Press Release
July 21, 2011

SENATOR CHIZ ESCUDERO TRANSCRIPT
Kapihan sa Senado (Complete transcript)

On your proposal for a fact-finding body to investigate the alleged cheating in 2004 presidential elections

Ayon sa aming panukala na hindi naman nakasulat o nakaukit sa bato at maaaring tumanggap ng pagbabago at suhestiyon para ma-improve pa ito nais naming magcreate by a joint resolution of Congress, ibig sabihin may force and effect of law, ng isang fact-fincding commission para alamin ang mga nangyari at naganap nong 2004 elections. Pinapanukala namin na bubuuin ito ng ombudsman, ng DOJ, ng solicitor general office at kinatawan mula sa Kongreso, siguro tig-isa lamang dahil Kongreso ang nagcanvass ng boto noon 2004. Fact finding commission para hindi rin naman maantala ang trabaho ng senado at ng House sa pagbalangkas ng mga imporante at mahahalagang batas. Fact-finding ocmission para hindi mahaluan ng anumang uri o klase ng politika kung sa senado o sa kamara lamang gagawin. At fact-finding commission dahil fact at katotohanan naman ang nais naming alamin at malaman. Hindi layunin ng fact-finding commission na ito na kasuhan lamang si Pangulong Arroyo, marami ng gumagawa nyan, marami nang nagsasampa at mas mabibigat pang mga krimen. Hindi rin nito layunin na habulin kung saka-sakali sino pa ban gnakilahok don, maliban don sa mga comelec officials at militar na nasa active service pa siguro, na at least hindi man makasuhan, administratively malagay man lang sa mga puwestong hindi na sila maaaring gumawa pa ng kalokohan tulad nyan muli.

Would that be acceptable sa House kasi parang atat na atat na sila mag-investigate?

Wel mag-uusap pa lamang kami tungkol dyan ni Congressman Barzaga, ang chair ng committee on constitutional amendments and electoral reforms at gayundin si Speaker Belmonte pagresume ng Kongreso. Ang layunin ko at pakay ko gaya ng nasabi ko ayaw ko ring madistract din naman ang Congress, ang House pati na rin ang Senate, sa pagbalangkas ng mga batas, dapat moving forward at looking forward. Hayaan natin ang komisyong ito, ang komiteng ito na magtrabaho kaugnay ng fact-finding sa 2004 elections.

Eventually you have to be turned this over to the Comelec, your findings?

No, hindi na pede ireverse pa ng Comelec yung proklamasyon nila nong 2004, ito ay para lamang una iwasto ang kasaysayan, bihira lang naman kasi tayong nabibigyan ng chance para iwasto ang kasaysayan o kamalian sa loob ng ating buhay. At pangalawa siguro symbolic na lang siguro na pagkilala rin kung sino talaga ang nanalo nong eleksyon at pangatlo para sa akin na mabigat na bigyan natin ng pagkakahalaga ang botong ibinigay, ang mayoriyang ibinigay na boto kay FPJ nong 2004 dahil sa isang demokrasya kailangan nating patunayan may halaga ang boto ng bawat isa at hindi ito pedeng balewalain, isantabi o itapon lamang dahil sa ninanais at niloloob ng ilang mandaraya.

Parang Chair Brillantes said that this go parallel to their own (investigation) and the facts may be turned over to the Comelec because they're the only body which is supposed to investigate this fraud.

They're the only body who can investigate election offenses, but as of now unless we can prove otherwise these election offenses have prescribed already, five years ang prescription period ng election offense at pero ihihirit namin na hindi pa ito paso sa ilang mga personalidad na hindi naman nakilala at lumabas ang mga pangalan nong mga panahong yon. Sinabi ron ni Chairman Brillantes na personally dahil siya ay abogado ni FPJ noon na alam niya na panalo si FPJ noong 2004 pero ito ay personal nyang opinyon kaya anuamng pagdinig siya ay magiinhibit, pero yung mga pagdinig kaugnay sa mga nasa Comelec pa hanggang ngayon at least malaman nila para mas maging malinis ang pagpapatakbo nila ng mga darating na halalan.

Should this commission invite GMA?

Nakapanukala sa joint resolution na may subpoena power ang fact-finding commission, pedeng mag-isyu ng subpoena ad testificandum at subpoena duces tecum para magrequire ng production ng mga dokumento at pagtestigo ng mga tao. May contempt power din ang komisyon na ito, sinubukan namin sa abot ng aming makakaya na iwasan yung rason at dahilan kung bakit nadeklarang unconstitutional yung truth commission at ang isang paraan nga nito ay sa pamamagitan ng lehislasyon o act of Congress. Joint resolution at hindi bill dahil temporary at may lifespan lamang ito, hindi ito isang permanenteng batas.

Ang priority nyo yung 2004 elections o pati 2007?

Sa 2007 elections merong pending na kaso sa pagitan ni na Koko Pimentel at Sen. Zubiri at marahil baka magkaagawan pa ng balota dyan at mas may prayoridad naman talaga at jurisdiction ay SET at may kapangyarihan ang SET n magproklama ng tunay na nanalo sa halalan. Kaugnay naman ng vice presidential race noong 2004 nagkaroon rin pagdinig sa presidential electoral tribunal, dito lang naman sa kaso ni FPJ na ni minsan hindi nasinagan ng araw ang mga nais naming ilahad nong mga panahong yon.

When you focus on 2004 you have to go back all the way to the ISAFP, to Doble....

Sayang dahil nandyan pa naman sina Vidal Doble, nadyan pa ang ilang dokumento kung babalikan natin ito 10, 15, 30, 40, 50 years from now eh baka yung talagang kasaysayan eh kuwentuhan na lamang at tsismisan na nanalo si FPJ, ngayon ay may pagkakataon tayong iwasto yon. Ilang ulit ko ngang sinabo na maski na yung symbolic lamang, halimbawa, at ito ay pede na ring gawin ng executive branch matapos ng fact-finding commission report, simbolikong pagsasabit lamang ng ritrato ni FPJ sa Heroes Hall bilang pagkilala na siyang de jure, bagaman hindi de facto president nong mga panahong yon.

Halimbawa nakuha nyo si garci at si GMS still refuses to appear...

Ibibgay ko na sa kamay ng fatc-finding commission ang bagay na yan at ayaw kong pangunahan o unahan dahil baka sabihin may halo at kulay pulitika ito. Desisyon yan ng fact-finding commission na bubuuin sana matapos itong mapasa ng Kongreso.

On the video...

May inihanda kaming video, kami na sumusuporta kay FPJ noon, sa pangunguna na Manay Ichu Maceda, at mahaba lang ang ipipresenta namin mamaya, para marefresh at mabalik-tanawan lamang yung mga kaganapan nong 2004 at matapso ang 2004 elections upang sariwain yung mga dapat at marapat alalahain at di makalimutang mga pangyayari nong mga panahong yon dahil ang ilan yata sa inyo ay nasa elementarya pa lamang noon.

I think we made it about three years, four years ago.

Bakit ngayon lang?

Wala naman kaming venue noon eh at wala na rin namang nagpapalabas noon, pinalabas namin sa ilang forum, pero nong mga panahong yon sa ilalim ni GMA bawat pintuan at bintanang nais namin pasukan para mahanapa ng katotohanan noong palaging sinasaraduhan.

May lumalabas na gusto na daw ni Garcillano na sabihin ang lahat

Well sana totoo yon pero hindi dumaan sa akin, hindi ko alam kung may basehan talaga yugn kanyang alok, pero wala namang kasong pending laban sa kanya sa ngayon, at tumakbo pa nga siya ng mga nakaraang halalan so wala namang dahilan para lumabas siya sa kanyang pinagtataguan, hindi lang siya lumalabas siguro at nananatiling pribado ang kanyang buhay sa ngayon.

Magiging susi ba siya sa katotohanan?

Well definitely dahil ang affidavit ni Bedol diumano sinasabi lamang niya na hearsay yung may kaugnay sa papel na ginampanan ng mas matataas na opisyal sa kanya, kabialng na si GMA, si Garci lang siguro ang maaarign magkapagsalita at magsabi lamang kung may papel man ang sinumang mas mataas na opisyal sa kanya, kabialng na si GMA.

Parang lumalabas na may kinalaman yung SONA ni PNoy, at mababa yung kanyang rating kaya...

Ibang usapan yon para sa akin, yung performance ni Pangulong aquino sa nagdaang taon iba sa usapin ng pagpapanagot sa mga gumawa ng kalokohan nong 2004, ang kanayng plano matapso ang kanyang unang taon iba rin sa usaping ito, para sa akin 10%, 20% of the time sige pagpanaguti natin yung mga nagdaang opisyal pero ang mahalaga pa rin 80%, 90% of the time moving forward at looking forward tayo kaya maski na itng pag-imbestiga na ito nais ko hindi senado o kongreso ang gumawa, para hindi rin kami madistract o maubos ang oras sa bagay na ito at hayaan na lamang natin sa isang simple at maliit na fact-finding commission ang gumawa ng trabahong ito.

Pipili ang senado sa aking panukala ng isang, isa o dalawang kinatawan ng kongreso, kung may mago-object sa aking partisipasyon okay lang, ang importante may partisipasyon ang senado, pero kung ako ang tatanungin siyempre gusto kong maging bahagi noon dahil nandon at isinabuhay ko ang mga panahong yon.

Hindi ba kayo magkakaroon ng conflict of interest considering na you were the spokesperson?

Gaya nga ng nasabi kung mayroong mag-oobject okay lang ang importante matulyo at magawa ang trabahong yon.

Given the choice, who among your colleagues?

Kahit sino I leave it to the discretion of the majority in the senate kung sino ang nais nilang ilagay don, I leave it to the choice of the majority ni the House kugn sino rin ang nais nilang ilagay doon. Hindi naman kasi ito botohan eh, hindi naman magbobotohan ang mga miyembro kung ano yung fact, ano yung fiction, ito ay pagpapalabas lamang ng testimonya at ebidensiya kaugnay ng nangyari noon.

Ang partisipasyon (ko) pede bilang miyembro o bilang testigo, marahim mas komportable, tama ka na bilang testigo siguro tama, ganundin si Chairman Brillantes na mag-iinhibit din naman sa anuamng imbestigasyon.

Ano yung objective ng video na ipapalabas? Gagamitin ba yon sa fact-finding commission?

Ang magppresenta non siguro si Manay Ichu at yung FPJ groups jung matutuloy ang fact-finding commission pero ito'y matagal na rin naman naming pinapalabas din sa mga forum sa mag nagdaang panahon, hindi lang nabibigyan ng ganong kalaking pansin noon.

To document it, to explain it, and for prosperity keep it on hand, kahit yung imbestigasyon sa House noon, yung pagpi-play ng tape sa House noon it is to have a record of it. Can you imagine ngayon kung binabalikan natin, walang official account noon, kung hindi na-play sa House, na-play siya sa House, nasa archives na House yon, yung actual na tape mismo dapat nasa archives ng House of Representatives sa ngayon, pati na rin yung transcript ng tape dapat nasa House na rin yon ngayon.

Ano yung bago sa video na hindi nyo naipakita dati sa House noon?

Yung paghimay nong tape, yung kada sinasabi ito yung resulta, kada may sinasabi ito yung lumabas na ebidensiya matapos ang ang ilang buwan na wala sa amin at hindi namin hawak nong mga panahong yon.

Kasama ba yung nangyaring imbestigasyon sa senate na nag-imbestiga kina Gudani, kina Vidal

Nandon, nakalagay at nakadikit doon ang mga imbestigasyong isinagaw kaugnay yung wire tapping probe ng senate nandon yon, at gayundin yung ibang mga pagdinig. At mga ERs na hawak namin non nakukumpara at ikukumpoara sa CoC para makita yung epekto at may epekto talaga sa ground yung mga tawag na ginawa.

So walang 2007 sa video?

Wala.

Balik lang tayo kay Garci, pede ba siyang maging witness?

Well kung nagprescribe na yung offense wala na tayong pinag-uusapan na state witness. In fact maski na si secretary Soliman narinig kong nagpahayag na willing daw siayng i-corroborate yung mg sinabi ni Bedol, siguro pede ring siyang maging state witness kung saka-sakali.

May sasagutin ba tayo kung saka-sakaling ipakita natin yung video ngayon nang wala pa namang fact-finding commission?

Wala akong nakikita, wala namang batas na nagbabawal na una nating mapanood bago sila, marami na ring namang nakapanood non noong mga nagdaang panahon.

Ito ay kinuha at inungkat mula sa records ng Kongreso, yung tape mismo na nasa pampubliko ng pagmamay-ari. Pangalawa sang-ayon sa batas ang wire-tapping law ay pagviolate ng right to privacy, bago may magreklamo kaninong karapatan to privacy ba yung naviolate natin, umamin na ba at nagsabi na ba si GMA na boses nya yon at siya yung nasa telepono at nilalabag natin yung karapatan nya to privacy? Umamin na rin ba si Garcillano na boses nya yon, magdedemanda ba siya at sasabihing na-tapped yung telepono ko. Para sa akin mainin muna nila bago sila makapagsampa ng anumang uri ng kaso dahil hanggang ngayon wala pa namang umaaamin na sila nga yon kahit na gaano kalapit yung boses o kahit gaano kaalam ng publiko kung sino talaga iyon.

The video will be formally presented to the fact-finding?

Well it defense, I leave it to the FPJ group right now but of course i will suggest and strongly recommended it be presented if only to give a perspective, an overview of the whole incident in 2004

You may be called as a possible witness?

Okay lang yon, at hindi na ko magpapasubpoena, imbitahan lang ako kahit na nga text lang pupunta ako.

Ano yung ididiscuss nyo?

Hindi ko rin alam dahil ang papel ko ay koordinasyon sa mga abogado, ang may personal knowledge kaugnay sa mga aktuwal na dokumento ay yung mga tao at grupo namin nong mga panahong yon. Bukas ako sa anumang nais nilang itanong at malaman pero personally nasa isa ako sa Maynila noon na nagko-coordinate ng efforts pero yung pedeng magtestify sa actual results sa field yung mga watchers namin, sa actual difference ng C0Cs sa ER yun din ang mga watchers namin na may kopya at may hawak ng election returns.

Malabong umamin sina GMA at Garci, so kailangan talaga ng voice analysis to verify na boses talaga nila yon

Sinubukan namin naming gawin yan noon pero hindi kami pinayagan ng gobyerno noon ni Pangulong Arroyo at NBI. Siguro ngayon pede ng gawin ng NBI yan kung hindi nila kaya irefer man lang sa ibayong dagat, sa eEstados Unidos kung sino man ang may kayang magbigay ng isang definitive analysis, marami namang pedeng pagkumparahan sa mga talumpati ni Pangulong Arroyo, sa mga talumpati at pag-appear sa hearing ni Garcillano kung sino ba talaga ang mga boses na yon with the level of certainty that can stand in court.

Can the commission itself do that?

Yes, kasama yan sa kapangyarihan at poder ng komisyon na nais naming i-create.

Sir anong year ginawa yung video?

Ito ay sa pangunguna ni manay Ichu Maceda na isa sa mga supporters at kasama sa core group ni FPJ nong siya ay tumakbo. Baka may date din, I think it's about three, four years ago.

(Bakit kailangang ilabas) For posperity ma-irecord namin yung mga kaganapan noon. (Saan nyo na naipalabas yon?) Naipalabas to sa ialng mga forum na isinagawa namin nong mga panahong yon sa ilalim ng panahon pa ng term ni Pangulong Arroyo.

Ano yung pananaw ni Ms. Susan Roces?

Well nagsalita na siya na ikinagalak niya may lumalabas na impormasyon ngayon na marahil mabibigyan ng pagkilala yung ginawa, hindi lamang ng kanyang asawa, pero yung botong ibinigay ng marami sa ating mga kababayan sa kanyang asawa.

May kapangyarihan ba yung fact-finding commission na magkaso at magpakulong?

Magrekomenda, maghain ng kaso kung hindi pa prescribe, oo, pero para sa akin pagna-establish ng fact-finding commission na nanalo nga si FPJ at least sa talaan ng kasaysayan, sa records ng bansa maliwanag yon, uulitin ko na de jure president si FPJ, de facto president si GMA.

Ang dami nang kasong isinampa laban sa kanya (GMA), karamihan pa ay plunder na automatic pagsampa ng kaso sa korte ay may warrant of arrest na kaagad, itong election offense hindi naman punishable by life imprisonment o reclusion perpetua kaya hindi automatic na makikulong maliban na lang kung matapos yung kaso. Yugn electino sabotage, napasa yan dahil sa mga hearing sa House namin noon, pero hindi yon maaapply sa kanya dahil hindi pa yan criminal offense nong ginawa nila nong 2004.

Yung sabotage mag-aapply sa 2007?

I think it was passed that time, yes, pero sa 2004 hindi.

Anong life span ng commission?

Sana huwag namang tumagal na lalampas pa ng dalawang taon, sana nga matapso sa loob ng isang taon. At sa plenaryo ko na iiwan ang pagtalakay ng life span ng komisyong ito. Definitely it might not go forever, hindi pedeng sampung taon yan, sa lob ng isa, matagal na sigurong dalawang taon dapat tapusin ng komisyon ang kanyang trabaho.

May pinagkaiba ba ito sa nabulilyasong truth commission?

Nasa sa Kongreso na yan kung nais nilan gpalawakin pa an gnais alamin ng fact-finding commission o kung may iba pang bagay don sa naunsiyaming truth commission magiging bukas ako sa pag-amyenda tulad nyan sa pagcreate ng komisyong ito para isahang komisyon na lang, iasahng budget na lang at pedeng ibat-ibang komite at issues na lang sa loob ng parehong komisyon ang gagawin nialng trabaho.

Hearsay lang daw yung kay Bedol?

Hearsay lang daw yung kay Bedol ayon sa Comelec sa una nilang pagkakakita but it can lead us in the proper and correct direction. Hearsay siguro tungkol kay GMA pero hindi hearsay yung paggawa nya sa ground dahil siya yung election supervisor sa Maguindanao nong mga panahong yon.

Hearsay din daw yung kay Zaldy Ampatuan dahil he was just told by his father

Hindi ko pa nakikita yung affidavit ni Zaldy pero ang mas inaasahan ko magkaroon ng pagbubukas ng imbestigasyon, sinumang magtetestigo dyan, Ampatuan man, bedol man o kung sino man ang importante mayroong pintuang bukas na pedeng pasukan ng mga nais maglahad ng mga nalalaman nila kaugnay sa katotohanagng naganap nong 2004.

Ano yung nag trigger sa inyo i control yung discretionary power ng board ng PCSO ?

kada bagong administrasyon ay nag uunahan ang mga tao na maging board ng PCSO, nagtataka ako bakit gustong gusto nila diyan ngayon lamang natin nakikita kung bakit malaki pala yun mga allowances, may intelligence pala at kaya nilang desisyunan kung sino ang bibigyan at kung sino hindi nila bibigyan ng charity fund ng PCSO sa pamamagitan ng pag irmark tatanggalin na natin ang discreation ng board kung sino ang makakakuha at kung sino ang hindi makakakuha and they can play favorites para sa akin kasi discretion always equal corruption minimize discretion you minimize corruption eliminate discretion you eliminate corruption nais na naming iirmark na yun charity ng fund PCSO at may guidelines kung kani kanino ito ibibigay.

Yung illegal transfer daw ng PCSO na $1.9M?

Ayan yun nasa kasalukuyang board na, hindi masyadong natanong at sa pagbabalik ng pagdinig malamang magisa at matanong sila doon. Ayon kay board member tolentino sabi daw ng mga opisyal ng UCPB puwede raw. Tanong ko why did she take their word for it porke ba sinabi siyempre yung nagbebenta bakit mo naman paniniwalaan may trabaho siya at may obligasyon siyang alamin kung puwede ba talaga o hindi sabi niya konti lang naman daw 80million lang naman daw at ilang buwan lang naman daw fact is bakit ba nila naisip na itransfer yan o ilipat anong motibo o dahilan o rason para ilipat iyun. Hindi ko rin maintindihan at hindi napagpatuloy yun katanungan kaugnay doon maipagpapatuloy ko ang katanungang iyon sa pagdinig ng pagbabalik ng senado.

Clearly mali na yung pagtransfer nila?

Clearly mali na after the fact ang sabi lang nila hind raw nila alam, ang sabi lang nila yun daw ang sabi sa kanila may kasabihan sa English at prinsipyo sa batas ignorance of the law excuses no one from compliance their with.

Even the PNB is that a government depository already?

Landbank at DBP ang alam kong puwede na government depository at bago sila makalipat ng depository bank kailangan ng pahintulot muna mula sa department of finance at kung local government unit ka mula sa bureau of local government finance ka na nasa ilalim din ng department of finance kung saka sakali na walang government bank doon sa iyong munisipyo at kung saka sakali na mas conveniente dahil may branch doon sa opisina mo sa kaso ng PCSO lumipat sila ng opisina oo pero malayong mas malapit naman siguro yung main branch ng PNB imbes na UCPB tanong pa rin doon bakit ba UCPB.

The old PCSO building right on the ground floor two branches of bank are PNB and Landbank some people are claiming prizes from PNB?

Yung nakaraang board ba o sa kasalukuyang board ba, tatanungin namin sila kung bakit nga ba dahil may advantage ba kung ilalagay sa government bank at least yung buong pera galing sa kaliwang bulsa inilalagay lamang sa kanang bulsa at hindi ganun kalaki yun pera na nawawala sa cause of money o interes sa parte ng gobyerno bakit mo pakikitain ang pribadong bangko sa pera ng gobyerno puwede naman kumita ang government bank mula sa pera din ng pamahalaan.

Yun pagbabawas ng sinasabi niyong discretion yun ba ang solusyon para hindi na maulit yun discretion?

Management at governance issue yan maliwanag naman dapat sa regulasyon ng Department of Finance kung ano yung dapat at kung ano yun hindi nila dapat gawin ang nakapagtataka nga lang ano yun motibo at bakit kinakailangan ilipat doon.

Sir yung sa new board parang siya yung whistle blower doon sa sinasabi sa kabalastugan na passport apparently, dahil sa illegal transfer mukhang yung kinabit may sabit ?

Pati naman sa pagdistribute ng ambulansiya lumalabas yun kaya nga sabi ni chairman Juico I promise to do better dahil sinunod lang nila yung dating alokasyon at dating palakasan system sa pagbibigay ng ambulansiya taliwas sa sinasabi nila na dapat ito ay ipamigay sa mga nararapat na pagbigyan na mga mahihirap na munisipyo.

Sabi ni atty. Tolentino sa hearing wala na daw po silang pera sa kahit na anong branch ng bangko pero kung may $1.9M pa pala? Nagsisinungaling siya.

Aalamin namin yun dahil alam niyang under oath siya kaugnay ng kanyang mga pahayag at unang naglahad yata niyan ay si sen. Santiago kung hindi ako nagkakamali hindi lamang sa dami ng issue na natutukan pero sa pagbabalik ng pagdinig inaasahan namin na mabibigyang linaw yan ayaw ko muna magbitaw ng akusasyon nais ko munang pakinggan ang kanyang diretsong kasagutan sa bagay nay an.

Do you know the percentage of the ownership of PNB mas malaki yun kay Lucio Tan?

Alam ko majority siya doon, diko masyado kabisado i lost track. But clearly majority owner siya roon.

Dapat po bang ipatawag yung sa side ng PNP na tumanggap sa STL pati yung mga congressmen. Reaksiyon o opinion niyo po?

Hiniling ko na ipatawag ang PNP sa susunod na pagdinig, kaugnay sa mga kongresista papasok at eenter chamber courtesy may karapatan silang umatend kung nais nila dahil kung mababanggit ang pangalan nila pero hindi sila puwede pilitin ng senado na mag attend..

May violation ba iyan kasi city and municipalities, the councils if you allows the establishment of the casino in their locality. Automatic may commission yung councils like manila o pasay.

Binibigay talaga yun legally ng PAGCOR may cheke yun pinapadaan yun sa social fund ng PAGCOR at hindi talaga porsiyento doon sa kinikita ng casino. I think its more a commitment does part of CSR corporate social responsibility on the part of pagcor why they do that at least in the case of the city of manila pero sa kaso ng PCSO hindi maliwanag yung basehan ng pagbibigay na iyun sa ilalim ng umiiral na batas o kontrata man lang dahil walang CSR fund ang PCSO.

Balik ko lang sa election Fraud, pag nag state witness si Bedol?

Again the crime as claim by comelec itself, may have already prescribed it is the matter of the lawyers to debate and discuss. Desisyon ng DOJ kung qualified siya na mag state witness kaugnay sa dayaan nung 2007 elections at dagdag pa siguro diyan kailangan natin ipasok ang jurisdiction ng SET. Unique kasi yung situation noong 2007 election meron pa kasing existing body and pending case na puwedeng magdeklara at may panahon pa para magdeklara kung sino ang talagang nanalong senador noong 2007.

Nakausap niyo na ba si Presidente Aquino tungkol sa fact finding commission?

Hindi, hindi ko pa siya nakakausap tungkol doon pero nagpahayag naman na ng pagsuporta o kawalan ng pagtutol at the very least ang malakanyang sa panukalang iyan pero hind ko pa siya nakakausap tungkol diyan.

Nasilip niyo na ba ang laman ng SONA?

Hindi, hindi naman ako bahagi ng tagapagsulat ni pangulong Aquino o adviser kaugnay ng sona. Ang payo ko lang siguro sa gagawa ng speech ni Pangulong Aquino kaya tinawag na ghost writer yan dapat ghost huwag ng ipagmalaki ng sino pa man kung ano man ang contribution nila doon.

Doon po ba sa commission pabor yung mga senador?

Hindi ko pa alam, recess kami hindi ko pa sila nakakausap, nagpahayag ng pagtutol si Senate President Enrile pero hiniling ko sa kanya na hindi naman sana harangin at sumang ayon naman siya ang pagpapatuloy ng pagdinig at pagboto sa commission na ito.

May concern yung NUJP at yun mga victims ng Maguindano massacre doon sa pagpayag na mabigyan ng special treatment sa heart center si Gov. Zaldy Ampatuan baka daw magresult yun ng hospital arrest?

Nasa kamay na ng korte yan dahil nasa jurisdiction ng korte si dating regional governor zaldy ampatuan wala yan sa kamay ng malakanyang, ano man duda o alanganin ng ating mga kababayan kaugnay sa papel na ginagampanan ng malakanyang sa isyu na ito. Siguro nasanay na lamang sila noong panahon ni pangulong arroyo na halos hawak at diktado niya lahat alalahanin natin iba at bago na ang administrasyon ngayon. Di tulad noong nakaraan na halos sunod sunuran bawat ahensiya o institusyon ng pamahalaan executive, legislative o maging judiciary man maliban sa ibang pagkakataon sa judiciary ito iba na ang tugtog at hindi mo puwede sabihin yun pa rin ang mga nagsasayaw.

News Latest News Feed