Press Release
May 31, 2011

Press statement of Senator Ramon Bong Revilla Jr.

Bilang Chairman ng Committee on Public Services ay naatasang tayong tiyakin kung ang transaksyon sa pagitan ng PLDT-Smart at Digitel ay pabor o hindi sa mga subscribers. Nais nating masiguro na ang interes ng mga telephone at cellular subscribers ay napoprotektahan.

Sa inisyal nating pagdinig, nilinaw natin kung ano ang maaasahan ng mga subscribers sa share-swap deal na ito- kung anong mga pagbabagong mangyayari. Partikular nating tinanong kung mawawala o mababawasan ba ang free unlimited promos ng mga telcos.

Isang isyu rin kung may mga nalabag na batas sa transaksyong ito, na siya namang higit pang pagtutunan ng pansin sa mga susunod na Committee hearing natin.

Tinatawagan din natin ang NTC na maresolba ang isyu ukol sa interconnection. Ayon sa kanila ay pinag-aaralan na nila ito ngayon kaya hiling nalang natin ay maresolba ito, mabigyan ng solusyon sa lalong medaling panahon.

News Latest News Feed