Press Release
August 24, 2010

Transcript of interview with Unang Hirit

Yung grievance mechanism ng PNP nandiyan na yan, matagal na

Sen. Chiz: Nandon na, matagal na, subalit siguro panahon na para muling tingnan at bisitahin ng ating kapulisan

Pagna-dismiss ang isang pulis anong mangyayari sa kanilang mga gamit, tulad nito yung gamit nya na M-16 rifle?

Sen. Chiz: Actually tanong ko rin yan Igan, kung talagang na-dismiss na siya bakit nasa kanya pa rin yung service na long firearm o kung personal man niya iyon bakit yung lisensiya ay hindi binawi kaugnay sa baril na ginamit at nagamit nya doon sa pagpatay sa mga victims.

Hindi pala automatic na nakukulong yung na-dismiss na mga pulis, pero depende kung administrative case lang ang kinakaharap

Sen. Chiz: Tama yan, depende kung administrative dahil ang penalty sa isang administrative case ay pagtanggal lang sa puwesto, yung criminal case ay nagbibigay naman ng pagkakakulong sa sinoman.

Hindi kaya mapanganib lahat pagganoon ang sitwasyon na kapag ang isang dating awtoridad na nakasuhan at na-dismiss ay parang walang proteksiyon ang sibilyan

Sen. Chiz: Naniniwala ako na isolated incident at isolated case ito pero ganon pa man isang pulis tulad nyan na sisira sa imahe ng ating bansa sa buong mundo, ikanga magsasampal sa ating lahat kaugnay sa isang insidente gaano man ka-isolated sa ating pananaw.

Sa tingin nyo ano ang dapat ipatupad ng PNP para maayos din at maiparating yung hinanakit ng kanilang mga miyembro?

Sen. Chiz: Well ang grievance na ganito ang dapat tinitingan at pinaiigting nila (machanism), maliban dyan dagdagan ko pati ang ating kakayanang mag-rescue, naawa ako ng nakitang kong inabot sila ng 15 minuto para makapasok sa isang bus na kung kinakailangan at pinag-aralan sana ay hindi umabot sa ganon. Maski na sa pintuan ng bus konsultahin ang kahit na sinong bus driver o kahit na sinong mekaniko sasabihin sa kanila putulin nyo ang tubo sa ilalim ng bus, bubukas yon dahil kahit na anong pagmaso ang gawin mo doon kung hydraulic o nomatic yon hindi bubukas yon ng ganong kadali, hanggang sa dulo ni hindi nila nabuksan yung pintuan sa harap.

Marami ngang obserbasyon na ilan sa mga namatay dahil sa lost of blood sa tagal na mapasok at mailigtas ang mga biktima

Sen. Chiz: Nakakulungkot ang araw na yon, ang aking pakikiramay sa mga nawalan ng mahal sa buhay at nasawi subalit marami tayong magagawa para maiwasan sana yon, sana hindi na mangyari ulit pero kung mangyari ulit marami tayong magagawa para mapabuti ang ating operasyon sa ganong bagay.

News Latest News Feed