Press Release
August 2, 2010

Transcript of  interview with Senator Chiz Escudero

On NAIA 3 privatization

Yung NAIA, magulo yang NAIA ha, that's the only one of the cases ha, it does not mean that everything is solved , isa lang yan sa mga kaso at nagkaso. Tapos na ba yung sa Fraport... No Singapore yan eh , may isa pa kasing kaso between Fraport at Pilipinas sa DC, (nanalo din tayo don). Final na ba? I don't think so. I don't think final na.

Privatization target is by December

Assuming matatapos lahat ng kasong pending na arbitratino sa Singapore man, sa Washingtong DC isang option na pedeng pag-aralan yan para wala ng dagdag perang lumabas para naman sa bulsa ng gobyerno at yung kabaligtaran pa yung mangyayari, may papasok na pera sa kaban ng bayan.

So mas favorable yung privatization?

Pinakita at pinatunayan na na kapag ang gobyerno ang nagpapatakbo madalas sa madalas, tulad na lang ng airport operations, ay hindi maganda ang kinakalabasan. Gaya ng nga nasabi ko isa ito sa mga optino na dapat pag-aralan at dapat maging bukas ang gobyerno, yan man o hindi ang kahinatnan. Pero hintayin pa dito na matapos lahat ng mga pending arbitrayion cases hindi lamang sa Singapore.

Gano ba sir yung pagigign pattern na yung pedeng i-privatize ng gobyerno dapat i-privatize na?

Hindi ko alam kung polisiya na yan ng pamahalaan pero tinitiyak ko na ang dapat maging polisiya at tila magiging polisiya pamahalaan ay gmitin ng tama at wasto ang bawat piso sa kaban ng bayan at huwag itong sayangin at aksayangin. Kung magagawa naman na mas efficient at mas mura ng pribadong sektor habang mmapapangalagaan ang interse ng mahihirap nating mga kababayan, hindi na dapat panghimasukan pa ng gobyerno yan. Subalit anumang pagkakataon na tila inaapi na ng pibadong sektor o sinumang mayamang negosyante ang maliliiit nating mga kababayan, dapat nandon palagi ang pamahalaan para protektahan sila.

So pati yung privatization ng PAGCOR

Pabor ako ron, hindi kasi ako naniniwala na ang PAGCOR ay regulator at operator at the same time. Maliwanag na may conflict of interest ang ginagampanang papel ng PAGCOR sa mahabang panahon, hindi nga lang ito magagawa overnight at hindi ko rin matiyak na kung ngayon ba ay maganda ang presyo para iprivatize ang mga establishment na pag-aari ng PAGCOR. Dapat kasi tiyakin natin na mkukuha natin yung best price sa anumang asset ng gobyerno na ating ididispatsa. But conceptually hindi naman talaga dapat pagsamahin ang pagiging regulator at operator na kung saan kinukompetensiya mo ang sarli mo.

Hindi ba malaki ang mawawala sa gobyerno kung ipa-privatize?

Depende sa papasuking uri ng privatization, dahil pede pa rin namang maiwan yung government shares ayon sa ibi-bid out na kontrata o asset habang mananatili yung regulatory power din ng PAGCOR sa mga ganitong uri ng negosyo. Hindi kasi ako sang-ayon na ang gobyerno mismo ang nagpapasuagl dito sa ating bansa.

Committee chairmanship?

Ang alam ko ay ibinigay muli sa aking yung committee on justice and human rights, na komiteng hinahawakan ko rin naman sa nagdaang Kongreso. Kung ano pa yung ibang komite hindi ko alam at ayokong humalo at sumawsaw sa anuamng bangayan kung meron man na nagaganap ngayon kaugnay sa committee chairmanships. Sana lang ano man ang komiteng ma-assign sa kahit sinong mang senador, magampanan ito ng bawat senador ng tapat para sa mas nakakataas na interest ng bansa.

Supportive kayo sa mga Liberal Party senators kung magkakaroon ng problema?

Hindi ako kasali sa anumang sakit ng ulo na meron ngayon kaugnay sa pagbibigay ng mga komite. Ayokong maging bahagi ng problema, nais kong maging bahagi ng solusyon kung saan, kung ano ang mai-aasign sa akin ng mayorya at ni Senate President Enrile yung ang aking gagampanan g tungkulin at chairmanship dito sa senado.

Fragile daw ang leadesrhip ni Sen. Enrile?

Anumang bagay na nagsisimula palaging pede n ating sabihing fragile pero hindi naitng maikakaila malaki at malawak ang mayoryang tinanggap at bumoto kay senate President Enrile. Sa anumang usapin at kuwentuhan malayo sa pagiging fragile ang natanggap niyang botong 17 na mga senador habang 13 lamang ang kinakailangan. Pero sa anumang grupo, koalisyon na nagsisimula pa lamang siyempre medyo nagkakapaan pa pero sa pagdaloy ng panahon naniniwala ako na tatatag ang samahang yan. Hindi rin naman kailangan ng ating bansa sa ngayon ang isang fragile na mayoriya sa senado, dapat maging stable ang mayoriya sa senado upang sa gayon maitulak ng administrasyon at ng Pangulo ang kanyang legislative agenda nang walang masyadong gusot.

Sir kung may disappointed din hindi napunta sa kanya yung committee chairmanship na gusto nya sa tingin nyo hindi yun an gmagigign cause ng ...

Naniniwala ako na pagdating sa dulo mananaig ang pagigign statesman ng bawat senador kung saan nakuha man nila o hindi ang kanilang gusto, masya man sila o hindi, malungkot man o natutuwa, mananatili pa rin an gkagustuhan ng bawat isa sa amin na maging stable ang senado. Ang buhay naman ay hindi puro katuwaan at kaligayan lamang, palaging may kasamang lungkot na hindi nakukuha ang gusto. Hindi man ngayon sa susunod na ikot marahil makuha nila ang komiteng nais nila.

Sir yung mga LP senators they are the ones scrambling for major committees

Hindi ko sila masisisi dahil kapartido nila ang nanalong presidente na magkaroon sila ng ganyang uri ng pagnanais at kagustuhan. Bahagi yan ng pagiging miyembro ng nanalong grupo sa nagdaang halalan.

Sir sa kanila rin naka-reserve yung blue ribbon committee mahahabol ba nila yung...

Ang chairman ng anumang committee kabilang ang blue ribbon ay presiding officer lamang. Kapagka may ngahain ng resolusyon para imbestigahan ang admnistrasyong ito sa blue ribbon committee, sino mana ng chairman, Liberal man o hindi, naniniwala ako na dapat at o bligasyon niyang buksan ang imbestigasyong ya, sa paniniwalang transparency ang isa sa mga pillars ng kampanyang pinatakbo ng ating Pangulo.

Hindi nila pwedeng protektahan si President Noynoy?

Hindi lamang siya pati yung mga gabinete marahil na pinili nya, pagkakataon ang tingin ko dyan, hindi imbestigasyon, pagkakataon para maharap, ipaliwanag at bigyang linaw nila ang anumang akusayon na ipupukol sa kanila sa mga darating na buwan.

Truth commission dalhin na lang sa Supreme Court ng mga komukontra...

Sang-ayon ako at wini-wlecome ko ang paghain ng petisyon sa Korte Suprema para kuwestyunin ang truth commission, kaysa naman bangayan na lamang nang bangayan. Ang truth commission ay fact-finding commission lamang, wala itong kapangyarihang magpataw ng parusa, koret laamng ang pedeng gumawa nyan. Sapat na ang subpeona powers na ibinigay para malaman at masiyasat ang katotohanan na ang truth commission ay magko-complement sa trabaho ng DOJ, maganda rin siguro yon para makapag-concentrate ang DOJ sa pnagunahin niyang trabaho na maggawad ng hustisya sa mga Pilipinong inapi at hindi lamang tutukan ang mga kasong pedeng isampa laban sa dating administrasyon. Hindi naman pedeng puro ganon na lamang ang gagawin ng bawat ahensiya ng gobyerno. Dapat kung saka-sakali isaayos ang proseso na kung saan hayaan natin itong truth commission na gumawa non habang yungmga main at basic institutions ng gobyerno ay gumagalaw para sa pag-usad ng bansa.

On PAL problem, kailangan na ba talagang mag-intervene ang Malacanang?

Sa lalong madaling panahon naniniwala akong dapat panghimasukan na ng admnistrasyon yan at ng gobyerno dahil apektado ang kalakan, ang turismo at komersiyo sa ibat-ibang lugar dito sa ating bansa sa pagkakaantala ng ilang flights ng PAL. Imbued with national interest ang ating flag carrier palagi na hindi dapat pinahihintulutang magtagal anumang hidawaan sa pagitan ng management at ng labor. Sa along madaling panahon maging referee at arbitrator ang Palasyon at ang gobyerno para maiwasan ang ganitong sitwasyon na marami ang napupuerwisyo.

Yung Congress wala pang dapat gawin...

Mulat-mula ang paniniwala ko sa Kongreso ay ganito, kapagka hindi ginagampanan ng gobyerno ang trabaho nya don lamang dapat pumasok ang Kongreso sa pamamagitan ng imbestigasyon para singilin, usigin at paalalahanan ang gobyerno na dapat gawin nila ito, pero kung gumagalaw naman ang gobyerno marapat sigurong hayaan muna siya ng Kongreso bago ito panghimasukan.

Can the government really file criminal charges against the pilots?

Hindi magandang simulain ng anumang arbitration o pagrereferee ang pananakot kaugnay sa pagsampa ng kaso, siguro isa yon sa mga option pero hindi na tamang sabihin pa o pag-sapan.

Kasi daw may mga kontrata yung mga pilot...

Kung saka-sakalingmay kontrata man, employment or otherwise, malayo siguro ang criminal liabilities, baka civil liability meron, pero criminal liability hindi ko matiyak.

Matagal na daw ang complaint pero meron bang ginawa ang gobyerno don...

Tanungin natin yung administrasyong nagdaan dahil bago pa lamang ang gobyernong ito kung matagal na nga ang complaint na yan.

Hindi naman sa paghabol pero para maisaayos ang problema, anuman yon.

Sir may Supreme Court ruling daw pero hindi pinapatupad ng PAL management...

Hindi ko kabisado yung kaso, pero matagal ng away yan hindi ba.

So anong yung specific na pedeng gawin ng gobyerno?

Magsilbing tiga arbitarte nga at mediator, kaya naman nag-walk out ang mga piloto dahil hindi na sila magkasundo ng management . sa pagitan nilang dalawa, sa pag-uusap nilang dalawa hindi sila nagkasundo so kailangan sigurong pumasok ang gobyerno para maging referee, bilang mediator, bilang arbitrator, para makausap ng diretso at tuwid ang magkabilang grupo para magbigayan, hindi naman pedeng isa lang lagi ang lamang at mananalo.

Kung hindi maging successful yun pede kayang mag take over ang gobyerno?

Posible at merong probisyon sa ilalim ng ating Saligang Batas na pedeng magamit para dyan dahil nag ito ay imbued gaya nga ng nasabi ko with national interest at maaari itong itake over sang-ayon sa paguutos ng DOLE secretary.

Ang tatayong mga pilot mga government...

Hindi, pede kasing mag-isyu ng back to work order ang secretary sa anumang industriya na iti-take over nito, yan ay nakasaad sa Labor Code natin.

Pero at this point hindi pa kailangang i-take over?

Subukan mun, mediation at arbitration, subukang pagkasunduin ang magkabilang panig.

Magiging beneficial ba sa gobyerno kung sila ang magte-take over.

Hindi take over ha, back to work order ang iisyu kung saka-sakali ng DOLE habang pinag-uusapan ang bagay na ito. At may kapangyarihan ang DOLE na iisyu yon.

Pag hindi sumunod?

Doon siguro magkakaroon ng palitan. But more often than not habang may pag-uusap kasing ginagawa at kumpiyansa angmga pilotong hindi naman sila naaapi sa mga nagdaang panahon na nag-isyu ng return to work order ang DOLE ito ay sinunod ng mga empleyado.

If in the opinion of the Dole secretary is instructed by the President , national interest and or national security is affected by the industry that is not functioning or going on in strike, he can order, he can issue that order. Basically back to work order lang naman yan habang nagdedebate at nagtatalo at habang nagmemediate.

Sir yung priority nyo sa chair ng committee on justice and human rights?

Same as our priorities before, at least nakakausap ang administrasyon eh masulong namin ang nais naming pagbabago partikular sa pangangalaga sa human rights, na kasama rin naman sa SONA ni President.

Ano-anong bills sir?

Yung pagpasa ng involuntary disappearance bill, pagpasa ng compensation for human rights victims bill, pagpasa rin ng pagpapalakas at pagbibigay ng mas malawak na kapangyarihan sa CHR.

Yung whistle blower's bill?

Ewan ko kung saa kin mare-refer yon kasi last Congress na-refer yon sa revision of laws eh.

Sir kailan malalaman yung legislative calendar?

I don't know hopefully by this week, ipapasa kasi yan ng House at Senate dapat. (Dapat complete muna yung committee chairmanship?) Not necessarily, joint resolution naman yan ng Congress, at leasrt may majority leader na kami at may majority leader na sila.

Yung involuntary disappearance?

May na-file ding akong bill sana sa akin pero hindi sa akin na-refer yon eh. .. May bill na yung waiver ng secrecy ng bank deposits. Para automatic na, pag nag-aaply ka at empleyado ka ng gobyerno may kalakip na waiver yon sa secrecy of bank deposits na pedeng tingnan yung account mo kung kinakailangan, bill pa lang yon.

Sir paano yung mareresolbahan yung sa CA, by party...

By party at tsaka by coalition, according to the Supreme Court decision pede namang magbuo ng mga coalition yung mga senador, two senators equals one.

News Latest News Feed