Press Release
March 24, 2010

INTERVIEW OF SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE
OVER RADIO STATION DZVT MINDORO

JPE: Magandang hapon po sa inyong lahat. Ito po si Enrile, presidente ng Senado. Ang sabi niya "Gusto Ko Happy Kayo!" Happy kayo sa kalusugan ninyo kaya binaba namin ang presyo ng medisina. Tinanggal namin ang VAT sa mga senior citizen dahil gusto namin happy kayo. Gusto ko happy kayo sa inyong kabuhayan. Gusto namin sa Pwersa ng Masang Pilipino na kayo ay happy sa katahimikan ng inyong lipunan dito sa Occidental Mindoro sa bayan ng San Jose at gusto namin happy kayo sa umiiral na katarungan sa ating lipunan. Kaya ito pong pangkat ng Pwersa ng Masang Pilipino, nandito ngayon upang iprisinta sa inyo ang ticket namin mula panguluhan ng kampyon ng masa, si Joseph Ejercito Estrada. Siya uli ang magiging pangulo ng bansa, siya ang kampyon ng masa, Erap para sa mahirap. Kasama niya ang Bise Presidente Jejomar Binay ng lungsod ng Makati. Kasama na din diyan para senador, para matibay ang ticket ng Pwersa ng Masang Pilipino, Jinggoy Ejercito Estrada, graduate ng economics sa UP; Doctor ng Economics sa Columbia University, Apolinario Lozada na Princeton graduate;, JV Bautista, wala dito ang aming computer wizard, si Joey de Venecia. Wala po dito si Ompong Plaza, ang aming batikang mambabatas, siyam na taon sa Kongreso at isang magaling na agrikultor. Iboto po natin si Ompong Plaza. Nandito rin ang isang batikan na senador, manunulat, dating senador, Majority Floor Leader Kit Tatad. Wala pa dito, kasama rin namin Gen. Danilo Lim. 'Yan po ang kasama namin sa ticket. Nakita po ninyo na may kakayahan, matibay ang mga kaisipan, matatalino ang mga utak at malawak ang mga karanasan nitong mga kandidato ng Pwersa ng Masang Pilipino. Kaya sumama si Enrile sa kanila sapagkat sa kanyang paningin ay ito lamang ang tunay na oposisyon sa EDSA at pag-asa ng sambayanang Pilipino upang hanguin sa kahirapan ang masa ng sambayanang Pilipino. Kayo po na nakakarami sa buong bansang Pilipinas kaya kung gusto niyong maging happy kayo, iboto ninyo ang Partido ng Pwersa ng Masang Pilipino sapagkat ang gusto ni Enrile, gusto niya happy kayong lahat dito sa San Jose. Gusto ko happy ka! Thank you. Thank you!

News Latest News Feed