Press Release
September 27, 2010

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero at the session hall

Reaction to Sen. Miriam's call to post on her Facebook account the death threats against her

Seryoso ang mga alegasyon laban kay Sen. Santiago na dapat tingnan at masusing pag-ingatan ng aming kasamahan dito sa senado pero pauntgkol sa Facebook kung friend nya yung nagpadala ng death threat at least kilala nya na kung sino. Kung magpapadala ng death threat huwag nya na lang sigurong tanggapin as friend sa kanyang Facebook. (Sa Twitter na lang sir?) kapagka ginagamit ang anumang uri ng media sa pagpapadala ng death threat malamang sa malamang hindi naman talaga seryoso at nananakot lamang ito, na sa palagat ko ay hindi naman tatalab sa aming kasamahan na si Sen. Santiago.

Hindi na ba dapat pahabain pa yung imbestigasyon sa jueteng dahil sa death threats against Sen. Santiago

Hindi rason na hindi pahabain ang anumang pagdinig ng senado kapagka may death threats na lumalabas. Para sa akin may mga pangalang nabanggit, may obligasyon ang senado na ipagpatuloy ito para malaman ang puno't dulo nito. Pangalawa may obligasyon din kami na bigyan ng pagkakataon yung mga nabanggit at binanggit na pangalan na sumagot sa parehong lugar kung saan sila naakusahan at kung saan nabanggit ang pangalan nila.

Assessment sa US trip ni President Noynoy

Inaasahan kong magbibigay ng ulat si Pangulong Aquino sa kanayng naging byahe. Inaasahan ko rin na anuamng ginastos natin don mas malaki ang kanyang maiuuwi para sa ating bansa. Ikanga yung return of investment or ROI sa ginastos natin sa byahe marapat ata dapat lamang na mas malaki at tiyak ko base sa initial reports mas malaki yung kanyang iuuwi at nadala kumpara sa nagastos natin sa kanyang byahe.

Hindi na ba isyu yung baligtad yung Philippine flag, nasa itaas yung kulay pula

Marahil pagkakamaling hindi naman sinasadya yon at hindi na dapat at marapat pang palakihin. Sa dinami-damin naman siguro gn bandila na kanialng pinapakita roon may karapatan naman siguro at may rason na malito paminsan-minsan. Marapat at dapat siguro bigyang paalala lamang pero huwag nang palakihin dahil hindi naman siguro natin kailangan ng dagdag na kaaway lalong lao na sa mundo ng mga bansa.

Masamang pangitain daw yon?

Hindi ako naniniwala sa pamahiin lalong lao na partikular sa pagdating sa mag ganyang uri gn bagay, dahil iisa lamang naman ang ibig sabihin ng pulang kulay sa itaas kaugnay ng bandila, yan ay sumasagisag sa gulo, kaguluhan o giyera na sa palagay ko ay hindi naman mangyayari lalong lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng mga bansa sa mundo.

Kailangan pa bang mag-apology?

Hindi naman na siguro kailangan pang humantong doon na magkaroon ng pormal na resolusyon pa para humingi ng tawad, marapat at tama na siguro yung organizers ay nagpaabot ng kanilang taus-pusong paghingi ng paumanhin.

Tungkol sa balita na nagpanggap daw si Mar Roxas as DepEd secretary para sa isang event

Hindi ko alam dahil ako ay nasa west coast at hindi sumama sa kanila sa east coast at hindi naman ako kasama sa entourage ng Presidente, ako ay nandoon bilang isa sa mga tagapagsalita ng PhilDev.

But have you heard the news?

Hindi kasi hindi na umabot yung ugong doon sa west coast at hindi naman kami nagkakausap.

News Latest News Feed