Press Release
August 25, 2011

OPENING STATEMENT OF SENATOR TG GUINGONA
5TH HEARING ON HELICOPTERS PROBE

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Ang sabi ng marami, isa raw sa most outstanding characteristic nating mga Pilipino ay ang pagiging pasensyso. Outstanding patience.

Siguro, ang mga nagsasabi nuon ay madalas manood ng mga hearings natin dito sa Senate Blue Ribbon Committee.

Ngayong umaga, patuloy nating ipakikita ang ating malawak na pasensiya.

Marahil, ganuon talaga ang paghahanap ng katotohanan. Kailangang buong pasensiya nating tingnan ang lahat ng aspeto, lahat ng anggulo, lahat ng sulok ng isyung ating iniimbestigahan.

Simple lang ang dahilan kung bakit ko binanggit ito. Sa tingin ko, merong ilan na ang ginagamit na paraan para harangin ang paghahanap natin ng katotohan ay ubusin ang pasensiya ng Senado.

Nagkakamali sila sa kanilang akala.

Kung pasensiyahan ang labanan, hindi natin sila uurungan.

Let me state for the record: we will continue to be patient. We will persevere. Because that is what is required in the search for truth.

Ipagpatuloy po natin ang buong pasensiyang hearing ng ating Committee.

News Latest News Feed