Press Release
July 20, 2011

Transcript of interview after a hearing of Senate Committee
on Justice and Human Rights

On the hold departure order for former president and now congresswoman Arroyo

Sa ngayon nasa watch list pa lamang siya and pwede laman gmag-isyu ng HDO ay korte at husgado at hindi pa pedeng mag-isyu ng HDO mismo ang Bureau of Immigration, pede lamang silang maglagay sa watch ist ng kahit sinong personalidad na sa tingin nilang dapat i-monitor ang pag-alis o ang paglabas.

May basis na ba?

Nasa kanila naman yon pero bumalik naman siya mula nang umalis siya, siguro kung may tangka o may naunang tangka matapos isampa ang mga kasong ito maaaring ilagay siya roon at maaating magpetisyon sa korte ng isang HDO. Pero yung watch list, watch list lang naman yon eh titingnan ka lang naman eh, sasabihin lang kung umalis ka o bumalik ka, hindi ka naman talagang kayang pigilang umalis. Pinasok namin bilang amendment yon sa Immigration Act noon pero hindi napasa on third and final reading at hindi na-ratify ng both House of Congress na may power ang immigratino commissioner ng hold departure order for 30 days enough time for them to go to the court and apply for an order for a longer period for a hold departure order.

Yung against kay GMA hearsay pa lang yung nasa affidavit ni Bedol sa pag-mention ng name ni GMA

Hindi ko pa nababasa yung affidavit ni Atty. Bedol pero testimonya pa rin nya yon at maaaring gamiting basehan sa pagsampa ng kaso pero hanggat wala pang nasasampang kaso wala pang pedeng iisyu ang korte marahil at wala pa naman ng basehan sa ngayon ng isang hold departure order, that's in sound discretion of the judge and the court.

May mapapala na ba tayo ngayon sa paglutang ni Bedol?

Sana dahil sa matagal na panahong nagtago siya, sa matagal na panahong kinampihan niya si Garci at si GMA, sa matagal na panahon tinanggihan nila at sinabi nilang wala silang kamuwang-muwang at alam ngayon ibang kuwento ang kanyang sinasabi at kinakanta, inaasahan ko na sa kanyang paglabas matututro tayo sa tamang direksyon tungo ng pagdiskubre ng katotohanan kaugnay ng 2004 elections at 2007 elections na rin. On the joint resolution to know the real winner in 2004 presidential elections, correction of history yon, will you include prosecution?

Any findings submitted to the fact-finding commission if it is under oath can be used as basis in filing a criminal complaint, whenever it is relevant dahil under oath yon, parang sa senado, sinumang nagtetestify sa senado dahil under oath pedeng magamit yon laban don sa nagtestify at bilang ebidensiya, testimonial evidence against any person who might have been mentioned via that testimny given in the congress or in the senate.

Will she be invited?

I would supposed so at the very least she should be invited but only invited if created the fact-finding commission would have the power to issue both subpoena ad testificandum and subpoena duces tecum to compel the attendance of witnesses and to produce certain documents.

Does she have immunity?

No, immunity only pertains to any crime or penalty or offense the penalty of which would be less than six years as a member of congress. It defense what kind of penalty or offense we are looking at and for as long as it won't inhibit or deny her participation in the deliberations of the House of Representatives.

If she's going to appear what will you ask her?

I expect her not to say anything actually but nevertheless that body would give her the opportunity to be able to speak, give her side, deny if she wants to, but at th every least due process demands nothing less dapat pakinggan at bigyan siya ng pagkakataong magsalita at ibigay yung panig.

Pede rin siyang i-contempt?

Merong contempt at subpoena powers yung fact-finding commission kung yun ang maipapasang version , pedeng mangyari yon kung binastos niya at hindi niya pinansina ta hindi binigyang pagpapahalaga ang komisyon na yon.

Pede rin siyang i-detain?

That is part and parcel of the power to declare someone in contempt until he or she complies.

According to Chairman Brillantes tatawagan niya si Garcillano kung wiling na rin siyang magsalita.

Siyempre pag-umamin si Garci na siya si Garci doon sa tapes dahil hanggang nagyon wala pa namang umaamin eh na sila yung nasa tapes, alam nating kaboses, parehong-pareho, nong hearing inamin ni Garci na huwag daw siyang tawaging Garci dahil yung malalapi t lanng niyang kaibigan ang tumatawag sa kanya ng ganoon kaya tinigilan ko siyang tawagin non. Ito pagpapakita na totoo ba talaga yung tape o hindi, obvious na obvious naman na at ngayon siguroang NBI ay mas malaya na hindi katulad ng panahon ni GMA, siguro naman pede na nilang i-voice analysis yung tape, boses nga ba ni pangulong Arroyo yon, boses nga ba ni Garcillano yon, boses nga ba yon ng mga heneral na kinausap ni pangulong Arroyo nong panahong yon. Actually yung tape pa lang maliwanag ta pede nang ebidensiya yon na tunay na nagkaroon ng dayaan at hindi nanalo si pangulong Arroyo nong 2004.

May anti-wire tapping law na

Hindi pa yon covered at applicable ng anti-wire tapping law kaya nga anti-wire tapping law, may wire dapat, cellular phone ang ginamit nong mga panahong yon, pangalawa naalaala nyo pinatugtog ng kongreso yon sa loob ng kongreso and it was covered by the media that time, hindi muna pinapatugtog yung illegally acquired evidence if ever, ang pinapatugtog o nirereplay na lamang ay yung coverage ng media yung pagkakapatugtog legally within the halls of Congress.

Pero may admission si GMA non di ba na "I am sorry."

Hindi naman niya sinabing lapse of judgment and talking to Garcillano, hindi naman yun lapse of judgment , wala naman siyang sinabi partikular, kinopya nyanga lang yung speech ni Clinton nong may lapse of judgment din siya sa Amerika. It was almost a verbatim reproduction of what former President Clinton said, which pertained to generalities and nothing specific. Again simpleng pag-amin lang naman eh, totoo ba sila nga ba ang nasa boses ng Garci tape independently, it can be obtained through voice analysis with the recent technology now, kahit na hidni umamin si Garci, kahit na hindi umamin si GMA, pagkaya nang patunayan at pede nang patunayan yan given the available technology.

Anong silbi non stapos na siya, 2004 pa yon?

Again para lamang mawasto yung kasaysayan, bibihira tayong mabigyan ng pagkakataong iwastoa ng kasaysayan natin sa buhay natin, madalas nawawasto ang kasaysayan matapso ang isang dekada o isang daang taon, ito sa loob ng buhay natin maiwawasto natin ang kasaysayan. Kahit na symbolic na pagkilala lamang, sa pamamagitan lamang ng halimbawa ng paglagay ng litrato ni PFJ sa Heroes Hall bilang nanalong pangulo bagaman hindi siya nanilbihan, si Aguinaldo nag presidente ng hindi pa nag-eexist na bansa noon ay nandon at nilagay, ano pa kaya ang nanalo at nagwagi at pangalawa bilang pagkilala rin sa kanya na nararapat naman talagang ibigay sa kanya kung ito ay mapapatunayang siya ang nanalo. At isa pa bilang paggalang sa bumoto at sumuporta sa kanya na hidni basta-basta nakawin ang boto, dayain ang eleksyon nang ganong ganoon na lamang, marapat na may karampatang pagbabago ng kasaysayan kugn kinakailangan.

If technology confirms that it was her voice, are you going to use technology to prosecute her?

It is admissible in court, that kind of evidence is admissible in court, via experts' testimony, that would be admissible in court, that's been used in other proceedings and other jurisdictions.

The experts would take the witness stand to confirm?

Yes.

Si Chairman Brillantes ay hindi komporme sa proposan sa proposal nyo na mag-create ng fact-finding commission kasi ang intensyon mo lang daw ay i-correct ang record ng ating history samantalang yung kanila ay criminal prosecution ang intesnyon.

Ang problema they might hit a snag kaya nga may kinatawan lamang ang Comelec sa fact-finding commission, they might hit a snag because election offenses prescribed in five years, unless they can show or proof that it was discovered lately and hence the five-year period would commence to be counted from that time. Baka mamaya kasi ang inaalala ko pa pag inasa na min ito sa Comelec at biglang sabihin nilang ay prescribed na pala ito, tumigil na bigla yung imbestigasyon nila, hindi laman kasi prosekusyon lamang ang layunin ko gaya nang nasabi ko, pagsasara ng isang yugto, ng chapter ng ating kasaysayan na hanggang ngayon ay nananatili pang bukas, parang sugat na hanggang ngayon ay hindi pa naghihilom, one way or the other dapat i-settle at malaman ito gaano man siguro kasakit o kahirap.

Natimpla nyo na ang mga kasama nyo sa senate, are they going to support your proposal?

Hindi pa dahil recess, hindi pa kami nagkita-kita siguro sa pagbubukas ng sesyon next week magkakausap-usap kami tungkol dito, next week ko rin kakausapin si Congressman Barzaga yung chair ng constitutional amendments and electoral reforms tungkol sa bagay na ito gayundin si Speaker Belmonte kaugnay ng bagay na ito para naman hindi na mag-aksaya pa ng panahon ang kongreso, both the senate and the House sa bagay na ito.

Si senate President Enrile salungat sa bagay na ito.

Ang narinig kong comment ni SP, well nagkomentary siya na hindi siya sang-ayon, nag-usap na rin kmai tungkol don ang importante basta huwag lang harangin at hayaang pagbotohan ng aming mga kasamahan.

Kung mapatunayang si FPJ ang nanalo mag nag-aadvise kina Susan Roces na magfile ng case, may mga damage ba silang pedeng habulin?

Meron pero dudsa akong gagawin pa yon ng pamilya, sapat na sa kanila na mabigyan ng karampatang pagkilala ng pamahalaan, ng taongbayan at ng kasaysayan, at yung paghahabol civilly sa palagay koy hindi na siguro interest yon ng pamilya pero yung paghahabol criminally, yung pagpapanagot sa mga gumawa non naniniwala akong tatayuan at hahabulin yon ng kanyang pamilya.

Sir curious lang, kung mapatunayan Ms. Susan Roces would be addressed as a former First Lady?

Hindi because she never served as such and because FPJ also never served as such.

At dapat kayo presidential spokesman?

Never served as such also.

So hindi na rin tayo magre-refer kay GMA as president?

She was because she assumed the presidency in 2001 for the Supreme Court decision, whether you agree or not with the Edsa Dos she served as president from 2001 to 2004, and she also served if it would be proven as the de facto president from20 04 to 2010. Kaya nga kahit yung suweldo sang-ayon sa mga mahahabang desisyon ng korte kahit mapatunayang hindi siya nanalo noong 2004, na si FPJ yung de jure president at si GMA ay yung de facto president sang-ayon sa mga desisyon ng korte sa mga de facto officer ni hindi mo pedeng bawiin yun suweldo niya at ibigay halimbawa kay FPJ dahil hindi naman siya nanilbihan at si GMA ang nagsilbi.

Nag-aalinlangan daw kay Bedol dahil hindi nila alam ang intensyon nito.

Hindi ko rin alam kung ano ang laman ng affidavit nya pero opening ito, maaaring hindi niya nalalaman lahat, maaaring ang iba ay kasinunaglingan, ang iba ay katotohana pero sana sa pamamagitan ng cross examination o interpellation lumabas at madala tayo sa tamang direksyon tungko kung saan natin makikita ang katotohanan at ebidensiya ng katotohanan.

Yung tungkol sa hearing kanina?

Marami kaming tinalakay ng mga panukalang batas, karamihan ay mga amendments ng Revised Penal Code dahil ang Revised Penal Code ay isang 1930s na batas. Una in-update namin yung mag amount n anakalagay sa estafa, sa theft, sa robbery at sa malversation. Halimbawa sa malversatino of public funds, reclusion perpetua o habangbuhay na pagkabilanggo pag nag malverse ka ng hihigit sa P22,000. Nong 1930s ang P22,000 ay malaki pero ngayon ay hindi na siguro so nais naming i-update at baguhin yon. Gayundina ng pagbibigay-galang at respeto sa libingan o yung pinaglilibingan ng mga tao, hindi lamang yung kawalan ng respeto sa bangkay ng sinuamng namatay o pumanaw. Kabilang din dito yung identity theft at pangangalaga sa impormasyong ibinibigay natin sa credit card companies, sa Internet na sinumang magnakaw o kumuha ng impormasyon doon, pati yung identity gn tao, nais naming parusahan at bigyang ng karampatang parusa, kabilang na rin yung pagnanakaw ng weather monitoring at risk disaster/risk reduction equipment para mabigyang ng karampatang parusa dahil mahalaga na yon given the climate change. Tinalakay din namin ang pagbibigay-galang at pagrespeto at pagprotekta sa family home para sa gayon hindi mawalan ng tirahan yung pamilya dahil lamang sa simpleng pagkakautang o demandang pedeng ipataw laban sa kanial kabilang na yung pagkakautang sa gobyerno.

Ayon kay Secretary Soliman nag-improve daw yung attendance ng bata...

Well titingnan ko muna yon, actually hindi ko pa nakikita yung survey, dahil kahit na yung unang survey na inangkin niya, yung sinasabi niyang bumaba yung self-rated poverty at hunger dahil daw yon don, yung tiningnan namin yung survey bumaba yung self-rated poverty at hunger sa Luzon pero tumaas sa Visayas at Mindanao kung talagang dahil sa CCT yon may CCT rin naman sa Visayas at Mindanao. Bakit tumaas sa Visayas at Mindanao at sa Luzon bumaba. Baka dahil yon sa ibang factor at hindi dahil dyan. Again during the budget deliberations we will make sure na mapapaliwanag at maliliwanagan ang lahat ng ito at dadaan sa butas ng karayom yung CCT ni Secretary Soliman.

News Latest News Feed