with.

Pero ngayon, ito na po ang tawag ng taumbayan, sa aking pananaw. At tutugunan ko po ang aking responsibilidad at tungkulin.

WM: Sabi niyo may carrots kayo para sa mga teachers. Pero on the other side, ang mga teachers, ayon sa Department of Education, ayon sa mga exams na ibinibigay sa kanila, eh medyo mababa ang kalidad nila. Ano po ang gagawin ninyo? Bakit kayo magbibigay ng mataas na suweldo sa mga teacher eh hindi naman pala magaling ang kanilang mga turo?

MAR: Ang resulta po niyan ay sa kaalaman ng kanilang mga estudyante. So ibabalik po natin 'yung mga tests hindi lang sa aptitude, kundi para malaman talaga kung ano ang kaalaman na natanggap ng mge estudyante. So ang teacher, kung mahusay ang teacher, bibigyan natin ng carrot. Pero kung hindi naman, hindi natin bibigyan ng carrot. Ang mahalaga dito, lahat ng teacher ay mabigyan ng teacher training. Para ang kanilang kaalaman, ang kanilang ituturo - both sa substance at sa pamamaraan - ay maging mas moderno. At mas maging angkop sa pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa ngayon.

Q: Sa tingin ninyo mas may karapatan kayong maging pangulo, kaya lang nagpa-ubaya kayo?

MAR: Hindi ko ide-deny na pinangarap ko din maging pangulo bilang instrumento sa pag-aayos ng mga problema ng ating bansa. Dumating ang panahon na nakita ko na baka mas mabilis natin na marating 'yung kagustuhan nating magandang kinabukasan kung ang hahawak ng ating bandila ay si Senador Noynoy Aquino. Kaya masakit man sa akin, kahit mapait man, tinanggap ko na mas mahalaga ang kapakanan ng ating bansa kesa sa ambisyon ko lang. 'Yung ambisyon ko, hindi po iyan ang aking misyon. Ang aking misyon po ay ang para sa ating bansa. Kaya sinusuportahan ko ng lubos-lubusan po si Senador Noynoy Aquino.

Q: Bakit kayo bumoto ng 'no' para I-play daw ang Garci tapes? (AC comment: Uy. Okay ang memorya nito)

NOY: Nabasa ko rin ho iyan. Ni-research ko din po iyan sa aking memory. Ang bottomline po niyan ay may legal premise na fruit of the poison tree eh. 'Yung ebidensiya na hindi nakuha sa tamang pamamaraan ay hindi rin po magagamit sa paglilitis. Pag play po nun, parang 'yun na din po ang magdadagdag ng pamamaraan para hindi na ma-presinta as evidence itong 'Hello Garci' tapes na ito. Kung tama ang tanda ko, ganun po yata ang bumabalot na pag-iisip sa akin nung iyan po ay pagdesisyunan. Wala po kaming makalap na impormasyon tungkol sa 'Hello Garci' nun, hindi kami oposisyon pa nung panahon na iyon. Sa administrasyon naman po, dineny nila na may ganung conversation. So, nakinig po ako sa payo ng mga abogado para siguruhin na kapag dumating ang panahon at magkaroon ng paglilitis dito, ay mayroong sapat na ebidensiya para magkaroon ng conviction. Kapag pinlay, parang kasama pa sa compounding or aggravating circumstances, lalo ng hindi magagamit na ebidensiya iyan.

Q: Nag 'no' kayo pero hindi para suportahan si President Arroyo nun?

NOY: Opo. Uulitin ko. Fruit of the poison tree. 'Yan nga po ang konsepto na sinasabi nila. Pag hindi tama ang pagkuha ng impormasyon, hindi pwedeng gamitin sa korte. Balewala din.

WM: Panay ang pukpok sa inyo ng inyong mga kalaban with respect to Hacienda Luisita. Anong ginagawa niyo sa Luisita? Wala kayong control sa Luisita? Ano ba exactly ang inyong relasyon sa Hacienda Luisita?

NOY: Parte po iyan ng Jose Cojuangco and Sons, this is a family holdings po. Meron po tayong .04 or .004 percent of the holdings, nasa pangalan ko po. Pero, more than anything else, I guess, I-sentro po natin ano. 'Yung pino-portary tayo ng kalaban na ganid kami sa lupa, ayaw namin bitawan, etc. Sa totoo lang po, kung ibebenta po natin, which is part also of the agrarian reform program. Ibenta po natin 'yung 4,500 hectares, even at P100 per square meter, mga P4.5 billion po ang papasok, 70% of that samin, mababayaran din po ang utang ng kumpanya at medyo malaki-laki ang maibabangko pa. Tapos tanggal pa ang isyu ng politika sa atin diyan. Kung yun po ang habol natin, ginawa na po natin iyon, tapos ang isyu sa Luisita. Pero iniwan po natin 'yung mga kasamahan natin dun na parang bahala na kayo sa buhay niyo at hindi 'yung tulad ng gusto nila.

ED: Follow-up dun sa first 100 days. Nabanggit ninyo na gusto ninyong mag-create ng isang komisyon para resolbahin ang mga isyu na hindi pa nare-resolba. Ano po ang pinagkaiba nito sa PCGG na ginawa para dun sa mga isyu dun sa mga Marcoses ay resolbahin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos?

NOY: 'Yun na nga po. Gusto ko pong gayahin 'yung konsepto ng dapat managot kung may ginawang krimen. Mekanismo po siguro ang dapat na sinabi ko. Ano ang mekanismo para magkaroon na ng closure sa isyus tulad ng Hello Garci, 'yung fertilizer, 'yung ZTE, etc. Nandun na tayo, manigurado tayo na tututukan iyan hindi katulad ng PCGG, na nagkaroon ng mga technicalities na siyang naging hook para humaba ng humaba ang mga kaso. 'Wag niyo kalimutan na gusto natin ng judicial reform , pipilitin nga natin na hindi deka-dekada ang kaso bago ma-resolba. Tingnan niyo po iyong jueteng na inimbestigahan ng Senado. Hindi po siguro batid ng nakararami pero inaangkin po iyan ng aking katunggali. Pero ito pala ay wala pa ring report tungkol dun. Sa lahat ng hearing na iyan, wala ngayong magagamit na base para mag-file ng mga kaso tungkol dito.

AC: Pang-huling mensahe.

MAR: Gagamitin ko ang oras ng minuto ko para liwanagin iyong tanong ni Manang Winnie dun po tungkol sa Hacienda Luisita. 4,000 hectares po iyon, 10,000 ang beneficiaries. Kaya po ni isang ektarya bawat tao, bawat beneficiary, hindi makakaabot. Kaya po ayaw ni Senador Noynoy na bitiwan na lang sila na para bang, bahala na kayo sa buhay niyo. Ang gusto niya, masiguro na may pagkakakitaan sila.

Sa natitirang kalahating minuto: Para sa ating mga taga-subaybay, mga kabataan, mga mamamayan: May pagkakataon po tayo na itama ang ating landas. Na maituwid ang baluktot. Na muling mamayani iyong dangal ng ating lahi, ng ating mga kababayan dito sa loob ng ating bansa. Wag na wag po nating aksayahin ito. Kung mali po ang ating pili, anim na taon na pagdurusa. Kung tama naman po, anim na taon na sige-sige, aasenso po ang ating bansa at tayong lahat. Maraming salamat po.

NOY: Alam niyo ho, lahat kaming mga tumatakbo, sinasabi na babaguhin ito, babaguhin iyan. Pero ang tanong dito, kaya mo bang baguhin kung kasama ka diyan sa sistema at ginagamit mo ang sistema. Puwede mo bang sabihin na babaguhin mo iyan? Palagay ko hindi. Kaya nga nung huling budget, awa ng Diyos, 2 po sa katunggali ko na ang dami-dami daw nilang babaguhin, ay ibinoto po nila ay 'yes.' Ang 'Yes' po ay ipagpapatuloy mo ang iyong gustong baguhin. Kaya hindi ko po maintindihan 'yung kanilang lohika o logic sa ganyang kanilang desisyon. Ngayon po, kami ay nandito dahil kami po ay nagre-respond sa taumbayan na nagsasabing panahon na talaga para palitan ang sistemang umiiral sa atin. Napakaliwanag po samin na napakarami nating problema akala natin napakahirap palitan. Pero sa pag-aaral po namin, napakasimple po ng solusyon, kailangan lang gawin. Hindi tayo aangat kung ang pipiliin natin na mamumuno satin ay puro pansarili. Kailangan po, katulad ni Mar, ang interest ng nakakarami ang palaging inuuna bago ang sarili.

News Latest News Feed