Press Release
March 24, 2010

Transcript of Interview With Sen. Manny Villar Villa Alca, Santiago City

Your being endorsed by gov. zubiri:

 Ako'y nagpapasalamat at natutuwa kay Governor Zubiri at sa kaniyang mga mayors sa pag-endorso sa akin. Ito ay katibayan lamang na malaki ang kanilang tiwala sa ating kakayahan at layunin na maging pangulo ng ating bansa.

May nakikita daw problema dahil may sariling candidate ang NP sa governor?

 Walang problema dahil hindi naman tatakbong Governor si Governor Zubiri, Vice-Governor sya.

Nagbigay daw kayo ng campaign funds?

 Yan ang usong-uso ngayon at sinasabi ng lahat ng aking kalaban. Pag merong sasali, sasabihin binayaran, binili. Yan ay lumang tugtugin na. Pag may sumaling konsehal, binili, governor, binili. Lahat sila binili. Gamit na gamit na yang gimik na yan. Habang palapit na ng palapit ang election, lumalabas ang mga ganiyan pag hindi sila napili.

May susunod pa ba kay Governor Zubiri na mag-eendorse sa inyo?

Palapit na ng palapit ang halalan, ang campaign, at inaasahan natin sa ganitong pagkakataon ay mamimili ang mg local officials, miyembro ng NP, miyembro ng LP, Lakas, kung saan sila tunay na sasama. Normal yan, nangyayari yan sa mga nakaraang eleksyon at ang eleksyon ngayon ay hindi naiiba. Sa aking palagay, mangyayari uli na magkakaroon ng pilian ng mga kandidato. At siyempre lahat ng mga kandidato ay umaasa na makakakuha kami ng pinakamaraming sasama sa amin. Kaya sa tanong na kung maraming sasama sa amin, inaasahan namin. Hindi naman lahat sa amin ang iba sa ibang kandidato.

Sa palagay ninyo sa inyong partido, maraming sasama?

 Marami rin naman. Unang una mga kasamahan ko yan dati nang ako ay Speaker of the House, mga kasamahan ko ang mga yan. Naging congressman, naging senador mga kasamahan ni Cynthia. Mga matagal naming naging kasama ang mga yan. So matagal din ang aming pinagsamahan. So marami ang nanunungkulan, sana pero yan ay depende din kung sila ay sumasang-ayon sa aming layunin na tapusin ang kahirapan.

Sa Lakas, meron na bang nagsasalita sa LP na nagpaplanong lumipat sa inyo.

Meron na. marami na. Sa Caraga marami nang lumipat. Dahan-dahan lang. Marami pa ring lilipat. Siyempre mas marami sa Lakas dahil Lakas ang pinakamalaking partido. Kaya inaasahan natin na mas maraming lilipat sa pinakamalaking partido. At sa ngayon ang pinakalamalaking partido ay Lakas.

Hindi niyo ikino-consider na malaking partido ang liberal party?

 Malaki rin naman. Pero siyempre mas malaki ang Lakas, pinakamalaki kasi ang Lakas at by proportion, iyan ang pinakamalaking panggagalingan ng pinakamaraming lilipat.

Kayo nag-uusap ni Migz (Zubiri)?

 Oo naman, pero lately hindi dahil lagi kami sa kampanya.

What about Migz?

 Hindi ko alam, ayaw ko, I can't speak for migs. Ang aking policy ngayon, hinihintay ko ang mga local ang siyang lumapit, sila ang lalapit, magsasabi sa amin kaysa ako ang magsasabi na si ganito si ganiyan sasali sa amin. Para maging safe, ang ginagawa ko na lamang ang mga local na gustong sumali sa amin, sila ang mag-announce. Tapos i-confirm ko na lamang pag nag-announce na sila.

Sa Sarangani, malaki ang effect ng pagsali ni ....

Baka hindi dahil puro Nacionalista ang mga kasama ni Manny Pacquiao, unless may karagdagan pa, inaasahan namin na formality na lamang.

How about here in Isabela?

Hindi naman talaga lumilipat at hindi namin hinihikayat na sila ay lumipat. Ang hinihiling lamang namin ay suporta nila, anuman ang partido nila. Hindi nila kailangang lumipat. Pwede silang sumuporta bilang Lakas, bilang Liberal, bilang NPC. Bahala na ang partido nila kung sila ay tatanggalin o hindi.

Sa ibang issue, inamin ni Brother Mike ...

Ako ay natutuwa, sampu ng aming pamilya. Nagulat ako, siempre masaya kami. Yon na nga ba ang matagal ng sinasabi, paulit-uli na sinasabi, isang daang beses na wala akong ini-realign at mabuti at naikuwento ni Brother Mike ang tunay na pangyayari at sa akin naman, sa tingin ko walang ginawang masama si Brother Mike sapagkat karapatan nya yon bilang private citizen. Siempre nalulugod ako dahil ang pangalan natin nasa dyaryo lagi dahil dyan at medyo marami ring kababayan tayong naniwala. At wala naman talaga tayong ini-realign.

Bakit ngayon lamang siya nagsalita?

In fairness to him, hindi naman siya ipinatawag ng senado.

Bakit hindi lumutang ang pangalan niya?

Lumulutang ang pangalan niya, nababanggit ang pangalan niya sa hearing, hindi nga lamang siya naimbita. In fairness to him ay hinihintay nya ang imbitasyon, hindi lamang siya naimbita. Kasi ang tingin ko, ako lamang talaga ang target.

Kahit alam nila na mayroong ganung information hindi nila binanggit si Brother Mike, itinuon nila ang baril sa inyo.

Noon pa alam ko na yan.

Si Jamby sumakay ...

Si jamby naman, wala na akong ginawang tama dyan. At iyan naman eh full time (inaudible)

Bago kay Brother Mike, nag-usap ba kayo?

 Hindi. It really came as a surprise. at nagulat kami doon, kaya ng ini-interview ako tungkol doon, nagulat ako pero natutuwa ako at nagpapasalamat.

Alam nyo ang information doon prior to your declaration to run for president?

Alam ko naman ang storya talaga. Sinasabi ko naman ng maliwanag na hindi ako nagpabaya dyan.

You just don't want to name names?

Kasi hindi ako ganung tao dahil wala namang maling ginawa yung tao at alam ko namang malisyoso yong ginagawa ng iba kaya wala namang ginagawang mali ang tao, bakit mo ipapahamak?

Anong comment nyo sa magiging nomination ni Brother Mike bilang Buhay party list?

Karapatan nya yon bilang isang Pilipino. Yan ay karapatan niya at magaling naman si Brother Mike. Marangal siyang tao, gusto siya ng tao at naniniwala akong mananalo siya.

Local issue dito sa Isabela, malaki raw kalahating bilyong piso ang lugi sa agriculture dahil sa El Nino. kung sakaling kayo ay papalarin at mauulit ang El nino, ano ang dapat nyong gawin para di magkaroon ng ganitong problema?

Sa El Nino, wala tayong task force. Alam naman natin na madalas mangyari ang El nino pero parati pa ring pag darating yan, nahuhuli pa rin tayo. Marami pa rin tayong magsasaka na nakapagtatanim pero naaabot sila ng El nino. Mas maganda sana kung ang kagamitan ng ating PAG-ASA yong nagpre-predict ng ating panahon para mas mabibigyan nila ng payo yong ating mga magsasaka. Napakahalaga niyan. Pangalawa, yong irrigation talaga kailangan kumpunihin, kumpunihin lahat ng irrigation systems at gumawa ng mga bagong mabibilis at malilit na lamang, upang mabilis magawa, kasi yong malalaking irrigation projects ay matagal pa yan. Ang El nino ay madalas na darating, mabuti paghandaan na natin yan upang mabigyan ng impormasyon ang ating mga magsasaka para makapaghanda sila.

Ano update sa sinasabi ni noynoy na naiinip na daw siya sa hinihintay niyang ...(debate)

Ano, ngayon pwede na ngayong gabi kung gusto niya. Anytime ako, kaya lang siempre gusto natin yong rules, ayokong.. siyempre depende kung sino ang may imbitasyon, kung sino ang sponsor, pero hindi ko naman alam na naghihintay pala siya.

In Quirino, ngayon na lumalamang kayo sa survey, at nagtie-up kayo sa Metro Manila, wala bang paramdam si Junie Cua na lilipat sa inyo?

Wala namang sinasabi si Congressman Cua. meron kaming mga grupo ng kandidato sa Quirino.

Why Cagayan Valley?

Napakahalaga nito. Unang-una napakaraming tao dito. Pangalawa maraming problema din at gusto naming malaman kung paano kami makakatulong kaya binigyan namin ng prayoridad ang region 2. Ang Isabela at Cagayan Valley ay napakalaking lugar kaya hindi dapat na hindi puntahan.

Iringan between PNP chief and AFP chief of staff?

Talagang nangangahulugan lamang na pati ang ating PNP at AFP ay nahahawa sa pulitika. Political season ngayon at baka pati sila ay nahahawa sa lagnat ng pag-iiringan. Parang virus pero hindi tama yon. Mas maganda na may cooperation ang PNP at AFP chief.

Ang kongreso sinisisi ng mga students dahil doon sa tuition fee hike?

 Yong sa akin kung kongreso may kasalanan dyan, may paraan pa para itama. Gumawa ng paraan para itama yan o bawasan or pigilan man lang.

Pabor ba kayo sa tuition fee hike?

Wala namang pabor sa tuition fee hike, pero paminsan-minsan may pangangailangan at gusto lang natin na ang tuition fee increase ay reasonable at hindi pabigla-bigla.

News Latest News Feed