Press Release
June 2, 2011

TRANSCRIPT OF SEN. CHIZ ESCUDERO OF KAPIHAN SA SENADO

On Ombudsman:

Na publish na yung list of nominees and applicants about two weeks ago the public was given 15 days from the time to submit their comments, criticism, opposition to appoint the applicants of nominees inaasahan namin na interview na gagawin ng JBC second week of June and hopefully by July 4 we will be able to submit a list to the president to wherein to choose the next ombudsman at mabibigyan ang presidente na hindi ipapapasa sa isang buwan para pumili at piliin kung sino ang susunod na ombudsman dahil ang 90 days period which limit to the vacancy when ombudsman Gutierrez resigned lapsed on August 04.

Are you talking about the short list?

The short list already hopefully, we will be able to submit and finalize it by July 04 that's the time table will response to the member of the JBC. Minimum of three pero walang sinasabi na maximum sa ilalim ng batas at saligang batas.

Endorsement of P-noy towards Justice Carpio?

Wala akong narinig na ganun at walang pormal na komunikasyon mula kay pangulong Aquino kaugnay ng bagay na iyan. Hindi ang proseso ng JBC ang pag appoint ng Ombudsman hindi ito dadaan sa commission on appointments mula sa JBC diretso na itong pagppipilian ng Pangulo kung sino ang pipiliin at itatalaga niya kung sino ang I aapoint niya at wala ng ibang proseso o maraming pagdadaanan pa. after JBC pangulo na pag appoint niya uupo na at susumpa na lamang walang indikasyon personally at sa ibang miyembro ng JBC na may ganyang pinapaboran ang pangulo na pabor kay Justice Morales na sa ngayon ay hindi pa nagreretiro bilang miyembro ng Korte Suprema.

Yung Interview po ba open for the Public at sa media?

That is open to the public open to the media, however it cannot be recorded live bukas sa sinomang nais na mag attend bukas sa nais na sinomang magbato magpukol ng katanungan para itanong ang isang miyembro ng JBC ang bawal lamang ay yun live coverage ng interview.

When is the publication of the list?

Hopefully will be able to give the list by July 04 and is one month to choose the next ombudsman because the 90 day period from the time of the vacancy of the lapsed on august 04. Not less than three by law he can be as many by five or eight ang pinakamahaba na nakita ko sa listahan ay walo. Pero ang pinaka konti hindi bababa ng tatlo.

Ilan po ang applicants?

There are 26 qualified applicants and or nominees, nominees or accepting nominations disqualified the requirements of qualifications and disqualifications under the constitutions

Ano na ang status ng ARMM?

Nag sponsorship speech na si Sen. Drillon, nagsimula na ang interpolation of debate at inaasahan naming na magpapatuloy ito hanggang sa darating na lingo.

Is there any possibility to postpone the ARMM elections?

Hindi naman porket malapit o magkaibigan ay iisa na ang pananaw at prespektiba may trabaho at dapat gampanan ang pangulo bilang pangulo ng bansa at may trabaho rin naman kaming dapat gampanan na kinatawan sa senado sa abot ng aming makakaya at kaalaman pinagsisilbihan namin ang aming mga kababayan at ginagampanan ang aming tungkulin possible naman na magkaiba ang aming pananaw kaugnay sa particular at specific na mga issues kabilang na ang ARMM postponement bill.

Not postponing the bill without the constitutional.

Nagulat ako sa sinabi ni Senator Drillon dahil bago at unang beses ko mapakinggan ang argumentong constitutional kung ipagpapatuloy natin ang eleksiyon sa August 8 dahil yung RA. 9333 ay unconstitutional this are new and noble argument raise in support of the bill support the ARMM elections. its not for any individual senators its not even for senate and congress to declare a law cast to be unconstitutional under the constitutions its only the supreme court to empowered not even individual or single justice but entire court who can declare a law to be unconstitutional at kung unconstitutional talaga itong batas na ito sana imbes na finile petisyon sa korte suprema ang inihain at finale nila dahil hindi naman siguro tama at napapanahon ang tamang lugar na I raise bilang argumento bilang mapasa ang bill na unconstituonally na unang ipinasa ng Kongreso.

You're in the Marawi Hearing mostly the ARMM governors opposing are against?

Lumalambot at nagbabago ang posisyon ng ilang opisyal ng ARMM marahil dahil na rin sa pagsuyod ng administrasyon sa kanila pero para sa akin basic para sa isang demokrasya dapat mabigat at matindi ang rason bago natin tanggalin sa kanila ang kapangyarihan at karapat pumili para sa mga sarili nila kung sino sino ang kanilang magiging leader nagkakagulo sa middle east at Africa sa mga muslim na bansa dahil walang eleksiyon doon. Dito kabaligtaran ang sinasabi nila magkakagulo daw pag magkaka eleksiyon medyo mali at di tama ang ganung pananaw.

Kung yung pag argumento ang gagamitin yun ang pag convince lamang sa ilang miyembro ng kasamahan naming pero maliwanag sa batas walang kapangyarihan ang sinumang senador maski ang senado na ideklara na unconstitutional ang isang batas by implications dahil ba implications lamang ang sinasabi nila na dahil may naunang decision ang korte na nagsasabi na synchronized daw ang election therefore by implications ang ipinasa ng kongreso ay 9333 ay unconstitutional din bagaman walang decision ang korte na particular na unconstitutional ang 9333.

Maliwanag naman na dapat daw ay linisin ang voters list pupuwede naman na magawa ito na nagdaang taon na hindi naman sinususpindi ang halalan. Na ipatupad daw ang special audit report puwede naman gawin yan maski matuloy ang election na I abolished yung 41 private ARMM groups bakit hindi nila ginawa yun lst year pa bakit kailangan pang maghintay ma postpone ang election bago maisagawa yan na magpepersonal audit daw at kakasuhan yung mga opisyal kahit sa ilalim ng batas ngayon puwede suspindihin ng pangulo na hindi tatagal ng anim na buwan ang sino mang opisyal ng ARMM na matatagpuang nagkasala lumabag sa batas o nagnakaw lahat ng reforms na nais na gawin ng DILG puwedem naman magawa matuloy man o hindi ang halalan.

Mas marami bang senador ang sumusuporta o nadismaya?

Hindi ko alam at hindi ko kayang magsalita para sa aking mga kasamahan ang sinasabi ko lamang ay maliwanag naman na hindi argumento at walang kapangyarihan ang senado na ideklara ang unconstitutional ang isang batas ito marahil ang posisyon o interpretasyon ng isang miyembro pero hindi nangangahulugan na automatic na ito nga'y unconstitutional supreme court lamang ang puwede magsabi niyan.

Ang jurisdiction ba ng committee nawala after the retrieval ng Committee Report ?

Pareho pa rin ang proseso ng pagpasa ng bill pagkaiba lang walang committee report ito. Katulad ng pag dis charge ng committee katulad ng isang pagbuhay muli ng isang committee report na napadala sa archives ito wala ng covering ng committee report senate bill na lamang ang pagdedebatehan ng period of interpolation ng period of amendments bago ito pagbotohan ng second and third reading to answer directly labas na at wala ng kinalaman ang komite dito sa bill na tinatalakay at ini isponsor ng author mismo na si senator drillon.

Napag usapan na naming ni Pangulong Aquino ang posisyon ko tungkol sa bagay na ito bago pa man ito na certify sa LEDAC meeting. Pinagbigay at nasabi ko na at inar gue ko na ang posisyon ko kaugnay sa pagtutol ko sa pag postpone ko ng ARMM election and it was before the bill is certified in the corresponding meeting three months ago.

Kung mag iissue ng TRO ang korte suprema maliwanag na tigil yun at kung yun naman ang opinion at pananaw nila noon pa at itoy hindi bago at naisipan lamang after the fact mas madali sigurong gawin yun kesa dumaan sa mahabang proseso ng lehislasyon dagdag pa siguro dito, nadismaya ako yun sinabi nila na dinahan dahan nila ang proseso na inaprubhan ng kamara ang bill na nagpopostpone sa RMM election rason para maging manual na ang halalan ang batas ay sinasabi na tuloy ang election sa August 8 hanggat walang batas na inaaprubahan na nagsasabing postpone yan . comelec should assume na tuloy talaga ang halalan at hindi yan mapopostpone ang masakit ngayon gagamitin pa ng mga nagsususulong ng postponement na tingnan niyo manual naman na election baka madumi na naman yan dapat talaga mapostpone at hindi kayang I automate. Hindi ko pa nakikita ang version ng bill I think there about four five versions in the house of representatives.

Maliwanag na probisyon sa anumang uri ng abortion. Number 2, nais ko passive ang gobyerno. Ibig sabihin nasa likod lamang ng counter. Hindi nagbebenta at lumalabas sa likod ng counter para isulong ang partikular na pamamaraan ng contraception. Pangatlo, gusto ko maliwanag sa bill na walang pakialam ang gobyerno at ang simbahan sa anumang nagaganap sa loob ng silid ng mag-asawa. At pang-apat, kung magkakaroon ng sex education sa eskwelahan, hindi mas maaga kesa first year high school ang pagtuturo niyan sa mga eskwelahang pampubliko. Apat na bagay na hahanapin ko sa bill. May isa man doon na mawala, maaaring hindi na ako sumuporta sa bill na iyon.

Pero baligtad ano. Sa RH Bill obvious naman ang intervention ng Church. Sa Divorce Bill

Hindi ba gobyerno naman ang nakikialam sa simbahan kasi naririnig natin lagi ang linya na "what God has put together let no one put asunder" di ba?

A marriage is a social contract both from the eyes and laws of God as well as from the eyes and laws of man. Kaya dalawa ang kontrata ang pinipirmahan at pinapasukan. Kaya kung sino man ang nais na magpawalangbisa sa kasal kailangan kumuha ng pagpa pawalangbisa mula sa gobyerno o sa korrte at sa simbahan din. Magkaiba ang Batas na sinusunod at magkaiba ang mga kapangyarihan ng magdedesisyon kung nais ipawalangbisa ang kasal.

Pero magastos iyon. This early, ano nga ang concept ng divorce natin? Merong alimony?

Anong ibig sabihin ng alimony?

Gagatasan ang asawa..sustento.

Under the Philippine Law, under the Family Code, hindi totoo ang sabihing walang divorce o walang pagpapawalangbisa ng kasal. Essentially, under the old law, ang pagkakaiba ng annulment sa divorce ay ito: ang divorce as we understand it in other countries pwede mong gamiting ground ang nangyari pagkatapos ng kasal para ipawalangbisa ang kasal. Ang annulment, pwede mo lamang gamitin ang ground na existing noong kinakasal kayo at hind pagkatapos ng kasal. Halimbawa, walang authority ang pari na ikasal kayo. Halimbawa, shot gun marriage at titnutukan lamang at vitiated ang consent ng isa sa dalawa. So dapat ang nangyari at the time of the wedding o present at the time of the wedding. Ang Pilipinas unique ang batas. Sa ilalim ng Family Code, may ground na nilagay doon for annulment of marriage. At ang ground na ginamit, nakalagay sa batas, "it must be existing at the time of the marriage." And this is the catcher, "although it became manifest after the marriage." So medyo hybrid ang ating batas sa ngayon at hindi maliwanag na tulad ng diborsyo sa ibang bansa o simpleng annulment lamang sa ilalim ng lumang Civil Code.

Isang feature ata ng divorce is that if you're given a divorce, you can right away remarry hindi ba?

Meron tayong ganoong probisyon ngayon sa Family Code under Article 26 pero available lamang iyan kung banyaga o dayuhan ang one of the spouses. So halimbawa, Amerikano ang isa at Pilipino ang isa. Nagsecure ng divorce ang Amerikano sa Amerika, automaic effective ang divorce sa Pilipino o Pilipinang asawa dito sa Pilipinas. If that divorce decree in the States obtained by a foreigner would capacitate him or her to remarry, the same rights would be given to the Filipino or Filipina spouse here in the Philippines .

Follow up sa ARMM election. After voting supposedly, magsi- sine die na, kailangan mag- bicam. So we lead a need a special session to be called by the president kasi sine die ito it's not an ordinary break.

If I were to put my place on the place of the majority who is pushing for the bill, ang papagawa ko na lamang sa House of Representatives, ipapa-adopt ko ang Senate version sans a bicam.

Para wala nang bicam.

So as soon as maaprubahan ng Senado dito ang third and final reading, sasabihin na lamang sa House of Representatives: "you take cognizance of the approval on third reading of Senate Bill blah, blah, blah in relation to House Bill number so and so and the House hereby adopts in toto the Senate version sans a bicam.

Would you agree?

Hindi na ako myembro ng Kamara. It's the House who will do it. If the House accedes and adopts the Senate version, walang choice naman ang Senado doon. At clearly may defective provision naman talaga sa approved House Bill at Senate Bill. Inamin nina Sec. Llamas, Robredo, at Delles iyon sa hearing namin. Meron silang kinopyang probisyon sa R.A. 9333 na walang lugar doon sa inaaprubahang bill ngayon. Kailangan naman talagang amyendahan.

Kung hindi magkaganoon, special session pa rin?

Malamang mag special session o maghihintayan because they can theoretically sine die stop the clock although nagse-session pa. Ang legislative hour, pwede mong i-extend by stopping the clock.

on the record it is still 12 midnight kumbaga.

Q: ________

337 days pa lang at hindi pa umaabot ng 365 days. Bilang na bilang.

How many days until June 30, 2016?

Hindi ako nagbibilamg niyon, baka iba. Ito na lang siguro masasabi ko, malaking panghihinayang ang mga nawalang cabinet members ni Pangulong Aquino. Ang mabibilang ko lamang ay sina Sec. Romulo at Sec. De Jesus. Malaking kawalan at panghihinayang sa parte marahil ng marami na hindi na sila kabilang sa gabinete ni Pangulong Aquino. At least in so far as Sec. De Jesus is concerned by June 30. Kaugnay ng sinuman ang dapat palitan, iisa lamang ang gagamitin ko sanang basehan at nasabi ko na rin ito noon: bakit tumataas ang survey ng mga cabinet members? Bakit bumababa ang survey ng pangulo? Sana kung alter ego at one team talaga sila, kasabay ng pagtaas ng survey ng Pangulo ang survey ng cabinet member. Kasabay ng pagtaas ng survey ng cabinet member ang survey ng Pangulo dahil alter ego at one for all, all for one naman sila. Ang lumalabas kasi madalas, kapagka mali at masama at pangit, ang pangulo ang natuturo at nababalingan ng sisi at bintang. Kapagka tama at maganda, minsan hindi naibibigay sa Pangulo ang kredito ng kanyang mga cabinet members. Dahil sa disjoint. And I hope the cabinet members of the President will do him that service of giving him credit where credit is due dahil maski na gaano kaganda o tama ang ginawa nila buti inappoint sila ni Pangulong Aquino. At kung pangit o mali naman ang ginawa nila, sila ang gumawa niyon at hindi ang Pangulo, sana balikatin naman nila.

Dahil sa malawak nilang karanasan sa pamahalaan at dahil sa expertise at malinis na pang-go-gobyerno sa kani-kanilang departamentong dinala nila. In relation to the 2 cabinet secretaries, wala naman tayong masasabing may singaw o alingawngaw ng corruption. Wala rin sigurong duda sa kakayanan at karanasan nila na panghawakan ang mga departamentong hinawakan nila. Sana kung sinuman ang papalit kay Sec. De Jesus ka-level din ang karanasan, ka-level din ang integrity at malinis na paghawak sa departamentong hinahawakan nila.

Hindi pa natin alam ang tunay na dahilan ng pagbibitiw ni Sec. De Jesus. Marahil pag malaman natin mas makakapagsabi tayo ng dahilan kung iyan nga ba ang ugat o hindi. Pero para sa akin sa dulo hindi nman siguro tama na sabihin na may power struggle sa loob mismo ng Pangulo. Siya lang naman ang mag-dedesisyon niyan. Anumang grupo ang nagtutulak o humihila pabor o kontra sa partikular na appointment, pangulo pa rin sa dulo ang magpapasa at magdedesisyon.

...connection? that is hypothetical at this point in time. Pero isa ang maliwanag, 337 days hinihintay pa rin natin na maski isang PPP aktwal na mai-launch at sana bago mag-SONA ang pangulo.

info on Sen. Mar Roxas ang next ...

Desisyon ng Pangulo iyan dahil maraming nagkomentaryo, hindi ako kasama doon ha, na marahil magkakaroon konting problema kung magkakasama-sama ang ilang opisyal ng Pangulo sa Malacanang. Marahil viable option iyan sa parte ng Pangulo para maiwasan ang diumanong magiging bangayan kung ma-a-appoint sya sa orihinal na pwestong binabalak sana ng Pangulo.

I got a statement from Spokesman Lacierda that they are now in the process of fine- tuning the functions to be given to Mar Roxas. As Chief of Staff ang dami niyang flack na natanggap towards that. Dadaan ba ng CA iyon?

Hindi dadaan ng CA ang Chief of Staff maski na bigyan siya ng cabinet rank ng pangulo. Ang dumadaan lamang sa Commission on Appointments ang line departments ng executive branch at hindi ang binibigyan lamang ng cabinet rank katulad ng Chief of Staff.

So ang mga criticisms, flack and comments about Roxas being named Chief of Staff is moot and 'epidemic.'

Kung meron mang ganoon hindi iyan ma-e-air o mave-vent sa Commission on Appointments dahil hindi naman dadaan ang ganyang uri ng appointments sa Commission on Appointments.

News Latest News Feed