Press Release
July 8, 2011

TRANSCRIPT OF RADIO INTERVIEW WITH SEN. FRANKLIN DRILON
Radio dzMM / Tambalang Failon at Webb

Q: Nawala momentum. Bakit next Wednesday pa ang hearing? Baka iba na si Uriarte, napagsabihan na.

Siguro ibig ni Sen. Guingona na magkaroon ng panahon para tignan muli ang mga dokumento at mga testimony na nasa Blue Ribbon na, in order to assess kung ano po ang susunod na hakbang in terms of the evidence na kailangan nating ilabas. Kaya he asked for a few days para magkaroon ng panahon to review the testimonies so far.

Q: Ako lamang din bilang nag-oobserba, parang yung momentum parang huminto. Actually nga kahapon sabi ko i-marathon kasi andun yung Manny Garcia...

Si Manny Garcia babalik naman e at mga dokumento di mo naman pwedeng palitan kaya kahit mag practice ka muli. Si Uriarte sigurado nag-practice yun pero mukhang wala namang nangyari sa practice nya.

Q: Sa harapan ni Pres. Arroyo pinirmahan yung 'ok' na yon. So meron na ngayong testigo kasi nung una, parang magkakaiba yata yung mga itsura ng pirma.

Sinabi ni Sen. Enrile for the record mukhang magkaiba ang pirma sa isang dokumento at pangalawang dokumento as far as the signature of Pres. Arroyo is concerned. Tama nga naman mukhang magkaiba kaya tinanong ko nang diretso: 'Bakit personal ang pirma ng Pang. Arroyo? Mukhang di dumaan sa proseso. Wala man lang bar code.' Sabi nya 'sa harap ko pinirmahan yan e'. Kaya inamin nya at siya mismo nagbigay ng impormasyon na pirma ni Pang. Arroyo iyon. Kaya pagdating sa husgado, hindi na po kailangan na i-prove mo pa na pirma ni Pang. Arroyo yon. Yung mismong nakakita, sinabi na pirma ni Pang. Arroyo yon.

Q: Para siyang si Clarissa Ocampo. Kasi nga kung ito ay dokumento na naka-address sa Presidente, dadaan sa executive secretary, may mga initials pa yan, may bar code, officially received by OP.

Sa katunayan merong 2 sulat, maliban dun sa apat, na ang executive secretary ang pumirma at sinasabi 'the request for intelligence fund is hereby approved'. Si Eduardo Ermita ang pumirma.

Q: Talaga ho bang close sila ng dating presidente dahil meron syang direct access sa kanya.

Balikan ko lang yung sinabi niyo sa umpisa na sana may mangyari dito. Unang una ang purpose ng investigation na ito ay exercise of our oversight function. Ibig sabihin for check and balance, pwede naming ipatawag at ipadinig sa taumbayan kung ano ang nangyayari sa pamahalaan. Dahilan dito pwede pong gamitin at dapat tungkulin ng Ombudsman na magsampa ng kaso. Wala sa kapangyarihan ng lehislatura, ng Senado o ng Blue Ribbon na magsampa ng kaso. Ang aming papel dito is to expose the anomalies for the public to appreciate and in exercise of our oversight function. Ngunit ang ebidensya kagaya ng fertilizer scam, ibinigay ko sa Ombudsman. Unfortunately di nakuha ng Ombudsman. Kami po ang sinisisi sa Senado. Pangalawang layunin ay magkaroon ng corrective legislation. Kaya dito sa ating nakikitang testimony, dapat talagang baguhin ang PCSO charter at ako po ay pabor to privatize the lotto operations. Para yung mga intel fund wala ng question diyan. Bahala na ang private sector. Let us bid out the lotto operations. Let us get a definite franchise fee after bidding. Kung si Ted Failon nagbid ng $1 billion to operate lotto bawat taon, bahala ka Mr. Failon kung anong intelligence fund na inyong gagastusin. Basta ang gobyerno merong isang bilyong franchise fee.

Q: Taon-taon bayaran mo.

Opo. Leave the operations.

Q: Lugi ka man o hindi bayaran mo kami.

Ikaw bahala kung pano ka kumita. The government only becomes a regulatory agency para proteksyonan ang tumataya sa lotto. Hindi na ang gobyerno mismo ang magbobola ng lotto. Leave that to the franchisee. Magbabayad ang franchise holder ng definite amount not based on sales, kung magkano ang bid, that is the fee regardless or whether or not the franchise holder makes money. Kung ano man ang gagawin nya, sa kanya yon. Ang papel ng pamahalaan is to see to it that lotto is properly operated.

Q: Yan ba ay ipo-propose nyo sa PCSO charter amendments?

Yes. In fact sa binuo nating GOCC Governance Act, merong kapangyarihan ang GOCC Governance Council na i-privatize ang isang GOCC. Kung sa tingin ng GOCC Governance Council, with the approval of the President, ay may sapat na dahilan na i-privatize ang isang GOCC, sila ay may kapangyarihan sa ilalim ng GOCC Governance Act na ating ipinasa.

Q: Ang PCSO di lang lotto, meron ding sweepstakes.

Lahat yan. Lahat ng sugal because iisipin mo bakit ba sumasali ang pamahalaan sa sugal? In order to raise funds. Ang PCSO, sweepstakes, horse racing... for the purpose of providing medical needs of the indigents. It is not operating lotto per se. It is operating lotto in order that the funds that are generated from the lotto operations can be used for the medical needs of the poor.

Q: Yan ho bang binabanggit nyo ay probisyon sa GOCC Act? That can already do that? Hindi na kailangan ng amyenda sa charter ng PCSO?

Pwede na po sa GOCC Governance Act ngunit wala pong hadlang na ang Kongreso sabihin natin 'ito ang deadline. Bago matapos itong administrasyong ito dapat i-privatize nyo.'

Q: Siguro po long shot yan pero major major nga po yan. Palagay ko baka kailangan ng isang body to study kasi nga baka ang pag-offer sa private sector... puhunan yan, kailangang kumita. Baka naman walang bumili kung mahal.

But conceptually, dapat i-privatize.

Q: How about Pagcor?

Ganon din. We should privatize it. Ako po'y naniniwala na mas maayos ang pagtakbo ng pamahalaan kung i-privatize ito so long as the bidding for the amount na dapat kunin ng gobyerno ay maayos.

Q: Para kung humingi man ng pera sa sugal, wala nang papel ang gobyerno. At kung mangyari yan, wala ka ng problema so hindi na pag-uusapan ang problema sa thermal paper, problema sa ad agency...

Hindi na pag-uusapan kung ilang ambulansya ang nandun sa iisang probinsya. Ilagay mo sa DoH, PhilHealth para you remove discretion. Alam mo ang corruption, pag nagbigay ka ng malawak na discretion sa isang opisyal, chances of corruption is always there.

Q: I totally agree. Intel fund, ano po ang grey area diyan? Sabi sa hearing mas malaki pa ang intel fund ng PCSO kesa sa AFP... parang walang public audit.

Unang una hindi public ngunit may audit. Ang sistema ng audit kung ako po ang may kapangyarihan na gumastos ng intel fund kagaya ni Uriarte, sasabihin ko 'payment to Pinky at Failon P325 million.' Pipirmahan ko, seselyuhan ko, ibibigay ko kay CoA chair Villar. Pag binigyan ng credit memo tapos na ang kwento insofar as CoA is concerned. Ngunit hindi ibig sabihin na tapos na ang kaso. Kung mapatunayan na hindi naman binigay kina Ted at Pinky yung P325 million, may pananagutan sya. Kaya yun ang kailangang ipakita na ebidensya sa P325 million na kanyang ginastos.

Q: Binabanggit din ni Sen. Lacson sa PNP pag meron kang intel operation kailangan ng intel fund, meron kang intel proposal muna. Ano ang gagawin nyo nakadetalye at yung cost ng operation.

Nasa CoA requirement po yon.

Q: I presume after ng operation, merong after operation report. Hindi ba ho nire-require kung saan ginastos yan--pagkain, gasolina.

Ni-require po yan ng CoA. Nung last few weeks of the Arroyo administration. Sumulat ang CoA at hinihingi lahat nang ito at ang sinasabi ni Uriarte ay binigay niya lahat kay GMA.

Q: Hand-delivered at walang siyang kopya.

Sinabi nya kahapon yan. Yan ang mga indications na talagang nagsisinungaling si Uriarte dahil incredible yugn kwento. Sa aming mga abugado, evidence must be consistent with human behavior. Yan ang cardinal rule.

Q: Ano ho ang questionable.

It is not consistent with human behavior dahil merong patakaran e. Alam po niya yan na ang patakaran ibibigay mo ito sa CoA. Wala namang opisyal ng gobyerno na nag-a account kay Pang. Arroyo except on political matters. Hindi ka naman nagsa submit ng accounting mo sa kanya e.

Q: Baka naman ang isip ni Uriarte ay mas mataas naman si president kesa kay Chairman Villar.

Ang CoA is a constitutionally independent body. Hindi po nagrereport sa president yan.

Q: Naalala ko sinabi nya kahapon dinala nya sa Office of the President. I don't remember her saying 'I hand delivered it to the President.' What do you remember sir?

I don't remember. Your recollection may be correct that she brought it to the OP. kung nasa OP ang sinabi nya, unang una mali pa rin yon. Pangalawa kung nasa OP e di nasa record yon. Madaling hanapin.

Q: Tinanong yata ni Sen. Escudero' was it received? Parang lumalabas walang received.

Yan ang sinasabi ko na indication that that is not consistent with what ordinarily you should do.

Q: My point is pag ganun ang sinabi ni Uriarte, mahirap hanapin na ang dokumentong yon if in case it existed.

Tama. Pananagutan niya yan. Ibig sabihin wala talaga silang accounting.

Q: Pero yung perang ito, siya ang disbursing officer.

Tama po yan may board resolution na sya ang disbursing officer.

Q: May paper trail po ba ito na sya ang nag issue ng tseke at sya nagpa encash.

Tama. Ang tseke nakapangalan sa kanya. Siya ang pumirma sa harap, sa likod sya ang pumirma. Talagang kinuha sa bangko in cold cash. Itong pinakahuli P13 or P14 million in the last 2 weeks of June. Pero yung total dun may tseke na inendorse nya is about P198 million.

Q: Meron bang mga retired military officers sa PCSO pero posible na baka ito ang in charge ng kanilang intel fund. Wala ho bang ganung usapan sa executive session?

Wala pa namang executive session e. Ngunit sabi ni Uriarte siya mismo nagbibigay ng pera sa assets.

Q: Kung ikaw meron kayong intel work, ikaw mismo na GM ang nakikipag usap dun sa field officers mo na kausap mo... klaro ho ba na wala silang papel, intel paper work man lang na pinagbabasehan ng kanilang kilos at galaw?

Wala kaming nakita kahapon, walang isinumite. Walang programa. Talagang yun po ay nakakapagtaka. Dahil dito hindi maiiwasan na isipin namin Senado at ng taumbayan na ginamit ang pera hindi sa intel projects kundi sa ibang bagay kung hindi man binulsa.

Q: Kung hindi makapagbigay ng ibang dokumento na nagkaroon talaga ng intel work, ano ang maaring kaharapin ni Uriarte?

Plunder. A series of transactions at mahigit sa P50 million. Ako ay nananawagan sa Ombudsman na umpisahan na ang kanilang imbestigasyon. Sa tingin ko may sapat na ebidensya na inilabas sa Senado para umpisahan ang kanilang imbestigasyon.

Q: May interparliamentary courtesy kay Pang. Arroyo. Kayo ho ba'y magtatangka man lang na imbitahan sya para magpaliwanag?

Hindi. Sa akin maliwanag na. Ang importante maghanap ng edibensya na talagang walang intelligence work na ginawa. Notwithstanding the approval by the chairman of the CoA of any... supposedly yung report nya... hindi po batayan yan para mabalewala ang kasong plunder laban kay Uriarte.

Q: Sabihin natin na hindi talaga ginamit yung pera for intel work, posibleng liable dito si Uriarte for plunder. Kung mapatunayan yon, automatic na ba yon na pati si Pang. Arroyo dahil sa transaksyong ito silang dalawa lang talaga yung may record.

Hindi naman automatic ngunit may basehan para sa imbestigasyon. There is enough prima facie evidence to warrant an investigation and to commence a preliminary investigation.

Q: Ngayon po kasi si Ginoong Casimiro ay napakasipag. Araw-araw may disposal of cases na ginagawa at yan po naman ay hinahangaan natin. Maliban sa intel fund ano pa ang malaking issue na maaring himayin?

Hindi pa natatalakay yung kaso ni Manuel Garcia sa advertising budget kung saan yun talagang malakas ang ebidensya. May affidavit yung advertising officials. Sila ang nag-a arrange ng advertising placements gumawa sila ng affidavit at ipinakita na 40% ng kanilang collection ay napupunta kay Manuel Garcia. Nakakagulat na meron silang deposit slips, direkta dun sa account ni Garcia. Tinanong ko 'paano nyo nalaman itong account number kung saan nyo dineposito yon?' 'Sinabi po yan ni Mr. Garcia sa amin e.' Kaya yan po ay isa pang aming titignan at naipagpaliban yung testimony ni Mr. Garcia dahil wala siyang abugado.

Q: But is it in order for AMLC to act on this?

Yes. Although at this point, hindi mo na kailangan ng AMLC. Hindi naman pwedeng i-deny dahil nandun yung officials. Na-withdraw na nya e. Pero to freeze the accounts, yes.

Q: Ito ho ay subject na questionable yung pera... ano ang posibilidad na yung account na yon ay sarado na? Kung makahingi man ng court order to open the account, pagtingin nyo zero balance na.

That's a possibility. Sa katunayan yan ay dahil sa decision ng Korte Suprema na bago mo ma-freeze yung account ay i-notify mo yung account holder. Nakakatuwa po yan kaya kailangan naming amyendahan yung Anti-Money Laundering Law dahil sa decision ng Korte Suprema na nagsasabi na bago mo mafreeze yung account ay bigyan mo ng notice yung account holder. E di pagbigay mo ng notice the next minute wala na yon.

Q: Yung rent ng lotto machines na ginagamit? Yan ba ay kasama sa inyong inimbestigahan?

Hindi pa.

Q: Yan ay kasama sa privilege speech ni Cong. Neri Colmenares.

Hindi pa namin napansin yan.

Q: May kontratang pinasok ang PCSO with one company... yung technology transfer, yung ginagamit na mga makina at interconnection sa mga outlets. Nirerentahan lang natin yon pero may option to buy tayo for P25 million. Ang renta diyan umabot ng bilyon. Sa halip na bilhin for P25 million we opted to rent it out. Sa kinalaunan, umabot na sa halos P9 billion ang binayad sa kumpanyang ito para sa renta. Medyo iisipin na they preferred rental kasi alam nyo na ang ibig sabihin.

Yes titignan po natin yan at tatawagan ko si Cong. Colmenares and sit down with him and find out what this is all about. But again that strengthens the argument na kailangan i-privatize na natin.

Q: Kung sakaling matupad privatization, maliwanag kung hanggang saan lang ang poder ng president sa bagay na yon.

Wala nang poder dahil pupunta sa National Treasury at ang Kongreso na ang mag-a appropriate. Ang aking proposal ay ilagay natin sa PhilHealth para yung medical... ang mandate ng PCSO to provide medical services to the poor matutuloy through partial implementation of the health benefits.

Q: Hindi ko ho alam kung meron pa kayong panahon in the Senate kung paano nakakuha ng P1 million ang isang mayaman na pasyente. May mga chosen few na kahit may kaya, binigyan ng PCSO ng medical assistance na mahigit P1 million. Malaking pork talaga ang PCSO. Ang next hearing ay sa Wednesday. Dito ho ba babalik po ang lahat ng nandun nung isang araw kasama ang mga Obispo?

Hindi ko po alam kung kasama ang mga Obispo although nabasa ko sa pahayagan they are willing to appear. Nasa chairman po namin yan kung sino ang ipapatawag na testigo.

Q: Pero sigurado si Manny Garcia nandun?

Tama, both the old and new board will be coming back. Humihingi ng executive session si Uriarte at amin pagbibigyan. Titignan namin kung ano ang sasabihin nya. Meron kaming rules on executive session to determine whether or not in fact it affects national security.

Q: Ang executive session ay ni-request ni Manoling Morato dahil parang medyo nagkaroon ng inconsistencies si Uriarte dahil ang usapan yata ay hindi siya masyadong makapaglahad ng sasabihin dahil may mapapahamak. Baka may mga madiin lalo.

Papakinggan natin. Hindi dahilan sa lalong may madiin na yan ang justification ng executive session. Dapat may national security concern.

News Latest News Feed