Press Release
July 13, 2011

Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

On the Lotto Terminals

SP: I do not know what the terminals are and it increased the cost of the amount being paid by the government to this Malaysian company.

Q: Are you referring to the lotto terminals?

SP: I think so. I don't know yet. I just got the documents yesterday and I was surprised.

Q: Sir, Php25 million?

SP: Pesos. They are paying billions of pesos in rentals.

Q: This is way back in the Ramos administration?

SP: Yes.

On the Bishops receiving SUVs

Q: Sir, sabi ni Sen. Miriam Santiago, hindi raw intelligent itong pagdinig sa mga Obispo.

SP: Hayaan mo na 'yun. Hindi ko na pag-aaksayahan na sagutin ang mga ganung salita.

Q: Pero 'yung mga paliwanag ng obispo...

SP: Tama na 'yun.

Q: Paano kung nagkamali? Sapat na ba 'yun na mag-sorry si Chairman Juico sa pagkakamali?

SP: Hindi naman sila pinagbabawalan ng Saligang Batas. Ang pinagbabawalan 'yung gobyerno.

Q: Doon sa pagbibigay pa rin po, kasi paliwanag po ni Chairman Juico ang mali kasi kinuha 'yung binigay na pera sa mga Obispo sa charity fund. So, mali po 'yung pinaghugutan doon.

SP: Hindi ko alam kung ganoon nga dahil ang alam ko there are only three funds. 'Yung 55% for prizes and so forth and so on ay gusto ko ring malaman kung nauubos o may balance 'yun dahil under the Charter of PCSO, 'yung balanse noon ay will be included as a part of the charity fund. 'Yung 30% ang charity fund. 'Yung 15% ang operational fund at doon dapat kinukuha 'yung pang-renta noong equipment pero ang nangyari dahil nga napakalaki ng binabayaran nila na renta, hindi na sapat 'yung 15% kaya umuutang sila ngayon. Kaya nagkautang-utang sila.

Q: Sir, would you say na naging careless ang PCSO in tagging the bishops as Pajero 7?

SP: Palagay ko hindi lang careless. Hayaan mo muna na ma-unravel.

Q: Pero sir, ano ang masasabi mo na mali naman pala in the first place, na hindi naman mga Pajero ang binigay?

SP: Based sa nakita ko naman sa mga cheke, ang nakalagay doon ay 4x4 Montero. Nakalagay 'yun. Walang word na Pajero, utility vehicle nakalagay sa cheke. Ang hirap hindi 'yung mga dokumento ang pinagbabasihan ng mga sinasabi kung hindi 'yung mga gustong sabihin ng mga tao kaya naguguluhan tuloy ang publiko. Hindi lumalabas ang katotohanan.

Q: Sir, sa tingin mo may motibo 'yung kung bakit nalagay sa bad light 'yung mga bishops?

SP: Ewan ko. Huwag na nating isipin 'yung mga malisyosong pag-iisip na 'yun.

Q: Pero unfairly maligned naman 'yung mga bishops?

SP: I think they were unfairly accused of receiving expensive vehicles which was rather incorrect. And I think the matter was clarified already.

Q: Hindi po irresponsible, sir?

SP: I do not make those conclusions. We have the head of the PCSO. They said that they did not say Pajero. I don't know how true that is. So, I leave it at that. I do not know the mind of the people when they said what they said.

Q: Sir, tama bang sinauli pa ang mga sasakyan ng mga obispo considering na ginagamit nila?

SP: I leave it to their discretion. That is their call.

SP: Walang nilabag na batas. Ang may responsibilidad diyan sa bagay na 'yan na pag-iingatan 'yung kaban ng bayan ay ang gobyerno. Kaya pinagbabawal ng Saligang Batas ang gobyerno na gamitin ang pera na nanggagaling sa buwis at mga pag-aari ng kasangkapan ng gobyerno for the use, benefit and support of any priests, preacher, religious minister or denominations like sectarian institutions or religious organizations. Kaya mayroon akong impormasyon na may itinayo 'yung PCSO na programa costing Php80 to Php100 million for a "Kaunlarang Pangkabuhayan Project". Ang sinasabi ay minamanage ito ng religious group kaya gusto kong malaman kung totoo 'yun.

News Latest News Feed