Press Release
October 12, 2010

Transcript of interview of Senator Chiz Escudero

On granting of amnesty to Sen. Trillanes and other troops

Binabati ko at nagpapasalamat ako kay Pangulogn aquino sa kanyang pagpirma sa prokalamasyon na nagbibigay ng amnesty kay Sen. Trillanes at sa kanyang mga kasamahan para once and for all makasama at makapiling na namin siya rito at magampanan nya ang kanyang tungkulin bilang senador. Subalit hindi pa tapos ang proseso, dadaan pa din muna ito sa kongreso. Kinatigan ito ng sobra sa mayoriya ng mga senador, sana ganundin sa kamara de representantes because this will require a majority vote in Congress.

So mukhang mapapadali ang pagpasa nito sa senado kasi may resolution kayo tungkol don

Madali na ang pagpasa dito dahil hindi naman siguro magbabago ang posisyon ng mgasenador na pumirma at sumuporta sa resolusyong nanawagan kay pangulong aquino na mag-isyu ng amnesty proclamation. Gaya nga ng nasabi ko na sana gayundin sa Kamara de Representantes.

Hindi ba ito magse-set ng dangerous precedent kasi pinapatawad yung mga nag-mutiny

Hindi, sila nakulong na nga lahat lahat eh, nong mag nakaraang kudeta pinag push up lang ng mag nagdaang administrasyon. At para sa akin isang political crime ito, anong ibig sabihin ng political crime? Nagkataon lamang na krimen at kriminal ang tawag sa kanila dahil hindi sila nanalo. Pero yung mga nagdaang pag-aklas sa ating kasaysayan kung saan nagwagi yung mga nag-aklas, bayani ang tawag sa kanila, so question lamang ng pagkapanalo o pagkatalo kung kayat nagiging krimen o hindi pagiging krimen ang ganitong uri ng gawain.

Hindi ba ito taliwas sa isa sa mga rekomendasyon ng Feliciano commission before na idaan sa proseso yung mga kinakasuhan ng ganyan para hindi na umulit?

Proseso at bahagi ng proseso ang pagbibigay ng amnestiya, bahagi at kasama sa proseso ang pagbibigay halimbawa ng pardon. Lahat ito ay bahagi ng sistema na nagbibigay ng, sistema ng crime and punishment at gayundin pagpapatawad sa ating bansa sa ilalim ng ating justice system. Ang ayaw kong makita siguro yung ni hindi sila sinampahan ng kaso, yung ni hindi dumaan sa korte, pinarusahan na lamang o inabsuwelto na lamang ng basta basta.

Sa IIRC report tama lang ba na maabsuwelto si Puno at Verzosa?

Hindi para sa akin na husgahan yon, pagdedetermina ng komite, ng relevant committees ng senado, public order and justice and human rights, yung report matapos namin itong matanggap. Pati yung review nong report, pero pinag-aaway at tila piankukumpetensiya yung IIRC at Malacanang, sa palagay ko ay hindi tama yon dahil bahagi ng proseso ng pagsusumite ng IIRC ang review ng Malacanang. Tanggalin sana sa isip ng mga miyembro ng IIRC na final na yung kanilang ginawa dahil ang bumubuo ng IIRC, halimbawa, yung chairman at co-chairman nito, alter ego ng presidente at definitely may kapangayarihan ang presidente ng i-review at isailalim sa review ito.

Pero marami ang nagsasabi kung bakit inabsuwelto si Puno considering under nya ang PNP

Hindi ko nakita yung detalye ng report, pero ang nakita ko lamang na bahagi ng report ay ang chairman dapat daw kasi ng crisis management committee ay secretary of interior and local government, pero ang gumanap daw na bilang chair nito ay si undersecretary Puno, ang tanong ko bakit nangyari yon at bakit usec lamang kung saka-saklai ang sisisihin ay hindi yung kalihim na dapat nag-assume ng posisyon, hindi pedeng mangyari yon dahil nga ang nag-iimbestiga ay yung kalihim at inimimbistigahan ang kanyang Usec. Sa totoo lang masalimuot ang IIRC report at sitwasyon at nais namin yung matingnan at pag-aralan kung kailangan pang mag senate investigation o hearing man lamang tungkol dito. Kung maaalala nyo kasi we held in abeyance further deliberations and hearing on the inquiry and in aid of legislation, resolution filed, dahil nais naming mabigyan ng pagkakataon at chance yung IIRC at yung review, at ngayon nandyan na yan, antabayanan namin siguro yung actual copy ng report at ng review na makarating sa amin.

Wala pa kayong desisyon kung magkakaroon pa ng hearing?

Wala, babasahin muna namin yung report as soon as we get it, ni hindi pa nga napo-forward sa amin yung report at yung review.

Sir tama ba na lahat ay adminsitrative case, walang criminal case?

Merong criminal case, pero hindi naman pede kasing mag-utos ang Pangulo na magfile ng criminal case. The DOJ performs a quasi judicial function which includes the determination of the existence of a probable cause. May karapatang ang isang respondent na patunayan na wala siyang kasalanan, o ang biktima na may kasalanan siya. Hindi pedeng mag-utos ang pangulong magsampa ng kaso, ang pede niyang sabihin o ipag-utos imbestigahan kung may kaso at yung ang ginawa nya.

Kung i-resume ng senate ang investigation, gusto nyong maliwanagan don sa part kung sino talaga ang head ng crisis committee?

Maraming bagay, actually, maraming bagay ang nais naming liwanagan, maliwanagan, pero siguro maganda na muna makita ang report, dahil baka naman napaliwanag na ito sa review, hindi man doon sa fine print ng IIRC report na hindi naman lahat ay nalathala sa publiko.

Bawal na daw sa Malacanang na magsuot ng magarbong damit, sexy na damit, bawal naka-slippers...

Sa akin walang masama roon, para naman sa kahit sinong may-ari ng tahanan, hari ikanga o reyna ng tahanan, pede niyang sabihin kung ano ang nais nya o hindi nya nais makita sa loob ng kanyang tahana. At marapat lang naman din siguro na bigyan natin ng karampatang respeto kung hindi mana yung tao, yung tanggapan at yung opisina.

On amnesty proclamation signed by President Aquino...

Binabati ko at pinapasalamatan ko si Pangulong aquino, isa ako sa mga sumuporta ng resolusyong nananawagan na bigyan siya (Sen. Trillanes, sila ng amnesty, hindi lamang para makasama namin siya sa senado pero para magampanan niya ang kanyang tungkulin niya bilang senador matapos siyang ihalal ng ating mga kababayan.

Ano ang magiging proseso matapos malagdaan ng Pangulo ang amnesty proclamation, immediately makakalabas na sina senator Trillanes? Hindi, ipapadala ito sa Kongreso at kailangang pagbotohan ito ng Kongreso, majority of all the members of Congress, madaling papasa yan sa senado dahil mayoriya, sobra sa mayoriya ng mga senador ay sumuporta rito. Sana ganundin sa kamara de representantes.

Bunga na ba ito ng resolusyon na pinasa dito sa senate at ito ang naging aksyon ng Pangulo?

Wala naman sigurong pedeng umangkin ng kaisipan o ginagawa ng Pangulo, marahil isa lang ito sa mga bagay na nag-udyok sa kanya, nagpaalala sa kanya, sa dami ng kanyang ginagawa, pero kaisipan niya ito kahit noon pa.

Pag-amnesty lahat ng kaso meron itong mga rebel soldiers, burado na?

Burado at ibig sabihin nananatili pa ring senador si senador Trillanes, iba kasi ang sitwasyon ng pardon. Sa kaso muna ng pardon kailangan muna may conviction by final judgment, wala ng apela at kasama sa penalty noon ang pag-alis sa puwesto.

So ibig sabihin in the near future makakasama nyo na si senator Trillanes dito sa senado?

Sana, sa darating na panahon, matagal na rin namang pinaglalaban din yan ng senado at ng ilang mga senador, kabilang ako, na magampanan nya ang kanyang tungkulin, magampanan niya ang kanyang tungkulin, sayang din naman ang mandatong ibinigay sa kanya ng ating mga kababayan.

Ibang kaso naman pagdating kay senator Lacson?

Hindi ito covered ng amnesty, hindi ito mako-cover ng amnesty, kahit criminal case hindi dahil pending pa rin yon at wala pang jursidiction ang husgado sa kanya.

On the granting of amnesty (again)

Binabati ko at pinapasalamatan ko si Pangulong Aquino sa nilgandaan niyang amnesty proclamation, sana sa madaling panahon ay masumite ito sa Kongreso para mapagbotohan na ng senado at ng house of reperesentatives, buo ang tiwala ko na madaling papasa ito sa senado dahil sa sinuportahan ang resolusyon na nanawagan para dito ng majority ng mag senador, sana ganundin sa house of representatives.

Ano yung proseso ng pagbibigay ng amnesty?

Matapos niyang mapirmahan yon, isusumite yon sa Kongreso, at tatalakayin ito bilang isang resolusyon, tapos aaprubahan ito dapat ng mayoriya ng lahat ng miyembro ng Kongreso- the House and the Senate voting separately.

Dapat bang maunang ma-approve yon sa House o dapat sabay?

Hindi isa yon sa mga local bills na kailangang mag-emanate lamang sa House of Representatives, pedeng sabay talakayin, under the constitution, it's only revenue, appropriation and local bills that should emanate from the House.

Gaano tumatagal ang proseso bago mapalaya...

Depende kung kailan maaaprubahan ng Kongreso as soon as maging final yon, maaari ng ibigay ng Pangulo yung order bilang commander in chief, lalong lalo na don sa members ng Armed Forces of the Philippines pa. At kaugnay naman ng ibang bagay kailangan munang dumaan sa proseso ng korte ito, kailangan hilingin ng mga abogado ng mga nasasakdal ang kanilang paglaya dahil ang krimen kung saan sila ay na-charged ay wala na.

So yun ang gagamitin nilang basis para sa hilingin sa korte?

Oo, so yung mag nakadetina sa ilalim ng court marshal, sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines, bilang commander in chief as soon as the amnesty proclamation is approved by Congress, pede na niyang i-order yon, pero yung mga mag nakadetina dahil may utos yung husgado, kailangang dumaan ito sa korte at hilingin ng kanialng mag abogado ang kanilang agarang paglaya dahil nga don sa proklamasyon at sa amnesty na inaprubahan ng Kongreso.

Paano kung hindi pumasa sa House, walang majority?

Hindi pwede. Congress has to act on it.

Hindi pwedeng magrefuse yung judge na may hawak ng kaso?

Siyempre titingnan nya yung legal, baka kasi may mag-oppose at magquestion, baka sabhini yung amnesty hindi tama, kuwestiyunin pa sa korte, hindi ko alam, pero the judge can take judicial notice of the amnesty once it is approved. Malay nyo may mag-oppose.

Smooth sailing na yan sa senado?

I think in the Senate it will be, i just don't know where it will be referred to the committee on justice or to the committee on national defense.

Ano mangyayari kung hindi nakuha yung majority sa House?

Wala. (so yung order walang bisa), hindi pwede yon, under the Constitution it has to be approved by Congress.

Considering sa composition gn House sa tingin nyo makakalusot yan?

Sa tingin ko naman at malaki din naman ang pag-asa na makapasa sa House of Representatives, mas tiyak nga lang at mas sigurado dito sa senado dahil pumirma na ang mga senador ng isang resolusyong nananawagan para dito.

Political crime ito?

Para sa akin dahil political ang nature ng krimen, ibig sabihin don kaya naman kriminal ang tawag sa kanila, krimen ang ginawa nila dahil natalo sila, dahil kung nagkataon nanalo sila, tinayuan sila ng rebulto at yung mga kriminal yung naalis nila sa puwesto. Yon yung nature ng isang political offense, sa kasong ito, nagkataong natalo, so sila ang nakakulong at yung mga nanalo ang nagpakulong sa kanila, pero kung baligtad ang nangyari at sila ay yung nanalo, marahil ang mag nakakulong ay yung mga inalis nila sa puwesto at sila yung may rebulto at poster ngayon na ating nakikita.

Mabilis na ba six months yung pagre-release sa kanila?

Matagal na nga siguro yon para sa akin kung tutuusin, sana kung mabilis matatalakay ito ng Kongreso bagaman magrerecess ang kongreso sana naman umabot ng Pasko na matapos ang lahat ng ito. Kaya para sa akin (kung mamadaliin).

News Latest News Feed