Press Release
August 3, 2011

TRANSCRIPT OF RADIO INTERVIEW WITH SEN. FRANKLIN DRILON
dzRH Damdaming Bayan with Joe Taruc

Q: Sabi ng abugado ni First Gentleman, si Atty. Toto Ferrer, ay wala raw pangalan si FG sa mga papeles at dokumento na inilahad sa Senado kahapon.

Ganun talaga yon pag ikaw ay may tinatago. Unang-una, tama yan walang dokumento ngunit may testimony under oath si Archibald Po, may testimony din si Mr. De Vera na ito ay pag-aari ni First Gentleman at mayroon silang mga conversation, mga transaction. Yun ay deklarasyon ng dalawa ngunit madaming mga corroborative evidence. Halimbawa yung piloto na mismong nagsasabi na siya ang piloto na ginagamit ni Mike Arroyo at ni Cong. Arroyo at ang helicopter ay nagla-landing sa Malacanang. Ngayon kung hindi yan pag-aari ni FG bakit magla-landing sa Malacanang? Pangalawa, lahat ng maintenance expenses ay binabayaran ng opisina ni Mike Arroyo. Dun kinokolekta sa LTA, pinapadala ang bill dun. Kung hindi naman siya ang may-ari bakit nya babayaran ang bill? Sa katunayan hanggang ngayon sila ang nagbabayad ng hangar's fee, P10,000. Yan po ang deklarasyon kahapon at hanggang ngayon ay pinapadala din dun sa LTA Bldg. na pag-aari ni Mike Arroyo. Ito po'y nakakatuwa sinasabi ni Archibald Po na kay Mike Arroyo, pero sinasabi ni Mike Arroyo na hindi sa kanya. Ngayon kung walang may-ari, maganda siguro na ibigay na lang nila sa pamahalaan. I-donate sa gobyerno. Ibigay na natin sa PNP para makabawi dun sa mga lumang helicopter na biniling brand new.

Q: Ayon sa pahayag ng mga testigo kahapon, paano nagsimula ang storya? Sino ang bumili, sino ang nagdala sa Pilipinas at sino ang nagbayad?

Sinasabi ni Archibald Po, noong 2003 bago mag halalan, siya po ay nakipag-usap kay Mike Arroyo sa LTA Bldg. at hiningi ni Mike Arroyo na mag charter siya ng helicopter kay Archibald Po. Ang sabi ni Archibald Po, lahat ng helicopter ay committed kay FPJ. Kaya ang suggestion niya, ang sabi niya sa kanyang sinumpaang salaysay, na bumili na lang sila ng 5 helicopter. Kaya pumayag si Mike Arroyo at nag downpayment ng $475,000 para sa 5 choppers. That's about $95,000 bawat isang chopper. Ito ay binigay in cash, hindi cheke. Ito ay niremit sa Robinson. Ang nag-remit ang Lionair, dahil sila ang exclusive agent dito. Niremit sa Robinson na siyang gumagawa ng helicopter. Ngayon, ang sabi ni Mike, 'siguro ang mabuti ilagay natin sa pangalan ng Asian Spirit' dahil ang Asian Spirit na pag-aari din ni Archibald Po ay registered locator sa Clark Export Processing Zone at merong tax and duty free privileges. Kaya dun inilagay para hindi magbayad ng customs duties at value-added tax kahit alam nila na hindi lang naman gagamitin doon sa Clark Airbase. Pati doon ay dinaya pa ang gobyerno. Ang lahat ng mga 5 helicopter ay dumating between March 12, March 17 at March 24, 2004 bago po ang halalan. Ngayon ang sinasabi pa ni Archibald Po talagang ordinarily buwan ang aabutin pagdating dito, i-assemble, ang mga proseso sa paglabas, papeles ay aabutin ng buwan. Dito ay 2 linggo o 1 linggo tapos lahat dahil pinagmamadali at hahabulin sa halalan. So 2004 ginamit sa halalan. Wala namang masama dun dahil ito naman ay privately owned. Ngayon pagkatapos ng halalan, ginamit ng pamilyang Mike Arroyo at ng kanyang mga anak... ang ginamit na piloto ay ang piloto sa PNP na kasama sa hearing kahapon na siyang nagsasabi na 'tinatawagan ako pag kailangang gamitin ang helicopter at kami po'y nagla-landing sa Malacanang.' Area 3 ang tawag doon. Ngayon, itong mga helicopter ay mine-maintain sa hangar ng Asian Spirit at Lionair at ang nagbabayad ng maintenance expenses ay ang opisina ni Mike Arroyo. Nung 2006, sinabi ni Mike Arroyo kay Archi Po na ibig niyang ibenta ang helicopter niya sa $350,000 bawat isa, after using it for 2 years.

Q: Malaking tubo?

Malaki ang tubo. Biruin mo about $321,000, ginamit ng 2 taon, ibebenta ngayon ng $350,000 after about 500 flying hours. Kaya sabi ni Archi Po ay 'sir, mukhang masyado pong mahal yan' ang sabi ni Mike 'yan ang presyo ko e wala ka ng pakialam dun'. Bago maibenta ito, sinabi ni ARchi Po 'eh siguro ilipat muna natin sa Lionair dahil hindi natin pwedeng ibenta dahil hindi pa bayad ang buwis e.'

Q: So from Asian Spirit?

Inilipat sa Lionair. Doon nagbayad ng mga P1.9 million in customs duties and value added tax. Mga bandang 2009, ito na pumasok na yung Manila Aerospace Products Trading, single proprietorship pa lang, yung Maptra. Sinasabi kay Archi Po na magbigay siya ng quotation for helicopters. Iyon pala during that time meron nang utos sa PNP na bumili ng helicopter. Sa madaling salita, towards the end of the year, yung Maptra naging korporasyon, ang capital ay P312,000 at nagkaroon ng failed bidding sa PNP ng 2 beses. Dahil sa failed bidding ay nag negotiate. Ngunit all the time na tumatakbo ang proseso, ang pangangailangan at ang nakalagay sa supply contract ay brand new. Ang budget sa 3 helicopter ng brand new ay P105 million. Lahat po, ang supply contract, ang purchase order, ang nakalagay 3 brand new. But mystery of all mysteries, ang dumating 2 luma at 1 brand new. Yung 2 yung helicopter ni Mike Arroyo. Siguro mga isang dosenang pulis ang nag inspeksyon dun.

Q: Ano ang naging paliwanag nila?

Ang tanong namin sa piloto, 'alam mong segunda mano, bakit hindi mo sinabi?' Ang sabi 'e wala namang nagtanong sa akin e'. Tanong kay Gen. Piano, 'alam mo naman na kailangang i-supply ay brand new, bakit mo tinanggap itong segunda mano. Ang sabi 'wala po akong tungkulin na tingnan kung segunda mano o hindi'. Sabi nya may mga experts dun e, pero ang experts ay para lang tingnan ang quantity.

Q: Wala ho bang nag volunteer ng information na yan ay utos sa kanila?

Wala, nagtatakipan e. Ang problema dito, takip sila nang takip, aba e masasabit sila dahilan sa ang lalabas nito kung wala silang sasabihin na may nag-utos sa kanila, ibig sabihin talagang sinadya nila, alam nilang segunda mano ang helicopter.

Q: Baka naman hindi nila alam na kung sila ay magsasabi maaring maging eligible sila sa witness protection program?

Unfortunately ang WPP hindi tinatanggap ang pulis, yung mga law enforcement officers. Tungkulin po nila yan na pigilan yung krimen sa ating bansa, hindi sila kasama. Babalik ako, pagkatapos ibenta yung helicopter, ang sabi ni Archi Po, P31.5 million pinalitan sa dollars, $700,000 bitbit niya papuntang LTA Bldg. They are under oath. Ang sabi nung April 16, 2010, dineliver ng Maptra kay Archi Po ang P31.5 million at ito ay pinalitan ni Archi Po sa dolyar na $700,000 at ang sabi niya 'I then delivered and turned over the full payment of Maptra to FG.'

Q: Walang binabanggit na komisyon?

Walang binabanggit na komisyon. Si De Vera ang nagsabi na ang komisyon nila ay P3 million, komisyon sa transaksyon. Walang masama dahil nakipag transaksyon sila. Ang masama dito, yung segunda manong helicopter binenta ng presyo ng bago. Tinanong ko kung magkano ang reasonable price, sabi mga $200,000. So talagang pinagkakitaan nang husto. Ang malungkot nito, pati ba ito'y pinapasukan pa nila? Yan ang tanong ng taumbayan.

Q: Yung unang dumating 5 brand new helicopters.

Opo. Sa 5 helicopter, yung isa nag crash, yung 2 binenta sa pulis, yung 2 nandiyan pa. Yung pangatlo talagang brand new. RP-C2783 at RP-C2781. Bago dineliver piniturahan muna, sa labas mukhang bago, pati yung mga silya, carpet.

Q: Text question: How can you prove something na intangible daw na pinressure ng unang ginoo ang kung sino man para maibenta ito?

Kung ang magsasabi diyan yung sinabihan o yung kanilang superior sinabihan sila na inutusan na tanggapin na yan. Yung ebidensya masyadong nagtutugma, kasabay ng naghahanap ng helicopter ang PNP, bigla na lang dumating ang helicopter na ito.

Q: Siguro kung hindi gaano nakakaintindi ang titingin baka sabihin talagang brand new ang 3?

Hindi pupwede dahilan sa yung piloto mismo ay kasama sa inspection team. Paano mo naman sasabihin na brand new ito ay siya ang naglilipad nito? Ang sabi kahapon, yung helicopter na ito, ang 500 oras na flying time, yan ay just about 20-25% of the life span of the helicopter. Ibig sabihin ang life span ng helicopter na ito ay about 2,000 hours, eh umaabot na sa 500 hours ang gamit at ibinenta pang brand new. Talagang niloko ang taumbayan at gobyerno dito.

Q: May 2 senador na nakagamit ng helicopters? Meron na ba kayong impormasyon dito?

Hindi ko po alam at hindi po ako ang isa doon.

Q: Kailangan pa bang imbestigahan ang 2 senador o hahayaan niyo na lang na mag volunteer ng information?

Siguro mas mabuti if they can volunteer the information dahilan sa lumalabas po na sa flight record nakikita kung sino ang gumamit.

Q: Hindi na kailangan kung bakit ginamit?

Hindi na kailangan. Basta yung place of take off at place of destination. At yun ay isinumite na sa Senado. Siguro nakalagay doon at hindi ko po natingnan.

Q: Sina Po at De Vera po ba under WPP na?

Binanggit ni Mr. Po na ibig nyang pumasok sa WPP dahil ayaw niyang masampahan ng kaso dahil sa kanyang binanggit. Sa akin, dapat naman ay wag silang kasuhan on the basis of what they said. Kung ganyan ay wala nang lalapit sa amin at magtetestigo.

Q: Maging si SP Enrile ay nagsabi kahapon na hindi pangkaraniwan na ang isang negosyanteng tulad ni Archi Po ay hihingi ng proteksyon sa Senado.

Tama po yan at ang importante dun, dahilan sa Witness Protection Act, mae-encourage at makapagbigay ng testimony yung mga testigo sa mga anomalya sa pamahalaan. Sa ilalim ng WPP, hindi lamang yung may kaso ang pwedeng ipasok sa program kundi pati yung mga testigo in congressional investigations. Pwede silang mag avail ng benefits sa WPP.

Q: On inviting Mike Arroyo.

Kailangang i-establish natin ang basehan kung bakit ipapatawag natin si Mike Arroyo. Unang-una hindi pangkaraniwang mamamayan yung asawa ng dating pangulo kaya we accord him due respect and we will not call him to any investigation kung wala namang basehan. Pagkatapos nating marinig yung pahayag ng mga testigo at base sa kanilang sinumpaang salaysay, talagang may basehan na mapatawag si Mike Arroyo. Sa katunayan, isang dating opisyal ng DoJ, malawak ang kanyang experience, siya ay taga-usig dati, sabi niya 'on the basis na narinig ko ay talagang may probable cause to indict those responsible'.

Q: Nung mga nakalipas na pagkakataon na iniimbestigahan din ng Senado si Mike Arroyo ay nalalagay sa alanganin ang kanyang kalusugan at naoperahan. Hindi kaya maulit o kaya naman gawing dahilan ang kalusugan?

I do not discount that, pwedeng mangyari. Ngunit handa naman kaming ipadala ang aming doctor at tingnan kung talagang totoo ang sasabihing may sakit. Hindi naman natin ilalagay sa alanganin ang kanilang kalusugan dahil sa imbestigasyon ng Senado ngunit kung hindi sila sisipot, we will make our recommendation even without their testimony. Hindi natin pwedeng pigilin ang proseso dahil hindi sila sumipot. Ngunit pipilitin natin na sila ay humarap kung wala namang dahilan para hindi sila humarap.

Q: In the mean time, sila ba ay under watchlist?

They should be placed under the watchlist. I endorse that idea.

Q: Text question: Ano daw ikakaso sa kanya?

Sa ating batas, you are guilty of plunder if you amassed in a corrupt deal involving P50 million or more in a series of transactions.

Q: Nadagdagan pa yung problema nila kasi lumilitaw na umiwas sa pagbabayad ng buwis nang dalhin dito sa Pilipinas yung mga choppers?

Tama po yan. Nilagay sa Clark ngunit hindi naman ginagamit doon.

Q: Pati Asian Spirit malalagay din sa alanganin?

Dahilan sa utos ni Mike Arroyo... yan po ay isa sa problema nila.

Q: Text question: Maibabalik pa ba sa PNP ang naibayad nang pera?

Mahirap na nandun na kay Mike Arroyo eh.

Q: 22 opisyal daw ng PNP ang kakasuhan ngayon. Nakikita nyo po ba na they would just take the call? May magsasalita ba?

Hindi ko alam if they would take the call. Ibig sabihin kung sila ang aamin nito ay talagang may diperensya. Yung buong buhay mo masisira ka dahil sa isang bagay na wala ka namang choice na hindi gawin dahil nautusan ka ng pinakamakapangyarihang tao sa Pilipinas noon.

Q: In the mean time wala po bang gagawin ang Senado sa 2 choppers na nasa Lionair?

Walang proof that that is a corrupt deal. Siguro may sapat naman silang assets sa kanilang SALN to justify the acquisition of these helicopters. Ang sinasabi ni Mike Arroyo hindi kanya iyan. Ang sinasabi ni Archi Po kay Mike Arroyo yan, siguro i-donate na lang sa pulis. Yan po ang pinakamaganda para makabawi kahit papano.

Q: On 2004 elections: Ang balita namin may mga senador na hindi nagkakaunawaan ngayon at nagkakaroon ng tampuhan dahil sa iba't ibng akusasyon. Ano ba ang inyong obserbasyon?

Nakakalungkot na yung alingayngay 7 years ago ay muling nabubuhay ngunit kailangang buhayin dahil yan ay dapat ilabas natin. This is a cleansing process para kahit na anong mangyari sa anumang kaso ay yan po ay ibunyag to correct history kung merong pagkukulang. Dapat po iwasan na natin ang mga hidwaan sa Senado because it might divert the attention.

Q: Yung sinabi nyong correcting the history mukhang possible. Pwedeng sabihin na ito ang nanalo sa halalan.

Tama po yan kahit na hindi mo na pwedeng palitan dahil tapos na ang term ni Gloria Macapagal-Arroyo. Ang sinasabi ko lang, ilabas kung ano man ang katotohanan para sa ating future generation na itong generation na ito, we did not tolerate things like what happened.

Q: Si SP Enrile nagbigay na ng pahayag na mas nanaisin nya na hayaan ang investigation ng DoJ at Comelec at wag nang hawakan ng Kongreso.

Tama po yan. Sinabi rin ni SP Enrile na he will defer to the decision of the majority. Yan naman ang aming sistema. Kami naman ay isang collegial body: ang opinyon ng mayorya ang siyang mangingibabaw.

Q: Ano ang maipapayo niyo sa inyong mga kasama na tumitindi ang hidwaan?

Siguro let's concentrate on issues that will bind us together bilang mga senador at mahanap natin kung ano ang katotohanan.

Q: On 2012 budget hearings.

Sa Lunes, kami ay mag uumpisa na. Hiningi ko ang presensya ng secretaries of Budget, Finance, central bank governor at NEDA secretary na ipaliwanag sa ating komite itong 2012 budget. Bago kami mag umpisa sa bawat ahensya ay amin munang titingnan itong budget na ito. Sa Kamara inumpisahan na nung Lunes at kami naman ay uumpisahan na sa darating na Lunes. Mamaya ay hihilingin ko sa Senado na irekomenda ko na ganito ang timetable para matapos namin nang maaga at aming sisikapin na bago matapos ang taon ay magiging batas na ang General Appropriations Bill para pagdating ng Enero 1, meron na tayong batas para sa budget.

Q: P161 billion unprogrammed funds, alam namin na pag ganitong malaking allotment ay inis na inis kayo

Ang unprogrammed, yan naman ay standby appropriation.

Q: Pero pag ganitong kalaki, kailangan sigurong busisiin.

Bubusisiin natin yan. Yan ay hindi na-release dahil ang condition diyan ay dapat mas malaki ang kinita ng pamahalaan o merong sources of funds. Halimbawa magtatayo ka ng kalsada, kulang ang pera ng pamahalaan dahil deficit, hindi mapondohan dahil deficit. Ngayon, merong negotiation for a possible loan, ODA na pwedeng mapondohan. Dahil sa ating sistema, hindi mo pwedeng gastusin ang pera kung walang appropriation ang Kongreso, mahirap naman na hintayin mo pa ang 2013. Kaya may standby na sasabihin pwede mo nang gamitin ang appropriation na ito kung meron kang pagkukunan ng pera. Yan ang purpose ng unprogrammed fund. Kaya tinatawag na unprogrammed dahil walang programmed revenue.

Q: Yung proposed increase ng CCT from P21 billion to P39 billion sa 2012, ano ang tingin nyo dito?

Titingnan natin. Sinabi ko na kay Sec. Soliman na hindi ako papayag unless you can show results dahilan sa hindi maliit ito e. From P22 billion tataas sa P29 billion. Susuriin ko nang husto kung saan ba pumunta ang pera. Ano ang epekto nito? Sa ibang bansa like Mexico, ito ay tumatakbo sa 10 taon kung hindi ako nagkakamali. Maganda ang resulta. Dito lang sa atin, may ilang congressmen na nagsasabi sa akin 'alam mo boss nahihirapan kami.' 'Bakit?' 'Dahil mas marami ang pumapasok sa aming mga paaralan.' Bumaba ang dropouts, mas maraming nagpapatuloy they are about 20%. Hindi dahil sa isang lugar nabigyan ng ganitong pondo ang mga mahihirap. Ang ating hahanapin ay ano ba ang naging resulta. Kagaya nitong sinasabi ng ilang congressmen sa akin na nangangailangan sila ng bagong silid aralan dahil tumaas ang pumapasok sa kanilang eskwelahan. This is the kind of empirical evidence na aking hahanapin. Hindi lang po bibigyan naming, sasabihin ng DSWD 'kami po ay nakapagbigay sa 100 mahihirap na pamilya.' Ano ba ang epekto non? Yun ang aking hahanapin.

Q: On PNP helicopter probe: Meron daw pong isang undersecretary ng DILG, ngayon ito hindi yung nakalipas, na involved ngayon sa pagbili ng isang bagong helicopter ng PNP?

Hindi ko po alam. Bago yan. Talagang dapat bantayan.

Q: Sa intel funds dapat daw tanggaling especially sa mga opisina na hindi naman kailangan ng intel fund.

Yan po ang aking panukala noon pa na dapat yung mga ahensya na wala namang pakialam sa purchase of information lalo na involving national security ay dapat hindi naman magkaroon ng intel fund. Halimbawa yung mga gaming agencies, of course it's a debate. Halimbawa yung Clark Devt Authority, meron silang P10 million intel fund pero not for the purchase of information at kung saan saan napupunta dahil ang intel fund ay naaaccount sa pamamagitan ng closed envelope.

Q: Pero hindi ba yan kasama sa GOCC Act?

Hindi pa kasama yan, ngunit kailangan yung mga budget nila ay i-approve nang husto. Yung budget ng GOCCs ay hindi dumadaan sa Kongreso yan. Yung mga board of directors nila ang nag-a-approve ng kanilang budget.

Q: Pero walang panuntunan sa batas tungkol sa intel funds?

Hindi naman pwedeng sabihin mong bawal ngunit yan ay nasa ahensya at nasa OP na i-monitor itong mga GOCCs dahil hindi naman natin kayang i-monitor yan, 156 ang bilang ko maliban pa ang water districts. Sa akin, dapat higpitan ang auditing rules on intel funds. Hindi na kailangan ng batas. Higpitan lang ng CoA. Sa Kongreso, amin pong hihigpitan ang appropriation for intel funds. Dun sa authority at implementation higpitan natin para sa ganon maiwasan itong mga ganitong klaseng katiwalian. Having said that, dapat i-privatize ang Pagcor at PCSO para sa ganon kahit anong intel fund ang gamitin nila ay gastos nila lahat yon, ng pribadong sector. Ang pamahalaan ay tatanggap lamang ng fee that will be arrived at after bidding. Ipa bid out ang franchise ng lotto at casino. Basta malinis ang pag bid out mas malaki ang kita ng pamahalaan. Ano ang gagawin sa kita? Halimbawa sa PCSO, ibigay lahat sa Philhealth para may universal coverage at hindi na yung 'we act like Gods.' Yan naman ang mandate ng PCSO, ang kalusugan ng ating mamamayan. Sa Pagcor, ilagay natin sa education. Year in, year out, budget time na naman, maririnig mo na naman na ilang daang libo ang kulang sa silid aralan, libro lalo na kapag pumasok ang K plus 12. Talagang ilang bilyon ang kailangan diyan. Taun-taon ang deficit natin umaabot ng P300 million. Hiram tayo nang hiram, lumalaki ang ating utang. On the other hand ang tax collection ay bumababa kaya yan po ay kailangan natin ng political will at surgical solution in order na magkaroon ng budget na mawawala ang ating utang at maging balance ang budget. Sa Amerika, ang gulo nila doon dahil alam nila na hindi pwedeng ipagpatuloy ang sistema na utang ka nang utang. Kailangang itaas mo yung revenue mo, palakihin mo ang kaban ng bayan, paliitin ang gastos, para magkaroon ng balanced budget. Of course hindi mo magagawa in 1 year ngunit sa kanila nga they recognized it... nakasanayan nila. Bago bumagsak ang ekonomiya nila, they have the political will na dapat bawasan ang utang at itaas ang revenue at alisin na useless government institutions.

Q: Text question: Maganda ang suggestion ni Sen Drilon na i-privatize ang Pagcor at PCSO para wala nang pinag aagawang posisyon.

Tama po yan. Kaya natin nilagay ang GOCC Governance Act, para mailagay sa mga GOCCs yung mga qualified, hindi kung sinu-sino lang ang sinasaksak diyan.

Q: After one year isasailalim ng automatic review?

Tama po yan. Dapat taun-taon sila po ay hinahalal ng board of directors at i-review ang kanilang performance ng mga board kung sila ay tumutupad sa kanilang tungkulin bilang members of the board. Sa private sector bawat taon ang board of directors ay hinahalal, dapat ganon din sa GOCCs.

News Latest News Feed