Press Release
April 15, 2010

Aquino binigo ang mga Pilipino sa "Hello Garci"

Binigo ni Liberal Party presidential bet Benigno "Noynoy" Aquino ang mamamayang Pilipinong malaman ang buong katotohanan sa masalimuot na usapin ng "Hello Garci."

Sinabi ni Nacionalista Party (NP) standard-bearer Sen. Manny Villar na isang malaking kasalanan ang ginawa ni Aquino nang pigilan niya ang pagpaparinig ng tunay na nilalaman ng usapan sa pagitan nina Pangulong Arroyo at Joc-Joc Bolante, na inakusahang nagmanipula sa resulta ng eleksyon sa Mindanao noong May 2004 presidential election.

Dahil dito, hinamon ni Villar si Aquino na magpaliwanag sa bayan sa ginawa niyang pagharang sa paglantad sa katotohanan.

"Paano niyang sasabihing tapat siyang maglilingkod sa bayan gayung una na niyang tinraydor ang 90 milyong Pilipino nang hindi siya bumoto sa isang congressional inquiry noong Setyembre 2005 upang maipadinig ang nilalaman ng "Hello Garci" tape," diin ng NP bet.

Kinalaunan, naisapubliko ang nilalaman ng kontrobersyal na "Hello Garci" tape nang ibunyag ito ni Samuel Ong, abogado ng National Bureau of Investigation, na kinatigan naman ni T/Sgt. Vidal Doble, isang ahente ng AFP na umano'y nag-rekord ng usapan nina Arroyo at Virgilio "Garci" Garcillano.

"Hindi dapat malimutan ng mga Pilipino ang ginawa ni Aquino sa bayan. Dapat siyang magpaliwanag," ani Villar.

News Latest News Feed