Press Release
February 22, 2011

TRANSCRIPT OF SEN. DRILON'S INTERVIEW
Session hall

Q: (On SB 2186) Bakit may pangangailangan na magkaroon ng people's participation sa budget?

DRILON: Para po mapaigting natin an gating polisiya laban sa katiwalian. Kailangan po ang participation ng NGOs at people's organizations sa budget process. Itong linggong ito ginugunita natin ang ika-35 anibersaryo ng People Power sa EDSA at itong ating ginagawa na magkaroon ng NGO at people's participation sa budget process ay isang paraan para mabigyan natin nang halaga yung People Power power.

Q: Dati po ba sir kulang itong ganito?

DRILON: Dati kasi discretionary sa Kongreso kung imbitahin o hindi. Sa katunayan hindi pinapansin ang mga NGOs pagdating sa budget process at lalo na dun sa local government level. Itong partisipasyon ng NGO at people's organizations ay aming ilalagay sa batas hindi lang dito sa Kongreso kundi pati sa LGUs din para makita ng taumbayan hindi lang yung national budget kung hindi yung local budget dahil mas apektado sila kadalasan sa local budget ng probinsya o ng lungsod kaya ang participation ng NGO ay pati doon sa local government units.

Q: On Ligot tax case.

DRILON: ... Dun sa tax evasion, hindi ko alam kung ano na nangyari doon kaya isa sa aking hiniling na ipatawag sa Huwebes ay ang Department of Justice. Hindi ko alam kung anong status ng kaso.

Q: Humiling kayo kay Kim Henares to...?

DRILON: Oo hiniling ko kay Kim Henares at sinabi nya na they are now gathering the documents. But it would appear that even in the P135 million which is the subject of the forfeiture case is already the subject of the tax fraud case in the Department of Justice.

News Latest News Feed