Press Release
February 8, 2011

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero on the death
of Secretary Reyes

On deferment of investigation

.... Ito ay para mabigyan na rin ngpagkakataon hindi lamang ang mga senador at senado ganundin tayong lahat na magmuni-muni at magnilay-nilay tungkol sa mga kaganapang ito at nang malaman natin ang mga susunod nating gagawing hakbang. Magpapatuloy ang pagdinig sa darating na linggo at nagdesisyon yata ang chairman ng main committee na i-set yan late next, supisyenteng panahon na yan para sa amin na magawa ito at masagawa ito.

Original schedule is Thursday, so kailan ito?

Sini-set ng chairman ng main committee ng Friday next week.

So isang araw lang na-defer?

May mga hangarin pa sana na magset pa ngayon this week tulad na rin ng naging desisyon sa Kamara kung itutuloy yon o hindi, minabuti na namin na pagpasyahang next week na.

Final na yung Friday next week?

Sa ngayon, oo.

So merong talagang week-long deferral?

In fact more than a week yung deferment.

But this does not mean you're backing down...

Tuloy ang pagdinig at para mabigyan din nga tulad ng nasabi ko na pagkakataon tayo para pagnilay-nilayan ito patungkol sa direksyong dapat tahakin ng pagdinig pero nandon pa rin yung interes nating lahat para sa mas nakakataas na kabutihan ng sambayana, ng bansa at ganundin ng men and women ng Armed Forces of the Philippines.

With this development ano ang nakikita nyo na dapat magign direksyon ng hearing?

Patungkol pa rin sa reporma sa Armed Forces of the Philippines, tungkol pa rin sa mga dapat na pagbabagong mangyari at gawin at patungkol pa rin sa ikanga hindi personalang pag-alam ng katotohanan dahil nandyan naman ang husgado para tiyakin kung sino man ang dapat managot ay dapat papanagutin.

Dapat daw i-moderate yung proceeding sa mag ganoong imbestigasyon para walang masyadong nayuyurakang pagkatao...

Kasama yan sa pagninilay-nilayan ng senado at ganundin siguro ng Kamara sa mga darating na araw bago kami mag-resume ng pagdinig.

Sa tingin nyo sir too much nga yung pressure doon sa mga napapangalanan?

Individual at personal ne desisyon ang nangyari at ginawa ni dating Secretary Reyes at wala siguro kami sa lugar para kuwestiyunin o mag-isip pa ng ibang dahilan tungkol doon.

May statement si Cong. Mikey Arroyo na partly to blame daw yung mga politicians who demonized Secretary Reyes just for political capital...

May karapatan siyang sabihin yon kugn saka-sakali dahil marahil nakikita rin niya ang sarili niya bilang malapit-lapit nang tamaan ng ganyang uri ng pag-atake subalit para sa akin yung mga ganyang uri ng statement pamumulitika din yon o paglagay din ngkulay pulitika sa naganap, sana huwag nating gawin.

Sir hindi ba parang mas magiging mahirap na ngayon sa komite yung imbestigasyon considering na baka magkaroon ng apprehension na maulit itong pangyayaring ito?

Minsan mataas ang presyo ng katotohanan at minsan mataas ang presyo ng pagkakaroong n g tunay na reporma at pagbabago hindi lamang sa isang organisasyon pati na rin sa isang bansa. Tinitimbang palagi yon at dapat timbangin yan pero hindi naman dapat maging balakid o hadlang.

So sa next hearing mas magiging careful na kayo sa paghandle ng investigation...

Maingat naman ang paghandle ng, personal na paghandle ng imbestigasyon, gaya ng nasabi ko individual na desisyon ito at hindi dapat iliko, idikit o isama sa anumang kulay pulitika o balaking pulitika.

News Latest News Feed