Press Release
October 18, 2011

TRANSCRIPT OF INTERVIEW OF SEN. ALAN PETER CAYETANO WITH DZRH RE POLL FRAUD HEARING

Any comments sa mga sinabi nila Bedol, Moner, etc?

Pa-konti-konti lumalabas na ang alam na natin dati pero kumpirmasyon at ebidensya ito. Pero gusto ko lang bigyan ng diin na iba yung pakay na i-hold accountable yung mga naganap nung past pero mas importante na di maulit sa future ang pandaraya sa eleksyon.

Nakita niyo, Comelec na mismo ang nagsabi na hindi naman nagbabago. Nagbabago yung paraan ng pandaraya pero andiyan pa rin ang mga taong nandaraya. If we want clean and honest elections and good governance - ibig sabihin walang pagnanakaw sa gobyerno - ito talaga ang kailangan nating bigyan ng tuon - ang dayaan sa eleksyon. At pa-konti-konti, hindi lang dayaan sa eleksyon yung lumabas na nagnakaw nung 2004, yung dayaan ng 2007, pero yung paraan ng pandaraya,

Unfortunately, marami sa Comelec na nandaya ang andoon pa rin.

Sir sabi niyo kanina, yung tanong niyo kay Lintang Bedol na kumpirmado na may mga sindikato sa Comelec pa rin ngayon na nag-aayos sa election returns?

Pinangako sa akin ni Chairman Brillantes sa confirmation hearing niya na kung in one year hindi niya kayang linisin an gang commission ay mag-re-resign siya at ngayon pa lang sinisimulan na niyang kasuhan.

Well, nawala na yung ibang sindikato as far as election returns ang concerned since automated na. Pero hindi ibig sabihin na walang ibang klaseng pandaraya. Ibig sabihin imbis na soft drinks, juice naman. Parang ganoon ang paraan.

Yung kay GMA at kay FG, malinaw ba yung koneksyon nila sa poll fraud?

Palapit tayo ng palapit sa koneksyon at palapit ng palapit sa palasyo at mag-asawang Arroyo. We actually had witnesses here today, like Judge Moner, who said that nakausap silang personal.

Ang maganda sa nangyari ngayon is we did it bottom-up rather than usually napaka-tataas na tao pababa. So from the bottom, we will invite the other witnesses later on para tapatan. Makikita natin kung sino ang nagsisinungaling at kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Kay Sumalipao, nakuntento ba kayo sa mga sagot niya kanina?

Malinaw na malinaw na ang pandaraya ay nangyayari sa ilalim ng mga ilong nila at iprinoklama pa rin nila kung sino ang nangunguna doon and then sila nap-promote ng na-p-promote gaya ng mga Garci generals.

Sa ating bansa, gumawa ka ng masama, ikaw ang ma-p-promote at yun nga ang tinutuligsa natin dati pa. Sana magbago ito sa Comelec ngayon.

Ako'y natutuwa at nandito kanina si Chairman Brillantes at i-b-bring up ko ito sa budget hearing ng Comelec na bakit nangyayari ang mga ito. Ayaw lang nung mga iba na i-bring up 'to dahil lahat naman kami ay dumadaan sa eleksyon at makikita natin ngayon na makapangyarihan ang mga election organizer, maging sa regional o provincial.

Isipin mo, nagpapakahirap kang mangampanya at ipagdadasal mo na iboto ka ng mga tao tapos kaya ka pala nilang i-zero. Yung sa kamay lang, ballpen at papel lang ang gagamitin kaya kang i-zero.

Si GMA daw gustong magpagamot abroad, anong reaksyon niyo?

We've always said hate the sin love the sinner. So kung may mga personal siyang pangangailangan tulad ng pagpapagamot, sinusuportahan naman natin yun.

But at the right time and pag malakas na sila, they really have to face the music and face this investigation.

News Latest News Feed