Press Release
April 12, 2010

Phone-patch interview of Senate President Juan Ponce Enrile with DWIZ's Cely Bueno and Edwin Eusebio (Radyo Dyaryo)

ON TOLL FEE 12%VAT

Q: Doon po sa isyu na plano ng BIR na patawan ng 12% VAT ang toll fee, maging yung PUV kasama po ba sa papatawan nito?

JPE: Dapat itigil na 'yan at pag-bukas ng Senado, tatawagin ko sila. I-imbestigahan ko yang BIR na yan kung bakit. Kung gobyerno ang nagtayo ng toll gate na 'yan at sila ang kumu-kulekta ng re-payment na ginastos ng gobyerno, kailangan mag-isyu ng VAT? Yung mga PUV ba magba-bayad ng VAT? Ambulansya magbabayad ng VAT? Eh di pati yung mga truck na magda-dala ng mga produkto magba-bayad ng VAT? Eh di tataas lahat ng bilihin at tataas ang budget ng gobyerno. Kalokohan yan eh.

Q: Ito daw po ay naaayon sa batas na ipinasa ng Kongreso.

JPE: Hindi totoo yan.

Q: Tama po ba yung plano ng ibang sector lalo na ang transport sector na i-petition po ito sa SC?

JPE: Dapat gumalaw sila, pumunta sila sa SC.

Q: Ano po ang pwedeng gamitin na argument?

JPE: Ano ba yan? Eh wala sa usapan 'yang toll eh.

Q: Sabi nga po ng kababayan natin eh puro pahirap na lang, may road users tax pa.

JPE: Tama 'yan, kalokohan yon, kaya puputulin natin 'yan. Kapag di sumunod 'yang BIR na 'yan puputulin ko ang budget nila.

Q: So pwede po mag-file ng TRO?

JPE: Pwede, at saka ipababalik 'yan sa bandang huli. Q: So sabi nyo po na kapag itinuloy ito ng BIR, sila ay tatanggalan ninyo ng budget?

JPE: Yes... to zero.

Q: So ibig sabihin po nito, may maling interpretasyon ang BIR doon sa batas?

JPE: Mali yon eh...

ON TEVES VAT INCREASE

Q: Doon naman po sa proposal ni Sec. Gary Teves na yung susunod na administrasyon ay dapat itaas sa 15% ang VAT?

JPE: Itong si Teves walang alam kundi ipataw ang buwis sa maliliit at mahihirap.

Q: So hangga't nariyan po kayo eh maaasahan namin kayo. So ang dapat pong sagasaan niyan ay yung nasa matataas?

JPE: Dapat yung may mga ability to pay ang dapat sa standard eh. Yung mga buwaya dapat.

ON ROTATING BROWNOUT; INCREASE ON ELECTRICTY RATE

Q: Doon po sa rotating brownout, meron daw po na P1.20 cents na increase sa singil sa kuryente?

JPE: There's nothing we can do about it, Cely, because walang ulan, kulang sa kuryente. Temporary lang 'yan, babalik din 'yan sa dati. Kapag tag-ulan na bababa din yan.

Q: So dapat po harapin na lang natin 'yan?

JPE: Yes...maba-balance din yan.

Q: So it's about time na po talaga siguro para sa renewable energy?

JPE: Hindi lang sa renewable energy, dapat magkaroon tayo ng nuclear plant.

ON ELECTION ISSUES; HEALTH PROBLEMS

Q: Ano po ang nararamdaman ninyo ngayong papalapit na ang election eh personalan na? Rasyonal po ba iyon na minsan usigin pati yung pag-iisip at personalidad?

JPE: Kailangan kung meron siyang topak o meron siyang heart problem, that's fair game because he's going to be President of the country.

Q: So tama lang po?

JPE: Correct.

Q: So mas titindi pa po 'yan?

JPE: Sigurado 'yan.

Q: So dapat po matibay ka kapag kakandidato ka?

JPE: Matibay ang sikmura at emotion.

Q: So being a President, kapalaran na po 'yan?

JPE: Tama 'yan.

ON SURVEYS

Q: May proposal po na 'wag isapubliko yung mga survey?

JPE: Sang-ayon ako diyan.

Q: So yung mga survey ngayon pwede na rin po maging basehan kung ano ang magiging resulta ng halalan sa Mayo?

JPE: Alam mo that is a public opinion. Magba-bago pa 'yan. Hindi pa 'yan steady.

Q: Ang pangamba po ng iba baka po ang resulta ng election ay salungat sa mga survey at maging dahilan iyon para may mga umalma.

JPE: Eh 'di buksan nila yung PCOS. Makikita nila doon kung sino ang binoto ng tao.

Q: Totoo po ba na habang nagbabangayan yung dalawa na nangungunang kandidato eh posibleng ang makinabang ay yung mga nasa buntot?

JPE: Sigurado yan, maraming mabu-buwisit eh.

Q: Eh yun pong mga iba na kandidato na tuma-talon?

JPE: Ah mga butterflies, paru-parong bukid.

ON PLATFORMS

Q: Ano po ang itutuloy ninyo if ever na muli kayong palarin?

JPE: Ako ay nag-kandidato para alagaan yung mga batas, para walang bulok na mga batas. Sa totoo lang, di naman sa pagmamalaki eh wala ng problema dito na hindi ko dinaanan. Isusulong ko itong repormasyon sa EPIRA, sa mga negosyo, anti-trust law, sapagka't ang nalilintikan ay yung maliliit at ang mamimili natin. Yung iba malaki yung ninanakaw sa mga cellphone holders. Marami tayo nai-isip, tutulong tayo sa katahimikan ng bayan, sa pagli-linis sa justice system natin. At saka ano gagawin ko sa mundong ito? Ipinadala ako ng Diyos dito para mag-lingkod. Hindi ako mahilig mag-biyahe, gusto ko tignan ang bayan.

Q: Excited na po ba kayo sa halalan?

JPE: Wala.

Q: Senate President Enrile, salamat po.

News Latest News Feed