Press Release
July 26, 2010

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero
before the opening of the 15th Congress

Kayo ang unang pumirma doon sa resolusyon para kay sen. Kiko Pangilinan, pero dahil umatras na si sen. Kiko so susuportahan nyo pa rin si Sen. Enrile?

Sen. Chiz: Oo naman, nag-usap na kami ni Sen. Enrile, gayundin si Pangulong Aquino kaugnay ng bagay na yan.

So ano po yung naging pagtanggap ni Sen. Kiko doon sa...

Sen. Chiz: Wala siyang kailangan tanggapin, nanggaling sa kanya mismo ang pasyang iyon.

Lahat suportado si Enrile sino kaya ang magiging minority?

Sen. Chiz: Hindi ko alam, malalaman pa lamang natin siguro ngayong umaga yan.

So first time ba na halos majority sumusuporta kay Sen. Enrile?

Sen. Chiz: Hindi naman, nangyari din yan sa mga nagdaang panahon, pero sa puntong ito hindi naman siguro pwede na lahat ay nasa iyo, ay nasa isang panig, dapat may check and balance din sa loob ng institusyon ng Senado.

Welcome ba sa inyo itong development kasi nga ang manok nyo itong si Kiko, eventually umatras siya last minute?

Sen. Chiz: Hindi kuwestyon siguro kung welcome o hindi, ito ang reyalidad ng sitwasyon ngayon sa senado at mahalaga na magkaroon ng lider na tatayo at uupo mamaya pag-deliver ang Pangulo ng kanyang SONA.

So under Enrile umaasa pa rin kayo na mapu-push pa rin ang legislative agenda ng Aquino administration?

Sen. Chiz: Umaasa ako na yon ang mangyayari, maliban don isang senador lang din naman si senator Enrile, bawat isang senador ay magpapasya kaugnay ng pagtulong sa administrasyon ni Pangulong Aquino.

So mananatili daw si Sen. Jinggoy as president pro tempore?

Sen. Chiz: Malamang, malamang.

Majority floor leader Tito Sotto?

Sen. Chiz: Hindi ko matiyak pa, siguro mamaya na lang pag naghalal na kami ng mga chairman sa mga susunod na araw.

Preference nyo sir, committee chairmanship?

Sen. Chiz: Wala pa eh, mag-uusap-usap pa lang siguro sa mga darating na araw, mamaya sigurong gabi o bukas.

News Latest News Feed