Press Release
December 13, 2010

ON THE DISMISSAL OF THE VIOLENCE AGAINST WOMEN
CASE VS. HAYDEN KHO

Nalulungkot ako dahil malaki ang tiwala ko na magkakaroon ng hustisya;

Ang publiko mismo ang naghihintay ng hustisya para kay Katrina at sa buong kababaihan;

Maliwanag naman sa lahat, alam lahat ng tao kung ano ang nangyari. Nakita sa tv, narinig sa radio, nabasa sa diyaryo. Malinaw naman sa mata ng publiko at ng tao kung ano ang dapat naging resulta nito.

Kaya, naging kagulat-gulat ang naging desisyon ng korte, na naging taliwas sa malinaw na konklusyon sa imbestigasyon sa senado at pananaw ng publiko;

Ganunpaman, kailangan nating igalang ang desisyong ito; Mayroon pa namang ibang legal remedies si Katrina at umaasa ako na magkakaroon pa rin ng hustisya;

Kawawa naman ang mga biktima, dahil habambuhay na nilang dadalhin ang stigma nito hanggang sa kanilang mga anak at mga apo; Para silang naisang-tabi at nabalewala;

Sa kanila, kay Katrina, tibayan pa nila ang kanilang loob;

Nakakatakot ang pwedeng maging resulta ng desisyong ito;

Baka dumami ang tumulad dito kay Hayden dahil okay lang pala at hindi mapaparusahan; Huwag naman sana.

News Latest News Feed