Press Release
March 24, 2010

Transcript of Interview of Senate President Enrile with Bombo Davao

Q: Good morning, sir.

JPE: Maayong buntag sa imo, Brix. Maayong buntag sa Davao.

Q: Meron pong pinalabas ngayon ang US State Department dahilan daw sa patuloy na isyu ng pagpatay o problema sa ating bansa ang extrajudicial killings. Ano po ang inyong reaksyon tungkol dito?

JPE: Matagal na yan na sinasabi nila mula pa nuong panahon ni Marcos, Amnesty International, human rights, yung sinasabi ng State Department pero hindi nila sinasabi, i-specify kung sino-sino yung mga subject of extrajudicial killings para ma-focus natin ang usapan kung totoo o hindi, sapagkat meron tayong internal conflict sa ating bansa eh. Kung lalabanan ng sundalo yung mga kalaban ng gobyerno, lumalaban, pumapatay sa kanila. Kaya ngayon, extrajudicial killing ba yon? Kaya kailangan i-specify, ano ba yung mga killings na yan na sinasabi nilang extra judicial killings? I'm not justifying extrajudicial killings. Dapat parusahan yung mga tao. Pero to generalize the statement, like that, is not worth our time.

Q: Yes, sir. Nararapat po ba na bigyan ng kapangyarihan ang Commission on Human Rights upang mabigyang pansin ang naturang problema?

JPE: Kailangang mabigyan ng kapangyarihan ang CHR. Meron na silang kapangyarihan sa Saligang Batas, at even ordinary citizens, kung meron siyang ebidensya ay pwedeng mag-file ng kaso sa prosecutor, sa prosecuting arm ng gobyerno.

Q: Maliban po d'yan, sa ibang isyu naman, hiniling po ng isang election watchdog na imbestigahan ang anim na partylist groups na sinabing may kaugnayan kay PGMA. Ano po ang reaksyon ninyo tungkol dito?

JPE: Mabuti 'yang partylist system pero may tendency yan na inaabuso, kaya kung yang mga watchdog na yan, na sinasabi na watchdog sila, ay kunin nila ang mga ebidensya at iprisinta nila sa Comelec, huwag silang magpupulitiko. Iprisinta mo sa Comelec ang kaso and you file a disqualification case against doon sa sinasabi mo na mga peke na mga party list para sa gayon ay matapos itong usapan.

Q: Sa inyo pong obserbasyon, nakakamit po naman ba ang nasabing layunin simula ng magkaroon ng partylist system sa ating bansa?

JPE: Kung minsan hindi e, dahil kagaya ng power system, merong partylist, merong unang partylist dyan. Eh hanggang ngayon ay wala silang ginagawa yung congressman nila doon. Ako ang lumalaban para sa taumbayan tungkol sa power rates. Sumusunod lang sila. Kagaya ng partylist cellphone, matagal na sya don, hindi naman isiniwalat. He did not bring up the problem of the cellphone holders na nawawalan ang mga load, at saka short ang expiration date ng kanilang load. Mahal ang cost ng voice calls, mahal ang cost of texting. It took Enrile, who is not a partylist representative of the cellphone holders, to raise the issue and bring it before the public kaya nagkaroon ng imbestigasyon.

Q: Maliban pa dyan, itatanong ko lang po itong isang vocal na isyu na nangyayari po sa aming lugar dito sa davao. Noong nakalipas na araw ay merong imbestigasyon na ginagawa ang konseho ng Davao city sa mis-declared po na goods na pumasok dito sa Davao City. Bigas raw po ang laman ng mga vans. Isang konsehal dito ang nakapansin sa maling deklarasyon ng bigas na irerelease ng Bureau of Customs, baka daw po ito ay smuggled rice? Malaki pong problema sa ating ekonomiya ang patuloy na smuggling. Ano po ang batas laban sa smuggling?

JPE: Ang batas na lalaban sa smuggling ay ang Tariff and Customs Code. Ang nagpapatupad niyan ay ang Bureau of Customs. Pag bulok ang Bureau of Customs, walang mangyayari d'yan, kaya kailangan pagdating ng bagong administrasyon ay usisain, imbestigahin at review-hin ang Bureau of Customs.

Q: Okay. Salamat po sa ulat na binigay mo amin, Sen. Juan Ponce Enrile.

JPE: Salamat din. Magandang umaga, Brix. Sana po ay huwag ninyong kalimutan si Enrile, numero 15 sa balota ng Comelec sa darating na eleksyon. Ibalik sa Senado sapagkat gusto nya happy kayo at para makatulong sa solusyon ng mga problema ng ating bansa.

Q: Maraming salamat, Senator.

News Latest News Feed