Press Release
March 31, 2010

Transcript of Press Conference of Sen. Manny Villar

On TV ads

Gusto na nila madawit na naman ako at madagdagan na naman yung mga binabato nila na black propaganda para sa akin. Ito naman (referring to ABS-CBN document) Isinasubmit naman sa Comelec, kaya nagtataka ako bakit hindi nila alam.

Anyway sa coordination sa mga station ng mga TV and radio kami nag-coordinate, binabantayan namin yan at nagtataka nga ako kung sino, ang gusto kong malaman ngayon, sana hanapin naman ng ating mga kaibigan sa media kung sino ang nagpalabas na kami ay lumagpas, ito ba ay Nielsen ba o eto yun may isang NGO yata nagbabatay daw sila, pera at politika, ako naman ay hindi naninira ng ibang NGO, pero naman humihiling naman kami na sana maging responsible naman kayo sa inyong mga ginagawa dahil nakakasira kayo ng pangalan ng mga wala naman kasalanan.

Ito'y dadalhin ko sa Comelec (ABS-CBN Doc) kung pano kami lumagpas. Di pa kami nag e-exceed sa GMA-7, mas marami kami sa ABS-CBN, pero di pa kami nag-e-exceed doon. Sana naman yung nagkakamali ay hihingi naman sila ng apology para naman maitama nila at hindi naman sila naninira lamang.

On Noynoy's claim that Villar did not come from the poor:

Sana patunayan ni Noynoy na ako ay hindi galing sa hirap. Sasamahan ko siya sa Tondo para makita niya kung saan kami lumaki. Mayroong tangka na lituhin ang mga tao at palabasin na kami ay hindi mahirap. Inuulit ko na ako'y pinanganak sa 500 Moriones Street nasa kanto ng Sta Maria sa bahay na kabibili lang namin 2 yrs ago. Nagpapatunay na squatter kami noon. Lahat kaming magkakapatid ay doon pinanganak at 9 kami sa isang kulambo, isang banig, tabi-tabi kami.

On the San Rafael Property

Ang ginagawa ho nitong sila Noynoy eh pinipilit na parang yun lang ang bahay namin,

(San Rafael property) pangalawang bahay ko po yun, pero lahat po sinasabing kong nadaanan kong hirap, sa unang sampung taong ng aking buhay na nakatira kami doon sa Moriones, Sta Maria, Tondo.

On the death of Villar's brother...

Tapos pinapalabas pa na yung aking kapatid na namatay at dinala sa FEU..Ito ang problema sa mayayaman na hindi nakaranas ng buhay ng mahirap: pag mamamatay ang mahal mo sa buhay dadalhin mo talaga sa ospital yan. Yan naman ay nangyayari po. Saka ka na nag-iisip kung saan ka makakautang pero hindi ka naman nagsusuma pagkat cancer ay malubhang sakit, kinakailangan naman dalhin mo sa isang magandang ospital.

Ang aking pong tatay ay may pinsan dyan (sa FEU hosp), I think ang pangalan Nelia Chua, para matulungan, doon lumapit ang tatay ko sa pinsan niya at sinabing doon dahil dahil may charity ward at tutulungan niyang aalagaan. So dinala namin doon, malubha talaga, kaya sinasabi nila na pangmayaman ang FEU ospital, hindi po.

Pagkatapos po, yung Funenaria Paz naman daw e siyempre naman namatay na yung kapatid ko, nag-iiyakan kami doon (sa ospital), eh alangan naman ikaw mamimili pa kung sino mag-eembalsamo. Pero ibinurol ang aking kapatid sa aming bahay.

Pero ito ang nais kong sabihin: eto ang problema sa mayayaman na minana lamang ang kanilang ari-arian, hindi nauunawan yung buhay mahirap. Kapag mamatay na ang mahal mo sa buhay gusto mo rin i-ospital yun, hindi ka na mag-iisip kung saan ka kukuha ng pera. Ang gusto mo mailigtas mo ang iyong anak.

Eto yung kaibahan ng mahirap at mayaman na hindi dumaan sa hirap, hindi nila nauunawan yung buhay mahirap; ganyan po talaga yang mahihirap.

Kaya ang sa akin, ako'y nalulungkot; na shock ako, at hinahamon ko si Noynoy; sasamahan ko siya sa aming bahay sa tondo. Ipapakita ko sa kanya kung paano kami namuhay dun; kung pano kami tabi-tabi sa isang kulambo at banig; hindi kami nasa Hacienda subalit sana eh, wag naman ganyan. Masyadong below the belt; pati pagkamatay ng aking kapatid, ang kapatid ko po ay namatay ng Leukemia. Kaya ako'y nagugulat pati ang pagkamatay ng aking kapatid ay kinu-question.

On his being poor

Dumaan po ako sa lahat ng hirap, yan ikukwento ko sa kanino man ang nagsasabing hindi ako dumaan sa hirap. Ikukuwento ko yung naging buhay sa unang sampung taon gulang ko. Ikukwento ko sa kanya ang buhay palengke, ikukwento sa kanya ang buhay sa aming bahay, ikukwento ko sa kanya na kami nun sa bahay nagkakamay lang kami.

Itong mga kalaban ko ay binabago ang mga petsa; ako po ay pwedeng kong sabihin sa kanila ang chronology kung papaano nagbago (ang mga bagy at lugar). Maski naman ang Tondo umaasenso po, at hindi ko naman sinabi na noong 60's ay pareho rin ang buhay nung 50's. Mas mahirap po kami nung 50's kaysa nung 60's. Noong 60's hindi very poor, poor na lang. after a while naging middle class na kami; nakabili ng bahay, nong lumalaki na kami, ok na kami doon.

Dahil maayos na buhay namin, hindi nangangahulugan na hindi ako dumaan sa kahirapan. Dumaan ako diyan, at willing ako ikwento sa sinuman na mag-cha-challenge niyan kung ano ang naging buhay ko kung siya'y may oras na makinig sa akin, ikukwento ko pa sa kanya kung saan ako naglalaro, kung ano yung mga kinakain namin, kung saan kami kumakain ng nanay ko, kung saan kami naglalakad papunta sa Divisoria.

Hanggang sa UP ako nag-bu-bus ako, sumasakay ako sa DM transit o JD, dyan ako sumasakay sa Quiapo, papuntang Quiapo ako'y nag ji-jeep. Hindi kami inihahatid sa pamantasan, hindi kamukha ng iba na laki sa layaw. Kaya po wag natin guluhin ang isyu. ito po ay isang laban ng isang taga Tondo na nagtinda sa Divisoria at isang haciendero na lumaki ng walang karanasan sa kahirapan.

On being Gloria's Candidate

Eto na naman, e desperado na po ang ating mga kalaban sa pulitika. Sinasabi ko naman ako at ang aking mga kasamahan, lahat po yan, ay nakalaban ng pangulo, papaano magiging GMA kami.

Panglawa, hindi po ako tumatanggap maski piso kay GMA at wala akong balak tumanggap; hindi ako humihingi at wala akong balak humingi.

Pangatlo, ang ginagamit ko pong organisasyon ay NP at hindi po ako gumagamit ng administration. Nagtataka ako at wala kaming ginagawa sa NP na hindi ginagawa ng LP o Pwersa ng Masa, pareho-pareho po kami ng ginagawa sa pag-akit ng mga miembro; nagkataon lamang na kami ang pinipili marahil ng mga local officials. Kaya sa kanilang pagmuni-muni, sana maliwanagan nila ito sa Holy Week.

The NP has investigated GMA: on jueteng led by me; ZTE issue, led by Allan Cayetano; Hello Garci, led by Gilbert Remulla; we investigated all of them, where was the LP? The Senate during my incumbency as senate president was very independent. Hindi ko kailangan ang pangulo, ewan ko sila.

May sapat na resources ako kahit na konti; pinaghirapan naman sa sipag at tiyaga at dugo at pawis may naipundar naman tayo. Hindi ko kailangang pa humingi maski kanino. Yan ang aking pinagmamalaki. Maski kailan, ako po nagsasarili; kaya itong mga bintang na ito ay hindi lang unfair kundi sign of desperation na hindi kasi sila pinili ng local officials. Kaya siguro sila hindi pinili dahil wala silang pakikisama o ayaw naman talaga silang salihan. Hindi pa kami nag-uusap ng Pangulong Arroyo at FG simula noong ako'y tanggalin nila bilang pangulo ng senado. Wala kaming communication at wala akong balak na tumanggap ng pera sa kanya, wala akong balak humingi ng tulong sa kanya.

On Speaker Gloria

Pag ako nanalo bilang president, maglalagay kami ng kandidato pagka-speaker, na manggagaling sa aming grupo. Ang tingin ko nga, pag nanalo si Noynoy ang magiging speaker ay si GMA; mahina kasi siya, hindi niya makokontrol yung mga congressman.

News Latest News Feed