Press Release
March 17, 2010

Radio Interview of Senate President Enrile with
DYRF Cebu anchor Ike Durano (Alagad)

Q: Manong Johnny Ponce Enrile, kayo po ay live sa himpilan po ng DYRF over Metro Cebu, Central Visayas at Northern Mindanao. Ike Durano po, Manong Johnny. Maayong buntag sa imo.

JPE: Maayong buntag sa DYRF, sa Cebu, at daghang salamat sa interview mo.

Q: Manong, kumusta na po ang ating pangangampanya?

JPE: Okay naman. Masaya. Gusto ko happy kayo eh lalong-lalo na ang mga kababayan natin sa Bohol, Cebu at Mindanao, sa lahat ng Cebuano-speaking people.

Q: May mga kaba ngayon ang ating mga kababayan dahil sa laki ng budgetary deficit ng susunod na pamahalaan. Baka may karagdagan na namang buwis daw na ipapataw po sa ating mga kababayan na naghihirap po sa ngayon. Ano po ang inyong masasabi tungkol sa problemang ito?

JPE: Medyo yata hindi ako sasang-ayon sa mga bagong buwis. Tignan muna natin ang efficiency ratio ng performance ng gobyerno sa tax collection.

Q: So in this way, Manong, iyong paghihirap ng taumbayan can be prevented by this tax collection?

JPE: Surely. Pag efficient ang tax collection, at hindi naman oppressive, you have to see to it that the people who are earning will pay their due taxes, at lahat ng mga nagnenegosyo ay magbabayad ng tamang buwis so that you can cover that deficit. Malaki ang leakage eh.

Q: Manong Johnny, yun atin pong mga senior citizens, nagpafollow-up na po ng epekto ng Expanded Senior Citizens Law, kasi hanggang ngayon wala pang implementing rules and regulations na nangyari. Until this time, hindi pa nila na-eenjoy ang benepisyo ng napasang batas na ito.

JPE: Matagal na matagal na naming naaprubahan yan at pinirmahan na ng Presidente, nasa implementation na yan eh. Titignan natin kung anong ahensya ng gobyerno ang humahawak dyan, sapagkat dapat talagang iyan, must be enforced. Alam mo ang advocacy ng partido Pwersa ng Masang Pilipino is pro-people. The weak and the powerless, kaya nga pwersa ng masa. We see to it that the people are protected from the laziness of the government, pati sa mga hindi karapat-dapat na ginagawa ng mga negosyante.

Q: I see. Manong Johnny, ano rin po ang masasabi ninyo regarding sa report ng US State Department, na itong extra-judicial killings still remains to be a major problem sa ating bansa magpa-hanggang ngayon?

JPE: Kung meron yan, dapat isiwalat nila. Sino ba ang gumagawa n'yan at anong specific cases na extra judicial killings ang sinasabi nila? Madaling sabihin na extra judicial killing 'yon eh. Pero anong specific cases, si Juan, Pedro, Jose, Elias o ganito, ano bang pangalan ang subject of extra judicial killing? Nangyari na sa akin 'yan nuong panahon ko sa Department of Defense. Sa Amnesty International, mga human rights advocate, maraming mga ganyan. Kailangan may specifics sapagkat, in a combat situation, in a country affected by internal conflict, may mga patayan talaga na wala kang magagawa.

Q: Okay. Sir, on another issue po related to election. Naging magulo na po itong mga bangayan ng mga partylist. May mga paratang ngayon na ang ilang mga partylist ay sponsored daw ng Arroyo Administration kaya kailangang i-disqualify sila, pero hanggang ngayon yung ating mga voters ay hindi pa nalalaman o naintindihan kung ano po talaga itong partylist sa Kongreso. Ano po ang tunay na layunin ng mga partylist dyan?

JPE: Alam mo, Ike, dapat dyan yung mga naghihinala na mga tao na itong mga partylist na ito ay peke, ay huwag nilang iboboto. The Comelec should exercise its power to really disqualify those that are not legitimate party-list groups. Kung may nakalusot man sa Comelec at totoong alam natin na ito ay sponsored ng mga pulitiko, dapat lang silang ibasura.

Q: Manong Johnny, yung partylist po ay, sa ilalim ng Constitution to give representation to those who are under-represented. Do you think it has served its purpose po ngayon, Manong Johnny?

JPE: It is being abused already, inaabuso na. Like anything in our country, when a little thing, a small door is open, maraming nakakalusot.

Q: Kaya ngayon yung ballot napupuno po ng pangalan ng mga partylist.

JPE: Kailangan para maging happy tayo, kailangan magbantay tayo.

Q: So last concern po namin, ano po ang masasabi ninyo sa banat ni Noynoy Aquino kay Erap Estrada na isa daw katiwalian itong pagpapardon sa kanya ni PGMA, when he was convicted of plunder po?

JPE: Alam mo si Noynoy kaibigan ko 'yan, ano? He's a very good friend of mine. I think he should think before he says something, because he must understand that when he becomes a President his function is not only to make decisions, but he must defend and support the Constitution. He must faithfully execute the law and justice to everyone. When you mean justice to everyone, in your opinion, there is a doubt whether the person is guilty or not guilty. Then it is the duty of the President to exercise his power of clemency, either by giving appeals, or pardoning people either absolutely or conditionally. Ibinigay ng tao ang kapangyarihan ng Presidente so it is within the discretion of the President to decide whether this person is indeed entitled to be pardoned, so baka nagkaroon ng duda yung Executive Department sa kaso ni Erap. Hindi sila sigurado na talagang guilty si Erap sa plunder kaya pinardon.

Q: Manong Johnny, ano po ang inyo pong huling mensahe sa mga Bisaya who are listening to the program ngayong umaga?

JPE: Matatalim ang mga question mo pero daghang salamat. Sana po huwag ninyong kalimutan si Enrile sa darating na halalan sa Mayo 10. Samantalahin ko na itong pagkakataon na ito. Numero 15 po sa balota ng Comelec, at sana ibalik ninyo ako sa Senado para maging katulong ninyo. Para sa gayon ay walang masamang batas na lalabas sa Senado sapagkat malawak po ang kakayahan, karanasan, at kaisipan ni Juan Ponce Enrile, ang inyong kaibigan na Senador at Pangulo ng Senado ngayon.

Q: Manong, maraming salamat. Maayong buntag.

JPE: Maayong buntag, Ike.

News Latest News Feed