Press Release
March 20, 2011

TRANSCRIPT OF RADIO INTERVIEW WITH SEN. DRILON
Radio dzBB with Nimfa Ravelo

Q: Tungkol doon sa concerns ng marami, yung ating mga kababayan na naiipit sa Bahrain, Libya, Japan, meron ding mga gusto nang umuwi. Meron bang pera an gating pamahalaan na magagastos para sa kanilang repatriation. Sa Libya daw ang ginamit doon yung pondo ng OWWA.

DRILON: Merong sapat na pondo ang OWWA. Ang OWWA ay mahigit sa P13 billion ang hawak nilang salapi at meron din sa budget ang DFA, assistance to nationals, hindi ko na lang maalala kung magkano, but mas malaki yung pondo sa OWWA. Having said that, halimbawa sa Tokyo, hindi naman lahat ng gusting umuwi ay ililibre dahil sa kung ating naansin, yung mga Pilipina dun ay residents na dun at may asawang Hapon kaya hindi naman sila OFWs, hindi sila ang mga kababayan natin na pumunta roon para magtrabaho. Sila po ay settled na roon. Siguro nung umpisa sila ay OFWs ngunit sa katagalan ng panahon sila ay naging residents ng Japan at nakapag-asawa na ng hapon. They do not qualify as OFWs and they won't avail OWWA funds for OFWs. Yung owwa ay contribution ng mga OFW. Pag umaalis sila yung kanilang employers may binabayad na I think $25 na membership fee ng OWWA. Yan ay para sa mga registered OFWs. Marami sa ating mga kababayan sa Hapon do not fall into that category anymore kung sila ay nakapag-asawa ng Hapon at kung sila ay residents na roon.

Q: Meron pong distinction?

DRILON: Opo. Kung meron silang mga asawa ay boluntaryo naman na pauwiin sila dito kung gusto nila umuwi. Meron akong nabalitaan ng mga estudyante na gusto ring umuwi, hindi naman pwedeng sagutin lahat ng pamahalaan yan, may limitasyon din tayo. Pag nag declare ang ating pamahalaan ng forced evacuation, iiral ang polisiya na tulungan natin at bigyan natin ng libreng pag evacuate. Yan ay nakita natin sa kaso ng Libya OFWs, yan ay pinilit natin. Ganun ang sitwasyon hindi pwedeng lahat. Kasi may limitasyon ang ating OWWA funds. Parang SSS at GSIS yan in a certain sense na merong contribution at yung contributions sa OFWs.

Q: Kung sapat yung pondo hindi kailangang magpatibay pa kayo ng supplemental budget?

DRILON: Hindi kailangan. May sapat na pondo ang OWWA.

Q: Kung OWWA funds ang gagamitin, yung contingency fund hindi pwedeng basta-basta gamitin?

DRILON: Pwede ring gamitin ang contingency fund. Ngunit siyempre hindi pa dumarating ang rainy season, ang typhoon hindi pa dumarating. Habang may pagkukunan na ibang pondo, at yun naman ay sakop sa kanilang mandato, yung OWWA funds at assistance to nationlas fund ng DFA, dun natin titignan muna.

Q: Dun sa sitwasyon sa Libya at Bahrain, siguro sa Bahrain, tama ba na yung alert ay nasa level 2 pa rin, di pa inaakyat sa level 3 na kailangan ng voluntary repatriation o yung gobyerno na ang magbabayad. May mga concerns kasi na bakit kailangang hintayin pa ang gobyerno na mainit na ang sitwasyon, kagaya sa Libya, at saka tayo magliligtas ng ating mga kababayan.

DRILON: Mahirap naman na we second guess. Yung mga tao ng DFA, they are on the ground sila ang makapag assess kung ano talaga ang sitwasyon. Hintayin na lang natin kung ano ang maging desisyon. Yung people on the ground will be in the best position to assess. Halimbawa, itong sinasabi ng DFA na there is no reason to raise to level 3, we should not question their judgment. Wala naman silang motibo.

Q: Ano ba ang consideration para iakyat sa level 3? Pondo rin ba ang consideration don o talagang yung sitwasyon sa isang bansa?

DRILON: Hindi ko pa nakikita yung kanilang [assessment]. Hindi ko pa nababasa. Pero palagay ko yung sitwasyon sa isang bansa ang kanilang pinagbabasehan.

Q: Sa Libya, may naiwan pang mga 2,500 na mga kababayan natin, yung mga medical workers na ayaw umalis. Ngayon binobomba na doon. Sa ganitong punto hindi masasabi na kulang ang gobyerno sa pag asikaso?

DRILON: Tama po yan dahil sinabihan na natin na umalis sila, forced evacuation, pauuwiin natin nang libre. Ngunit kung sinabi nila na ayaw nilang umalis, hindi na natin pwedeng buhatin ang mga yan [papunta dito] sa Pilipinas. But we will extend some kind of assistance if anything happens to them.

Q: Kailangan sikapin pa rin po ng ating gobyerno na makontak yung mga yon.

DRILON: Opo at nakontak na sila ngayon e, sinabihan na sila. Ngunit it's their own judgment na hindi sila aalis.

Q: Sir yung hands-on approach ni Sec. Del Rosario--yung nagpunta siya ng Libya, pumunta ng Japan at balak pang pumunta ng Bahrain--makakatulong ba yun sa kanya na agad lusot na siya sa Commission on Appointments?

DRILON: Makakatulong sa kanya nang malaki. Our foreign policy is basically our OFWs, ibig sabihin ang ating polisiya ay yung kapakanan ng ating mga manggagawa sa labas ng bansa. Wala naman tayong sapat na standing in the economic community. Hindi maganda ang ating ekonomiya to be able to be a player in the world economic stage. Dun naman sa political, hindi naman ganun kalakas ang ating bansa to be able to influence political decisions. Kaya yung ating foreign policy revolves in OFWs. Kaya pagdating ng mga budget hearing sa Senado, tatlo lang ang ating tinatanong, 92 ang ating embahada at konsulada sa buong mundo. Palagi kong tinatanong ang DFA sa budget hearing, 'bakit ganito palagi?' Sa akin 3 lang ang standard to justify the presence in other countries: Unang-una, marami ba tayong Pinoy don? Yan po ba ay malaki ang atign trade relation, pangatlo, is there a political necessity kagaya ng ASEAN, America, China, Japan, Korea kung saan we are considered... our views as a country is also considered sa ASEAN. Maliban dito, dapat ma-minimize yung ating mga embassies. Halimbawa sa Europa, dun sa Hungary, South America. Kung saan-saan tayo. Wala naman tayong OFWs, wala naman tayong trade, walang political relationship. Bakit ang dami nating embassies and yet yung mga embassies kung saan maraming Pilipino ay nagrereklamo na kulang ang suporta sa kanila.. Ito ay isa sa mga kritisismo ko sa DFA. Konti lang ang ating pondo ngunit naka spread out tayo in 92 consulates and embassies and other offices. Parang ang dami nating perang panggastos ngunit ano naman ang ginagawa nyo? Yung sa Romania, Czech Republic, Hungary, Poland. Talagang nagpapatong-patong. Talagang hindi ko maintindihan, but I'm sure na si Albert del Rosario, kung inyong napansin ang center ng foreign policy ng bansa, unang una yung ating OFWs. Sampung milyon ang ating OFWs, so wala tayong ibang dapat unahin kundi ang ating mga kababayan.

Q: At sir challenge sa kanya na i-trim down yung embassies at consulates natin.

DRILON: That is correct para ang ating pondo ay mapagkasya natin at bigyan natin ng sapat na suporta ang ating mga kababayan.

Q: Pano po yung mga bansa na hindi naman kailangan ng ga tauhan, dun na lang sa mas kailangan ng tauhan sa Japan? May mga nag Facebook po sa akin na mga kababayan ko sa Laguna na sila ay pabalik-balik lang sa Tokyo, krisis o hindi krisis, parang 2-3 lang ang nag-aasikaso. Ang break time pa nila 12:00-12:30, tapos hanggang alas-3:00 lang sarado na.

DRILON: You experienced it firsthand. Just accept it, bakit naman tayo may embassy sa Romania, Hungary? Sa South America, sa Havana, Cuba, ano ang ginagawa natin don? Meron ba tayong OFWs don, wala? Meron ba tayong negosyo don? Wala. Meron ba tayong political presence don, kailangan ba? Hindi. There should be a strong review. Sa katunayan, may grupo ng retired ambassadors na sumulat sa akin at sinasabi na tama yung aking advocacy na dapat bawasan ang ating embassies na wala namang ginagawa. So this is one aspect of our governance that can stand a lot of improvement. Yung mga nakaraang mga secretaries, kahit anong focus natin sa budget hearing sa Senado, mga bingi lahat, hindi po naririnig. Ngayon umaasa ako kay Sec. Albert del Rosario na ito ay titignan.

Q: On postponement of ARMM polls.

DRILON: Nabasa ko ang statement ni Sen. Zubiri. Sa palagay ko he does not speak for the Senate. Sa pagkaalam ko ang aming Senate President ay si Sen. Juan Ponce-Enrile at kami ay nag-usap ni Sen. Juan Ponce-Enrile at sang-ayon siya sa pag-postpone sa aming pag-uusap. Sa pagkaalam ko ang President ng Senado ay si Juan Ponce-Enrile at hindi si Miguel Zubiri. It is Sen. Enrile who can make a better assessment of the sentiment of the senate.

Q: Sir ang tinutukoy niyo yung statement ni Sen. Zubiri na rough sailing ang pagdadaanan nitong panukalang pagpapaliban ng ARMM election at malabong suportahan ng majority ng senators.

DRILON: Opo. Ang sinasabi ko ang majority ng Senado pinamumunuan ng pangulo ng Senado hindi po ni Sen. Zubiri.

Q: Sir ang position ni Sen. Joker Arroyo, bakit daw po pakikialaman ng Malacanang ng Kongreso ang eleksyon sa ARMM. Kaya raw binigyan ng autonomy ay para may independence sila at sila na ang bahala sa kanilang lugar.

DRILON: Nung panahon po ni Gloria Macapagal-Arroyo, kung hindi ako nagkakamali, at least 9 times na postpone ang elections sa ARMM. Wala namang sinabi si Sen. Arroyo na hindi tama ang pag-postpone. At least 9 na beses na postpone yung eleksyon sa ARMM, mula pa noong panahon ni Pangulong Ramos at Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, madalas napo-postpone ang ARMM election. Ang sinasabi mo na bakit siya pinapa-postpone at di pabayaan ang mga tao sa Mindanao, ngayon may sapat na policy reason si Pangulong Noynoy sa pagpapaliban ng halalan at ito ay gusto niyang maging synchronize ang halalan. Sang-ayon po sa ating Saligang Batas, synchronized ang local at national elections. Kaya may basehan po si Pangulong Noynoy na ipagpaliban ang halalan ngayon para ma-synchronize sa 2013.

Q: Paano kung mismong mga tao sa ARMM kung gusto nila o ayaw nilang matuloy ang election doon?

DRILON: May konsultasyon na ginagawa. Ang pulso ng mga kababayan natin na an gating presumption ay nasa kanilang mga kinatawan. In this democracy, you elect representatives and your representatives are supposed to reflect the views of the people. Siyempre hindi mo naman isa-isang tanungin ang mga tao. Kaya meron tayong kinatawan sa Kongreso at Senado para sila ang magsasabi ng mga pulso ng kanilang kinatawan.

Q: Natanggap ba ang message ng Pangulo na certified as urgent ang postponement sa ARMM polls. May panahon ba para maaksyunan yun considering na hanggang Wednesday na lang ang session?

DRILON: Unang una basta maipasa sa House, may panahon pa kami sa Mayo. Manggaling sa House yan kasi that is a bill of local application. By tradtion, ang postponement ay manggaling sa Kamara. Sa pagkaalam ko pagbobotohan nila ang ARMM election postponement ay either Tuesday or Wednesday next week. Kaya kung maipadala sa amin, bago ang Wednesday, kaagad maassign sa committee on local government kay Sen. Bongbong Marcos, siguro ito ay mapag usapan during the break at the committee level.

Q: Sa bagay pwede po kayong mag public hearing during the break.

DRILON: That's correct.

Q: Sir eh di puno kayo ng trabaho sa may kasi baka meron pa kayong impeachment at itong ARMM.

DRILON: Opo. Ngunit sa aming caucus, aming napagkasunduan na ang legislative agenda namin ay patuloy na tatalakayin sa umaga ng Lunes, Martes at Huwebes. Sa hapon ang impeachment. Kaya patuloy ang aming legislative work.

Q: Eh di sir wala kayong oras sa public hearing kung impeachment ay hapon? O baka magbukas kayo ng Biyernes para sa public hearing?

DRILON: Baka magbukas kami ng Biyernes para sa public hearing.

DRILON: By the way naipasa na natin yung GOCC bill on 2nd reading last Wednesday. Sa Lunes, ipapasa na ito on 3rd reading. Ito ay magandang achievement ng Senado dahil maayos na natin ang kalokohan sa GOCC kagaya ng lumalabas sa MWSS, SSS. Magkaroon ng po ng permanent solution hindi na dependent on each administration kung ano ang gagawin. Nakalatag na ang polisiya ng pamahalaan tungkol sa GOCCs.

Q: Maganda yan at isa pa yan ang unang pumutok na issue pag-upo ni President Noynoy. Sinabi niya yung sa MWSS. Mas mabuti ito sir na meron nang batas.

DRILON: Tama po yan at palaging sinasabi ng ating mga kababayan, kami ay imbestiga nang imbestiga wala namang nangyayari. Dito po pinakita natin na ang aming imbestigasyon in aid of legislation at ito po ang resulta n gating pag imbestiga dun sa pag abuso ng GOCCs at nalagyan natin ng maayos na probisyon para di na maulit itong pag abuso nila sa pamamagitan ng GOCC Governance Act of 2011.

Q: May counterpart na ba sa Kamara yan?

DRILON: Opo. Si Speaker Belmonte mismo, Cong. Abaya, Cong. Rufus Rodriguez at Majority Leader Neptali Gonzales jointly filed the House version. Ito po siguro bago mag Hunyo maging batas na ito.

News Latest News Feed