Press Release
November 22, 2011

Transcript of Senator Loren Legarda's Presscon
On the alleged P100-M offer for House break-in video
On the budget of DPWH for disaster risk reduction
On the Maguindanao Massacre
Senate Press Office
12:30 pm, November 22, 2011

On the alleged P100-M offer for House break-in video

Unang-una, saan naman ako kukuha ng isang daang milyon? Pagkatapos kaming dinaya ni FPJ, binebentahan pa ako ng video kung paano kami dinaya. Sinabi ko na ibigay na lang ng libre sa amin, para makatulong kayo sa kaso namin sa Korte Suprema. Pagkatapos nung aming pag-uusap, ipinakausap ko na sila kay Atty. Boy Brillantes na abogado ko noon. Syempre naman wala kaming ibibigay, ni isang milyon wala. Lumang isyu na.

Sinabi rin ni Atty. Brillantes pareho ng sinabi ko, ibigay nyo na lang ng libre kay Loren para makatulong sa kaso niya sa Korte Suprema. Hindi nila binigay. Ipinapanood sa amin, pero hindi nila binigay. Ang tagal na ng kasong yan eh. Seven years na ang video na yan, paikot-ikot, nilako sa lahat, napanood na ng lahat ng tao, napanood ko, eh ayaw ibigay sa akin.

(Can it be used as evidence?) Hindi ako makakapagsalita tungkol dyan dahil yung quality ng video na nakita ko bagama't maliwanag sa akin dahil nakikita ko ang mga ulo, kamay, at ballot boxes, hindi ko alam kung tatanggapin yang ebidensya. Pero ang ibig ko lang sabihin ngayon, ang sakit naman, dinaya ka na, binebenta pa sayo kung paano ka dinaya, tapos nung hindi mo binili yung kanilang ibinebenta sayo, ikaw pa ang sinisisi ngayon. Kaya nga sana magpakatotoo na lang sila.

Pero tapos na yun eh. Sabi ko nga yung 2004, bagama't masakit ako'y naka-move on na, at vindicated na sa lahat ng nangyayari ngayon. Kung yan ba ay nakatulong sa kaso ko? Sana nakatulong dahil 2004, 2005, yun yung time na talagang pinupursige ko yung kaso ko sa Korte Suprema eh. Pero sagutin ninyo ako, sino ang kasama ko noon? Halos wala eh. Pinagtatawanan ako ng tao, sinasabing sore loser, sinasabing hilo, lahat to nakadikit kay GMA di ba? Ang tingin nyo sa akin parang hindi makatanggap ng talo. Tinanggap ko lahat ng mockery at lahat ng mga paninira. Ang tingin sa akin pulitikong natalo, hindi nadaya. But now it has come out, so there is justice in this world. Hindi kailangan ibigay ang posisyon sa taong namatay, si FPJ. Hindi kailangan ibigay yung posisyon sa akin, dahil wala na akong hinahangad pa. Ang importante there's vindication and justice.

Kailangan panagutan nila kung paano nangyari yung break-in. Kailangan panagutan ng mga may hawak ng video na yun kung bakit nila ginawa yun. Sino ang nag-utos? Bakit nila ibinebenta. Ang dapat sagutin, paano nakunan ang video na yun? Paano nakapasok sa Mababang Kapulungan despite the strict security? Paano nagpalitan ng ballot boxes?

Nung sila ay nakausap ko at nakita kong nanghihingi ng pera, ipinaubaya ko na sa abogado ko. Sabi ni Atty. Brillantes ibigay na lang sa akin, sabi nila hindi, may kapalit kasi sa security daw nila kailangan nila umalis ng bansa. Sabi ni Boy, kung ako nga hindi binabayaran na abogada, kayo pa ang babayaran niya? And I confirm what Atty. Boy said, he was a pro bono lawyer because he believed in my case, in my cause.

Ipinauubaya ko na sa Korte Suprema at sa DOJ ang pag-desisyon tungkol sa kaso ni dating Pangulong Arroyo. I will not comment on it because I am the only living, direct victim of the 2004 electoral fraud. Anuman ang sabihin ko, pabor o hindi, ay magkakakulay. Let other politicians speak. Madali kapag hindi ka involved, pero kapag ikaw ay involved, anuman ang sabihin ko it will be taken out of context. All I can say is that, meron pa rin natitirang hustisya sa mundo. Yung paghihirap ko ng tatlong taon ay nagbunga din. Bagama't hindi namin nakamit ang posisyon dahil hindi para sa amin, alam na ng tao ang totoong nangyari.

On the budget of DPWH for disaster risk reduction

Hindi nagkukulang sa budget ang DPWH, napakalaki. Ang importante ngayon ay manmanan at i-monitor ang implementasyon ng lahat ng ito kasi napakalaki ng mga budget, sa DENR na lang, National Greening Program. Kailangan tignan natin saan ang mga greening na 'to at ano ang itatanim dito. Sa DPWH malaki ang lump sum sa tinatawag na flood control. At hindi lamang dapat sa flood control lamang kung hindi i-manage din sa downstream at sa upstream. Ang DSWD napakalaki para sa cash transfer. Hindi nagkukulang ang pondo, madami lang palaging systems loss sa pag-implement ng mga proyekto. All we need to do is to make sure that these resources go to good use.

On the Maguindanao Massacre

Ipinangako yan, I think that was the battle cry of President Noynoy. I think dapat i-speed up nila ang hustisya para sa karumal-dumal na Maguindanao massacre dahil hindi magandang hudyat na hindi ito nireresolba. Hindi natin pwedeng sabihin na, kasi mabagal talaga ang hustisya. Whether it's a political case, a criminal case, kailangan mapabilis.

Ang pagresolba sa kaso ng Maguindanao massacre ay simbolo kung may hustisya ba sa ating bansa para sa mga taong walang kamalay-malay na pinatay ng walang kalaban-laban. Kung yun lang ay hindi pa natin kayang mabigyan ng solusyon, anong klaseng justice system ang meron sa Pilipinas.

I do not want to compare it with the GMA case, I just want to urge the appropriate agencies and the courts to speed up the Maguindanao massacre case because the evidence is clear, who the perpetrators are is clear as daylight. So what are we waiting for? Not only the Philippines, but the world is seeking justice. The world is watching, the world is seeking justice. Every day that goes on without justice is added pain for the families of the victims.

News Latest News Feed