Press Release
April 12, 2010

Mga Opinyon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. - DZXL-RMN

8:01am - Monday

ON ABSENTEE VOTING

Magandang umaga po Senator Nene Pimentel.

Pimentel: Magandang umaga rin. Siguro bago tayo magsimula ay dapat siguro ipagdasal natin ang ating bayan para maiahon sa kahirapan. Nagsimula na ang overseas voting noong isang araw at ang sabi ng Inquirer ay si Manny Villar at Loren Legarda ang ibinoto ng overseas workers sa unang bumoto sa Hongkong at Singapore. Paano nila nalaman na ang dalawang botante sa dalawang lugar na malayo sa isa't isa ay ganoon ang kanilang pagboto. Mukhang sinabi nila sa media na si Villar ang binoto nila. Nakakatuwa naman ang unang boto ay para kay Manny Villar at sa kanyang ticket sapagkat mukhang napapatunayan na talagang si Manny Villar ang "the man to beat for the presidency". May kaunting problema sapagkat ang resulta ng overseas voting ay dapat malaman sa May 10 pa sabay sa final election dito sa bayan natin. Anyway, maraming ipagmamalaki si Manny Villar na ang kanyang pagtulong sa overseas workers ay mukhang namumunga na. Ikinalulungkot ko lang na samantalang meron eleven million na overseas Filipino workers ay mga kalahati lamang ang nagparehistro at bumoto sa eleksyon hanggang sa Mayo 10. At sa tingin ko ay ang mga overseas workers ay di mabili ng mga kandidato. Maaari silang maging cleansing factor o tagalinis sa resulta ng eleksyon natin. Hindi tulad dito sa ating bayan na may mga kapatid po tayo na nabibili sa halagang isandaan o dalawang daang piso. Doon sa labas ng bansa mauubos ang pera ng kandidato kung bibilhin pa nya ang overseas voters. Medyo sapat naman ang kinikita nila hindi kailangang ipagbili nila ang kanilang boto para makapagbili din sila ng almusal o makakain ng hapunan sa panahon ng election period. Kawawa naman ang bansa natin kung ipagbili ng mga botante ang kanilang mga boto na siyang nagpapatunay na ang taumbayan ay may sovereign power, ang pinakamakapangyarihan ay tao sa bayan natin sapagkat sa pamamagitan ng pagboto ihalal natin ang mga taong mamumuno sa atin, ang president, ang bise-presidente, mga senador sa loob ng anim na taong panunungkulan at ang mga representante, mga governor, mga mayor sa tatlong taong hawak nila sa kapangyarihan. Sa mga panahong yon, naku, maraming mangyari sa bayan natin. Kung ihalal natin ay kurakot ,siguradong uubusin niya at ng kanyang mga alipores ang pera ng bayan para sa kanyang sariling kapakanan. Kung sira-ulo ang ating ihalal, masisira din ang pagtakbo ng ating pamahalaan.

ON NOYNOY PSYCHIATRIC CONDITION

May mga issue na kumakalat ngayon that in fairness, uulitin ko, in fairness, pinabubulaanan naman ng mga tagapagtanggol kay Noynoy na ito ay nagkaroon ng psychiatric treatment. Pero para matigil na itong banat kay Noynoy, sabihin na nya na hindi totoo ang report at walang batayan at di siya nagma-marijuana sa kanyang kabataan. Mukhang ito yata ang hamon ni Manny Villar sa kanya samantalang maaaring isipin ng iba na black propaganda lang yan. Ang state of health of mind and body ng isang kandidato sa pagka-pangulo ay legitimate issue sa kampanya. Hindi tama na may sakit na seryoso ang isang kandidato lalo na sa pagka-pangulo at ito ay ilihim sa publiko. In fact kung ang Pangulo nahalal na pero may sakit, nasira ang ulo kunwari, ito ay maaaring ideklara na incompetent at mapalitan ng kanyang bise-presidente.

ON MANNY VILLAR PLATFORM

On the positive side, kailangan ang ating piliin sa pagka-pangulo ay isang taong may dunong, malinis, marangal at may tapang na gawin ang dapat sa kaunlaran ng bansa hindi pansarili lamang. At dapat kanyang ipaliwanag sa taumbayan at kanyang susundin pag nahalal na sya. Sa tingin ko, si Manny Villar ang taong yon. Si Manny Villar ay isang developer, kaya ang sabi niya ay idevelop niya ang buong bansa para umunlad ang Pilipinas. Narinig ko yon sa kanya, ang unang gagawin nya ang infrastructure na kailangan ng bayan para may koneksyon ang Luzon sa Visayas at sa Mindanao. Ang ibig sabihin nito ang unang priority ni Manny Villar ay ang paggawa ng koneksyon mula sa Northern most peak of Luzon hanggang sa Southern most peak of Mindanao sa pamamagitan ng mga daan, tulay, pantalan at airport sa buong bansa. Sa gayon ay madali ang pagbenta ng mga produkto sa iba't ibang sulok ng bansa sa ating mga palengke at sa ating bayan at sa mga palengke rin ng ibang mga bansa. Napakaganda ng programang ito na gustong gawin ni Manny Villar lalung-lalo na ang mga daan, tulay, pantalan at airport na ang ibig sabihin sa unang taon sa pagka-pangulo ni Manny Villar ay magkaroon kaagad ng trabaho ang mga tao. Bakit? Sapagkat kailangan ng mga workers bago makagawa ng infrastructure ang isang gobyerno kaya may trabaho kaagad ang workers natin dito sa bansa at baka sakali di na kailangan na pupunta pa sa ibang mga bansa para magtrabaho ang kapwa natin mga Pilipino. Kung matapos ang mga infrastructure at makita ng mga negosyante at investors na Fillipino o mga dayuhan na, Aba! Maganda na ang infrastructure ng Pilipinas, baka di na sila magatubili na dalhin ang kanilang negosyo rito sa bansa natin. Pag dumami ang mga negosyo lalo na ang malaking negosyo, dadami din ang mga kababayan na mabibigyan ng trabaho dito sa loob ng ating republika. Totoo, ang trabaho ang lunas sa poverty o kahirapan ng bansa.

Tama naman, pati ako naniniwala na ang negosyo lamang ang maaaring magbigay ng trabaho sa taumbayan at di ang gobyerno. Sabi nga sa Ingles, "the government is a very poor manager of business." Di magaling na negosyante ang gobyerno. Malimit mabangkarote ito dahil sa incompetence o sa pagkawalang-kakayahan o sa kurapsyon o sa pagkakurakot sa mga tagapagdala ng mga negosyong ito.

Ang klima sa negosyo ayohon sa gobyerno, the government must ensure a good climate for business. Ayoko ng klima sa negosyo, na sirain ng kurapsyon. Ayohon ang law and order, ipasunod ang mga balaod para sa kaayusan sa katauhan. Kumbinsido ako nga sa tanan mga kandidato sa pagka-pangulo, si Manny Villar ang nakabintaha sa kanilang tanan in terms of competence, charisma and courage. Manny Villar is also known as unifier, isang tao na di madaling magalit o makipag-away. Sinisikap nya na mapag-isa nya ang ibat ibang pag-iisip ng taong naniniwala sa kanyang liderato. Tingnan mo na lang ang komposisyon ng kanyang senatorial line-up from left to right to center, ang mga paniniwala o ideologies ng mga senatorial candidate nya. Ang sabi ni Manny Villar na gusto niyang pagkaisahin ang bayan na hanggat maaari ay hindi magkawatak-watak sa iba't ibang paninindigan ang mga lider at mga kababayan natin. Hanggang maaari ay gusto ni Manny Villar na kahit iba't iba ang salitang ginagamit ng mga political leader at kanilang mga followers, sa ilalim ng kaniyang pamumuno ay isa lamang ang layunin ng lahat. Ang pagpapaunlad ng bayan, pag-alis sa kurapsyon sa pamahalaan at pagsunod ng batas para mabigyan ng bagong buhay at pag-asa ang ating mga kapus-palad na mga kapatid. Bago po tayo magpatuloy, meron po tayong cellphones dito na maaari ninyong mapadalhan ng text messages kung ano ang gusto ninyong ipaabot sa akin at subukan natin sagutin kung hindi dito sa radio mismo sa pamamagitan ng text messages din para sa inyo. Ito po ang mga number, 090890976366 at 09054370502. Maaaring magtext sa akin, marami ang nagtext sa akin, humingi ng pambayad ng gamot, pag-aayos ng eskwelahan o daan sa mga barangay at iba pang mga pangangailangan sa mga taga-barangay. Sorry po at di kayang mabigyan kayo sapagkat ang administrasyon ni Pangulong Macapagal Arroyo ay namimili lamang sa kanilang mga alipores na mabigyan ng pork barrel. Kami, lalo na ako, bilang minority leader ng senado at supporter ni Manny Villar, di po niri-releasan kahit na sa pambili ng gamot sa mga cancer patients sa PGH, heart center, lung center, kidney center, children's hospital at sa iba pang mga hospital sa ibang parte ng Pilipinas. Sana magbago, mga kapatid ang pag-iisip ng Pangulo tungkol sa pera na nilaan natin para sa mga mahihirap sa ating bansa tulad sa pera na pambili ng gamot o pambayad ng hospital. Akala siguro ni President Arroyo, ako ang kanyang piniperwisyo, di ako Mrs. President ang piniperwisyo ninyo sa di pag-release ng aking pork barrel na andyan sa batas. Hindi ako, kung di ang taumbayan na namamatay na lang kase walang pambili ng gamot o pambayad sa doctor. Kaya iniisip natin na maaari sana palitan na natin itong gobyernong ito at dapat si Manny Villar ang ihalili natin sa pagka-pangulo. Mga kababayan ito ang inyong lingkod, Senador Nene Pimentel, hanggang sa muli. Salamat po sa inyong pakikinig.

News Latest News Feed