Press Release
January 14, 2011

Transcript of Senator Juan Miguel Zubiri's presscon
at the Senate press office

ON MRT/LRT FARE HIKE

"Kahapon nagfile po tayo ng isang Senate Resolution 328, na iniimbestiga po natin ang pag angat ng presyo ng LRT at MRT. Tinututulan po natin ito at alam naman po natin na hirap na hirap ang ating kababayan sa pagtaas ng presyo ng bilihin, gasolina, kuryente at pati na po itong public transport system natin itataas pa ng 50 percent at sa ibang areas ay 100 percent pa. Sa tingin ko sobra, sobra na, tama na hindi na po kaya ng ating kababayan."

"Nakikiusap po tayo at umaapela po tayo sa Malacanang na huwag munang i-adopt itong increase rates. Itong Senate Resolution na ito ay asking the Senate Committee on Public Services to immediately conduct an investigation, ipatawag po natin ang LRT at MRT agencies at tanungin natin sila kung ano nga ba ang makatuwiran na rate increase kasi ang ipinapalabas nila dito sa matrix ay umabot sa 100 percent ang pag-akyat. Sa tingin ko ay hindi po makatuwiran iyan dahil kawawang kawawa po ang ating kabababayan buti sana kung umangat din ang sweldo, hindi naman umaangat ang daily wage at ang balita nga ay tigil muna ito until middle of this year."

"Ang aking suggestion ay kung magkakaroon man ng increase ang LRT/MRt ay gawin nilang sampung porsyento lamang para hindi masyadong mabigat sa ating kababayan. Kung ang ticket ay 15 pesos eh di gawin 1.50 ang increase per year huwag naman from 15 pesos gagawing 25 or from 15 pesos to 20 pesos kaagad eh hirap na hirap na nga ang mga estudyante, senior citizens ating riding public dito sa increases of daily expenditures tulad ng sa pagkain, tubig, kuryente at dadagdagan pa nito. Biro mo sa roundtrip na 20 pesos a day increase at gastusin niya ito ng 24 days a month, umabot din na 480 pesos ang gagastusin buwan buwan, increase po iyun ah from the original amount they are spending."

"Nakikiusap po kami sa ating pamahalaan na huwag mua ituloy itong fare hike. Since this is a government entity dapat humanap sila ng paraan sa ibang paraan. Gamitin nila ang good fiscal management, improve tax collection but when it comes to public utilities and public transport system, the government should bite the bullet and at least subsidize and assist the riding public kasi ang sumasakay po dito ay masa, low-income families, middle income families na talagang hirap na hirap sa kanilang napakaliit na sweldong tinatanggap buwan, buwan."

"I would appeal to the government to withhold the increase of the rates until we can come up with a formula na makatuwiran sa ating kababayan. Ang aking pananaway hindi dapat sobra sa ten percent ang increase nila. Kapag sumobra ay kawawa na po ang ating kababayan."

"Ang gusto ng gobyerno ay magkaroon ng investment in the public transport system pero dapat tignan natin ang social cost. Mayroon tayong social responsibility sa ating kababayan, yes gusto nga natin magpalabas ng P21B conditional cash transfer for the poorest of the poor pero madadagdagan naman ang mahihirap sa ating bayan kung hindi natin sila bibigyan ng kaunting respite o pahinga sa pag akyat ng ibang presyo ng public necessities like the transport system."

"Yes they need to increase para makabayad pero dapat makatuwiran at hindi abuso sa ating kababayan. Itong 100 percent ay abusive. Dito naman sa SLEX ang plano halos 250 percent ang pag anangat ng toll fees...my goodness!"

"Gagawin po natin ang makakakaya bilang senador at even it takes a legal remedy, we will have to file the necessary legal remedies (to stop this) we will do so. Kung meron pong ibat ibang grupo na magfile ng injunction sa SC, our office will study this, and we may join them in that fight to stop the increase of the rates of the MRT/LRT."

"Papayag tayo sa ten percent kasi in five years time makukuha nila ang 50 percent na gusto nila at that time tataas na rin ang sweldo na ating kababayan."

"Ang MRT at LRT are the only public transport systems na wala pong insurance system para sa pasahero ngayon kung iangat nila ng katakot takot itong presyo ng ticket nila dapat naman isama na nila ang insurance ng mga pasahero eh biro mo ang jeep may insurance para sa pasahero kung naaksidente ang jeep mabibigyan ng tulong itong pasahero ng jeepney eh MRT kung makaaksidente eh wala tapos mataas pa singil nila so dapat isama nila ang libreng insurance para sa pasahero."

"I just found out na MRT at LRT ay wala pa lang insurance sa pasahero. Isa po iyan na isasama at take up natin sa resolution 328

News Latest News Feed