Press Release
March 24, 2010

Senador Noynoy Aquino Sa Pananambang Sa LP Mayoralty Candidate

"Ikinalulungkot ko pong malaman na tinambangan ang kandidato ng Partido Liberal para sa pagka-alkalde ng bayan ng Pagbilao, Quezon na si Apo Martinez. Pangalawa na si Apo sa hanay ng ating kampanya sa naging biktima ng karahasan dahil lamang sa pulitika.

"Kinokondena namin ni Senador Mar Roxas ang pananambang kay Apo Martinez, at sa lahat ng naging biktima ng karahasan sa pulitika.

"Nawa'y agarang tugunan ito ng ating pamahalaan na may tungkuling siguruhin na malinis at payapa ang paparating na eleksyon. Kakambal ng tungkuling ito ang pangangalaga sa buhay ng sinumang tumatakbo na walang pasubali kung ito'y kakampi man o katunggali.

"Sa mga nag-iisip na magpapatinag kami ni Senador Mar sa ating pakikipaglaban para sa tapat at marangal na pamunuan, nagkakamali kayo. Hindi kami titigil hangga't hindi natin nakakamit ang isang pamunuan na tunay na nagmamalasakit sa ating bayan."

News Latest News Feed