Press Release
July 6, 2011

SENATOR TG GUINGONA TRANSCRIPT OF PRESS CONFERENCE
AFTER THE HEARING ON PCSO

STG: So far ang nangyari ngayon na established natin ang dapat na batayan sa mga donations for the religious sector whether it is proper or improper, ang batayan dapat ay yung layunin o paggamit ng pondo. Kasi kung ang layunin para isulong ang isang relihiyon ay hindi tama iyon . pero kung ang layunin para sa charitable, para sa ibang purpose na hindi para sa isang relihiyon, puwede iyon. So kailangan tignan natin ang circumstances of each donation with each diocese. Naprove natin na mayroon talagang corruption sa PCSO sapagkat lumabas ngayon na mayroon 1.5 billion based on estimates that are alleged as kickbacks from advertisements placements. Malaking nawawala sa income ng PCSO sa charity fund sapagkat minamandohan sila ng mga batas na magbigay sila na wala nama connection sa mandato ng PCSO. Remember ang PCSO is charitable institution pero binibigyan niya ng pondo pati ang Philippine Crop insurance, CHED at iba pa na hindi naman konektado at kumakain ito sa pondo ng PCSO. Ang ibig sabihin nito na ang pondo sana na makakatulong sa taong gipit ay hindi sila natutulungan sapagkat napupunta sa ibang bagay. Klaro kailangan amyendahan ang charter ng PCSO para maging tapat siya sa mandato.

Q: Kailan ipapatawag ang mga bishops? Sinu-sino ang ipapatawag?

STG: We will invite them after tomorrow. All those named by the PCSO , we will invite them.

STG: It is not clear except for the one of Bishop Pueblo where the board resolution stated that it was upon the approval of the President.

Q: Pero anu-ano ang mga iba pang agencies ng government ang nakikinabang?

STG: Andiyan sa COA report. Mayroon pa sa shelter agencies

Q: Subpoena na ba agad?

STG: Oo, subpoena na ang ginawa namin. Subpoena na kaagad in view of the gravity of the case.

Q: Ilalagay ba sa watchlist BI? Including Garcia? Uriarte?

STG: Yes. Including Garcia and Uriarte. I just signed the letters just now so it is being delivered.

Q: This means na lusot ang mga bishops kung mapatunayan na charitable yung ginawa nila?

STG: Ang batayan kung ang paggamit ng pondo para sa charitable or non religious ang layunin puwede po iyon .

Q: Mapapabalik ba if ever na mapatunayan?

STG: Wala sa amin iyon yung kapangyarihan na iyon. Nasa executive branch na iyon.

STG: We have to take into account all pieces of evidence. Yung iba may letter, yung iba may second letter at may board resolution. May iba-ibang pieces of evidence for each case. We have to take it into account.

Q : Yung kay Quisimbing ay birthday gift eh.

STG: Yes, we will have to evaluate that.

Q: On PGMA as approving authority in PCSO.

STG: Hindi pa naming natake up iyon spagkat tatawagin pa naming si Uriarte . Let's take that up later .

Q: May sagot na ba sa subpoena sila Uriarte?

STG: We're just delivering it now.

Q: Ball part figure on how much PCSO funds were lost?

STG: We cannot give a ball part figure because there's so many issues that involves several years . Iba-ibang year, iba-ibang issue.

Q: Yung ad placements?

STG: Yung ad placements ay a total of 4 Billion over several years.

Q: Yung intel fund ?

STG: Yung intel fund 150 million yung pinag-uusapan in one year.

News Latest News Feed