Press Release
November 22, 2010

Transcript of interview at the session hall with Senator Chiz Escudero

On Maguindanao massacre, are you disappointed kasi hanggang ngayon wala pa daw 5% yung tinatakbo ng trial?

Nakakadismaya naman talaga yung anumang kaso na mabagala ng takbo, pero intindihin din natin napakarami ng biktima at napakarami rin ang akusado, i think kulang-kulang 100 ang biktima at mahigit 200 ang akusado. Isa-isa yon may karapatang marinig at mapakinggan kaya ang importante ttumutuloy-tuloy ba, araw-araw ba yung hearing, continuous trial ba o palaging napo-postopone ang kaso. Sang-ayon din ako siguro sa panawagan na magkaroon na ng special court para dito, para matutukuan talaga yung kaso nang hindi napapabayaan yung ibang mga kaso.

Sa dami ng akusado gaano kaya tatagal yung trial?

Kung yung isang akusado minsan tumatagal ng hanggang 15 years, sa kasong ito daan (hundreds) ang akusado pero sa kabilang banda ito ay hanggang sa Korte Suprema naman nagtatagal. Ang importante yung initial conviction sa regional tril court, kung saka-sakaling conviction ang magiging desisyon nila dahil nakakulong naman yung mga akusado hanggat hindi pa final yung acquittal kung acquittal man yung magiging desiyon. And even now as we speak nakakulong naman ang karamihan sa mga pangunahing akusado, wala namang nawawala sa kanila sa puntong ito.

Kung magkakaroon ng special court sa tingin nyo ilang taon tatagal ang kaso?

Ayokong pangunahan ang korte, ang pagdaloy ng hustisya, marami kasing bagay-bagay na labas sa kamay natin para ma-predict ang eksaktong pagkatapos ng isang trial.

Sa live coverage, pabor kayo doon?

Pabor ako s alive coverage, subalit ito ay nasa kamay ng korte para pagdesisyunan, hindi yan kasama sa kapangyarihan ng Kongreso, hindi yan kamasa sa kapangyarihan ng executive branch, pede lang marahil hilingin ng prosecutors office sa utos ng Pangulo na hilingin sa korte yan pero desisyon ng korte yan. At ang mga naunang desisyon ng korte suprema tungkol dito ay tila ayaw nilang pumayag sa live coverage sa mga trial at hearing.

Sa tingin nyo pagnagkaroon ng special court mas mapapabilis pa yung hearing?

Mas mabilis siyempre kung may special court dahil walang ibang kasong tinututukan. Pangalawa wala ring ibang kasong maaapektuhan kung saka-sakali ne pending din don sa korte yon. Ang Santo Papa pabor na daw sa paggamit ng condom provided na panlaban yun sa AIDS.

Hinahanapan ko pa ng karagdagang liwanag yung pahayag na yon dahil tila iba't-ibang intepretasyon ang binibigay doon sa pahayag ng Santo Papa, ibat-ibang lenguahe, ibat-iba ang ibig sabihin, bigyan natin ng kaunting panahon bago tayo mag-isip, wala ng debate ukol sa kanyang sinabi talaga.

Hindi nyo kino-consider na paglambot na nila yon sa paggamit ng articifial contraception?

Uulitin nko hintayin nating mabigyang linaw muna marahil yon dahil sa ngayon tila iba-iba ang intepretasyong lumalabas mula sa Simbahan mismo. Sa punto de vista ko hindi naman nagbabago ang aking posisyon at paninindigan sa bagay na ya. Kung ang birthday at kasal nga pinaplano ano pa kaya ang pamilya na mas mahalagang bagay, mas mahalagang institusyon sa ating bansa.

Sa pagbawi ng Malacanang sa Proclamation 50, sa tingin nyo it's a good move sa parte ng executive?

Kung talagang may kailangang baguhin mas maganda na yon kaysa sa panindigan nang hindi mapapasa o hindi matutuloy. Ang amnesty proclamation concurrence lamang ng Kongreso ang kailangan, hindi ito pedeng amendahan katulad ng ordinaryong bill. Take it or leave it yan kaya siguro nang kanilang tinimbang ang sentimento ng Kongreso may mga probisyon na kailangang baguhin sa proklamasyon.

So palpak na naman ang Palasyon hindi na naman pinag-arala ng husto?

Mas masasabi ko sigurong palpak kung pinanindigan pa rin yung alam nilang kulang at mali, pero yung pag-amin ng pagkukulang at pagwawasto nito siguro pagsasaayos ang tawag don, hindi kapalpakan.

Any advice sa Palace para maiwasan na yung ganyan

Basta't ang kanilang ginagawa ay nasa sa tama o kung may pagkukulang agad nilang pinupunan, kung may pagkakamali agad nialng winawasto wala akong nakikitang masama o mali doon. Gaya ng nasabi ko ang mas masama sa akin, alam na nilang mali ginagawa pa nila, alam na nilang kulang pinaninindigan pa nila.

News Latest News Feed