Press Release
January 31, 2011

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW OF SENATOR GUINGONA

Q: Kailan po ang next hearing?

STLG: The hearing will be on Thursday, 9:00 am. Same invitees. Same pa din ang ipapatawag. Tatapusin lang naming iyong kay Col. Rabuza. Mahaba pa iyon. Madami pa siyang sasabihin eh.

Q: Reaction lang po sa pagfile ng case ng dating AFP Chief Angelo Reyes laban kay Senator Estrada.

STLG: I think mahina yan sapagkat it is covered by parliamentary immunity.

Q: Sabi po ni Senator Estrada may lalabas pa daw po na ibang witness. Are you aware of that?

STLG: Yes, nag-coordinate kami ni Sen. Estrada. Yes, mayroon pa sigurong lalabas.

Q: What will we expect this week?

STLG: Well, hindi pa tapos si Col. Rabuza sa kaniyang salaysay so itutuloy lang niya ang kaniyang salayasay. Makikita natin kung gaano kalawak at gaano katalamak itong sinasabi nilang problema ng korupsiyon sa military.

Q: May iba pa ba tayong bagong ilalabas sa hearing ngayon Thursday.

STLG: Itutuloy lang natin.

Q: Kasama pa ba iyong kay Garcia?

STLG: Kasama pa rin iyong sa plea bargain.

Q: Sa tingin niyo sir dadating pa din si Secretary Reyes kahit na na interrogate na siya before?

STLG: We are issuing an invitation today . I don't know if he will attend or not.

Q: Paano kung hindi siya pumunta?

STLG: If he does not attend , if anybody requests that he should be compel to attend, then we will have to subpoena him. If anybody request the chair na dapat mag-attend siya.

Q: Ano po mangyayari? Mababalewala lang yung case filed ni Secretary Reyes?

STLG: Tingin ko ay madidismiss lang iyon.

Q: Ano iyon? Gagamitin lang ni Reyes iyon para hindi siya mapatawag ditto.

STLG: Hindi puwede iyon. Hindi ganon iyon. Hindi mo puwede gamitin ang ganoong style para umiwas sa committee hearing. Dapat naman pumunta si Secretary Reyes sapagkat kailangan sumagot siya sa alegasyon like it was naman last time , sumasagot siya.

Q: Tingin niyo gumaganti lang si Sen. Estrada sa paglabas ng witness against him

STLG: I think you have to ask Sen. Estrada about that not me.

Q: Pero iyong legal consequences sinasabi paano matutuloy ang hearing sa kanya kung mayroong kaso?

STLG: Hindi. Walang bearing iyon. Tuloy pa rin ang hearing.

Q: Idi-discuss daw ang travel allowances na natanggap ?

STLG: Hindi ko pa alam kung ano ang ilalabas ni Senator Estrada at Col Rabuza.

News Latest News Feed