Press Release
May 6, 2010

Transcript of Kapihan sa Senado with Senator Chiz Escudero

Q: Sir, what can you say about the mess happening now with the preparation of the automated election?

Sen.Chiz: Lahat ng timelines at time tables ng Smartmatic at COMELEC, lahat, lahat ever since ay hindi natupad at hindi nasunod. Hindi kami nagkukulang sa pagpapaalala sa kanila patungkol dito. Pero arrogantly they kept on saying that they will do it and they can do it. Ano ba 'yung nagiging problema? Hindi binabasa ng makina ang tamang boto ng mga local officials. Noong nag simulated election tayo sa Senado, hiniling ko sa kanila na yung actual na ballot ang gamitin. Nagmatigas ang ulo, test ballot lang daw ang gagamitin. Ngayon na actual na balota na ang ginamit, hindi na nabilang ng tama. Ayon sa kanila, yung mga chips daw ang may problema. Pero paano kung 'yung balota at yung mata ng PCOS machine ang may problema. Hindi makabasa ng double space at single space lang ang binabasa. Gagawin daw nila ngayon at idedeliver sa iba't- ibang lugar mula ngayong gabi. Ang tanong: 1) aabot ba? 2) Sinong nagbantay at sino 'yung mga watchers, kung meron man nung ginagawa ang mga chips na ito, na minamadali lamang nila at sila-sila lang ang gumagawa 3) Paano kung palpak pa rin. Nasaan na 'yung pingmamalaki nilang contingency plans daw na meron sila? 4) Paano na 'yung matatalo na local candidates? Siguradong maidadahilan nila ang nangyaring kapalpakan at ang pagpapalit ng panibagong chips at hindi nabibilang ng tama 'yung boto nila. . Siguradong magiging dahilan ito ng pagkakagulo.

Ano ang solusyon para sa atin? Una, Magpakatotoo ang COMELEC. COMELEC should be frank and should come clean. Can they do it or not? Pag hindi, pwede ba aminin nila sa lalong madaling panahon, At huwag mangarap na kayang- kaya nila kahit na wala silang pinanghahawakan kundi salita ng Smartmatic. Pangalawa, matuloy man ang automated election, kailangang mag- utos na ang COMELEC ng parallel mandatory count, upang sa gayon matiyak na tama talaga ang bilang ng makina. kung noon nagmamatigas sila ng ulo, ngayon wala naman siguro silang pwedeng ipagmalaki pa dahil palpak ang testing na isinagawa nila, maski umubra pa yan ngayon, hindi na tayo makakatiyak na ganyan parin ang mangyayari sa iba't ibang parte ng bansa dahil tatlong araw na lamang ay halalan na. kung talagang hindi kaya, importanteng ideklara yan ng COMELEC sa lalong madaling panahon dahil ayon sa batas, pwede lamang mabago ang petsa ng halalan, sa pamamagitan ng batas na ipapasa ng kongreso, at hindi pwedeng ang COMELEC ang magrereset at set ng petsa nito. Pwede lang nilang sabihin na hindi kayang maisagawa ang halalan pero kongreso lamang ang pipwedeng makapagsabi kung kelan ang halalan. Ang problema na naman sa sitwasyong na yan, syempre papasok na ang mga partido at politika. Yung mga nagnanais ng panahon pa, para makahabol siguro na makakuha pa ng pagkakataong magkapanalo. Gusto nila matagal bago magkaroon ng halalan, yung mga lamang naman, syempre hindi na papayag, na mareset ito. Mareset man, tatlo o limang araw lang. dagdag na tanong ko siguro, kung irereset yung halalan, pwede pa bang mangampanya o hindi na?, kung ako ang tatanongin, kung irereset yan, bawal na dapat ang mangampanya, dahil sang ayon sa batas, syamnapung araw lang naman ang national at 45 days ang local,

Q: what exactly will constitute a failure of election?

SEN. Chiz: Generally, the inability of the COMELEC to conduct the elections. Una, kung palpak pa rin 'yung chips, paano bibilangin 'yung resulta ng botohan? Pangalawa, kung magmamanual tayo, may sufficient time ba sila para magprint ng election paraphernalia para sa manual elections at ipadala 'yan by May 10?

Q By all indications, sir, election will be held on Monday. What can you say about it?

Sen.Chiz: By all indications, based on the words of the COMELEC, which I do not trust anymore, and which I have not held on to in the past so many months. And I hate to be proven correct in so far as that is concern. I still hope they will be able to pull it off. But by all indications right now, I don't think they can.

Q: Sir, pabor po ba kayo doon sa gusto ng Nacionalista Party na COMELEC will convene all political parties to discuss this situation?

SEN. Chiz: Dapat transparent talaga ang COMELEC, hindi lamang political parties, dapat kasama ang media. Dapat malaman ng mga tao ang mga hakbang na ginagawa nila. Dahil sa lagay ng takbo ngayon, gulo at away ang nakikita ko, lalo na sa local na level. At anumang dugo ang dadalhin dahil sa away na ito, nasa mga kamy nila 'yan.

Q : Sir, if ever na palpak talaga, ano po ang pwedeng maging sanction ng Smarmatic?

Sen.Chiz: Ang sabi ng COMELEC ay idedemanda at huwag bayaran ang Smartmatic. Ang tanong ko doon: May bansa pa ba tayong pinag- uusapan kung nangyari 'yan? Hindi na ito question ng kaso o kung ikukulong o hindi. Sa ngayon, ang tanong, kaya bang idaos ang halalan.? Kapanipaniwala ba ang resulta ng halalan ? Maging mapayapa ba ito?

Q: Paano ito, sir, we have to wait until Monday evening para malaman kung okey o hindi ang elections?

SEN. Chiz: Hindi kailangan at dapat maghintay ng Lunes. Magpakatotoo ang COMELEC. Kung kaya ba talaga o hindi. Dahil kung hindi, huwag na nilang hintayin ang Lunes. Dahil pagdating ng Lunes, kahit na siguro ang mga kasamahan natin sa media, kulang ang panahon at katawan para i- cover kung tunay nga na magkaroon problema sa iba't-ibang parte ng bansa sa ngayon. Maganda sana kung one month ago pa natin nalaman ito. May panahon pa. Ngayon sa tingin n'yo nasa lugar pa ba sila para sabihin sa atin na paniwalaan sila matapos itong mga nangyari?

Q : When do you think is the proper time for COMELEC to say na di kaya?

Sen.Chiz: By Friday.

Sen. Chiz: COMELEC has the authority to say that they cannot hold the elections. Once they can do that, it is now Congress turn to act and set the date of the elections before June 30 and with ample time for the votes to be counted and canvassed and the winners proclaimed before June 30 taking into account that it might be a manual election and might take more time. If the elections won't be pushed through as scheduled, Congress has to convene.

Q: Do you see GMA calling a special session?

Sen Chiz: I think she will be hard pressed not to do so if the elections will not proceed or push through. It is her constitutional duty to do so. COMELEC can only say, hindi kaya therefore hindi tuloy. It's only Congress that can set the date so Congress has to be convened to set the date. And to set the parameters as well tulad ng binangit ko, pwede pa ba mag kakampanya, inextend mo lang yun campaign period or binago mo lang un araw ng halalalan, bawal na advertisement?

Q: Halimbawa nireset, nag special session, Congress resets a date, we still go automation or manual na?

Sen. Chiz: Pag usapan din yan ng Kongreso pero pag kung itatanong yan, automated man tayo or hindi, dapat meron parallel mandatory manual count. Kung manual, eh di manual count na yun.

Q: Suppose we cannot go through with the elections how soon can Congress convene?

Sen. Chiz: Immediately. And its only the President who can make the call on majority of members of Congress which might take time. Should that happen, I strongly urge the President to immediately call for a special session, within 24 hours, so that the situation can be salvaged and remedied. Hindi pino-postpone yun ng Kongreso, hindi kayang ipostpone ng Kongreso. Pero parang election ba sa isang lugar, because of violence, threat or terrorism or hindi dumating ang election paraphernalia, hindi natuloy yun election sa isang bayan. Idedeclare yun ng COMELEC na failure of election sa bayan na yan at mag seset yun ng COMELEC if it's a town, ng special election dun sa lugar na yan. Pero ito national and local elections eh. Only Congress can do it. Ayoko pasukan sa ngayon yung constitutional provision that the elections must be held on the 2nd week of May. Because if that is in the constitution, then its only under a situation of force majeure like this one wherein Congress can perhaps set a different date. Pero ayokong pasukan na may sasampa ng kaso sa Korte Suprema at sasabihin na walang kapangyarihan ang Congreso na baguhin yung petsa. Kung yun ang Korte, anong solution natin?

Q: Are we closing the door on Smartmatic's claim that they can fix everything by tonight?

Sen. Chiz: Again, I am hoping for the best but we should also plan for the worst. That's always what I have been saying this past few months. Ayoko mag postpone ang halalan subalit kung wala tayong choice dahil kung hindi kaya at dahil hindi nila matitiyak na maging malinis at tama ang bilang sa bawat lugar sa ating bansa, ayokong dumanak ang dugo dahil dito. Mapayapang proseso ang halalan para mapalit ang pinuno.

Q: There was a call from at least two senators to conduct an election for a new Senate President on the premise of a failure of election.

Sen Chiz: May sapat na panahon sa aking paniniwala bago Mag June 30 na gawin ito ng Senado at sa palagay ko kulang naman din ang panahon para gawan yan sa ngayon. Kung magagawa, bakit hindi, pero kung dagdag gulo at away na naman ito sa ibabaw ng kasalukuyan, gawin na lang natin pakatapos nag halalan kung talagang magkakafailure, tiyakin lamang sana ang Senado na ito'y magagawa bago mag June 30. At any time, while Congress is in session the Speaker of the House and the Senate President can be replaced. Walang term yun Senate President and the Speaker, their tenure is dependent on the confidence of the majority of their members.

Q: Do you see GMA appointing a new chief justice?

Sen. Chiz: Most likely but the ball is in her court already. She may or may not it's totally up to her.

Q: Sa parallel manual count, kailangan pa ba yun Kongreso dito?

Sen.Chiz: Yun mandatory parallel manual count pwede iutos lang yan ang COMELEC at sa puntong ito tinatawagan ko yun Comelec to do so. Hindi ko alam yun motibo ng Comelec or Smartmatic kung sinadya ba nila ito or hindi. Ang sinasabi ko lang ay nakikita ko sa harap ko, na tila hindi nila kaya at walang kakayanan. Ulitin ko at linawin ko, dapat at gusto ko na matuloy yun halalan sa May 10, pero kung talagang hindi kaya, pwede ba sabihin na nila kaysa malaman natin sa May 10 na hindi pala kaya. Kung magpaparallel manual count tayo, ang dapat na maging official basis ay yun parallel manual count, hindi na itong automated results. We (Senate and House) will be canvassing Certificates of Canvass (COCs). We will have a copy of the COC manually generated and a picture of the COC in the server which can be printed.

News Latest News Feed