Press Release
July 13, 2011

Opening Statement of Senator TG Guingona
PCSO PROBE

Muli, sa ating mga panauhin at resource persons, maraming salamat sa pagpunta ninyo dito para tulungan ang ating Senado at mga kababayan na makita ang katotohanan.

Sa umagang ito, karangalan po nating makasama ang ilang mga Obispo ng Simbahang Katoliko. Karangalan po namin ang inyong pagdating dito. Ang pakikiisa po ninyo sa ating imbestigasyon ay isang mahalagang paglilingkod sa ating bayan.

Katulad po na ilang beses ko nang sinabi, ang purpose ng ating imbestigasyon ay ang paghahanap ng katotohanan. At inaasahan po natin na ang Katotohanan ay tutulungan tayong itama kung meron mang mali, at gumawa ng paraan para bigyan ng dagdag pang proteksiyon ang pera ng ating mga kababayan.

Hindi po natin layunin na ilagay sa alanganin ang sinuman, o sirain ang pangalan ng ating kapwa, lalo na ang pangalan ng mga alagad ng Simbahan.

Magtiwala po tayo na ang proseso ng ating Senado ay patas sa lahat.

Muli, maraming salamat sa inyong pagdalo.

Ipagpatuloy po natin ang proseso ng paghahanap ng Katotohanan.

News Latest News Feed