Press Release
March 3, 2011

OPENING STATEMENT
By SEN. TEOFISTO "TG" GUINGONA III
Chair, Senate Blue Ribbon Committee

Ngayong umaga ipagpapatuloy natin ang ating tungkulin sa bayan na hanapin ang katotohanan at umpisahan ang malawakang reporma sa Armed Forces of the Philippine at sa lipunan. At nagpapasalamat ako sa pagdalo ng mga resource person natin dito. Naririto po kayo para tulungan kaming matagpuan ang katotohanan. Uulitin ko. Ang hinahanap natin ay katotohanan. At mas madaling makita ito kung tayong lahat dito ay malamig ang ulo, igagalang ang bawat isa at magpo-focus sa issues sa halip na sa personalidad. Mas madali nating makikita ang katotohanan kung magtutulungan tayo sa halip na magtalo-talo. Mas madali kung tayo ay magiging payapa at sasagot nang maayos. Mas madaling matagpuan ang katotohanan sa sibilisadong paraan. Umpisahan po natin...

News Latest News Feed