Press Release
November 28, 2011

Transcript On the Charges of Electoral Sabotage against GMA

ASC:

Ako'y naniniwala na hindi i-f-file ng gobyerno yung kaso kung hindi matindi yung ebidensya. Simula sa umpisa naging patient tayo na matagal yung pag-file ng kaso dahil alam natin na hindi ganoong kadaling mag-file ng criminal case.

Although probable cause is sufficient in order to file a case, sufficient evidence is necessary to convict someone beyond reasonable doubt. Kaya ako'y naniniwala na kaya tumagal ay dahil naghintay ng mga witnesses na matitindi ang inihayag na katotohanan.

Kaya inuulit ko na hindi dapat magpasindak, hindi dapat mayanig at hindi dapat magbago ang direksyon ng gobyerno to seek justice. Hindi dapat i-persecute pero dapat i-prosecute ang dating pangulo.

(Cayetano to GMA: 'Sagutin ang mga kaso, huwag magtago gamit ang pagkuwestiyon sa proseso')

Sa ngayon, kita naman na tuloy-tuloy pa rin ang pag-ilag ng pamilya ng dating pangulo sa pagsagot ng charges. Imbes na diretsahan sagutin ang mga charges at harapin ang mga witnesses, pinili nilang i-challenge ang mga proseso.

Chinallenge niya (GMA) ang proseso dati ng impeachment at alam naman natin na ginamit niya ang kapangyarihan ng Palasyo at tsaka ng gobyerno para hindi matuloy ang impeachment. Chinallenge niya yung mga dinalang kaso sa Ombudsman noong siya raw ay immune from prosecution. Chinallenge niya ang mga hearings sa Senado at Kongreso sa pag-i-issue ng mga proklamasyon na pinagbabawal na ang mga resource people ay pumunta dito at ihayag ang katotohanan.

So makikita mo ngayon, patuloy pa rin. TNT pa rin ang mga Arroyo. Tago-Ng-Tago sa mga isyu at imbes na harapin ay proseso ang chinachallenge. Ngayon kanila namang chinachallenge ang pagbuo ng DOJ at tsaka ng COMELEC ng poll fraud probe body kaysa sagutin ang mga kaso na isinampa laban sa kanila.

She owes it to our country to directly answer the charges in the same way that her administration prosecuted former president Estrada for the plunder cases charged against him.

Bakit pag dating sa kanya, ayaw naman nilang sagutin diretso yung mga charges na ito?

(Reporter: Makatarungan ba ang house arrest na posibleng ipataw sa kanya?)

The burden is on the Arroyos to prove the necessity of a house arrest

Madalas nilang sabihin na tratuhin natin ng pareho sa harap ng korte ang bawat tao. Pero makikita natin na kapag may advantage ang mga Arroyo, gusto nila ng special treatment pero kapag advantageous sa kanila pantay-pantay dapat ang turing, gusto nila pantay-pantay.

Right now, I think tama ang ginawa ng DOJ na as a rule dapat pare-pareho ang turing. Ngayon, kung may exception to the rule o may exceptional o extraordinary circumstance, halimbawa yung safety niya, burden nila na ipakita at patunayan ito sa korte.

Ako naman, susunod at susuportahan kung ano ang desisyon ng judge. Definitely, this is a non-bailable offense and as much as possible, she should be treated like anyone who is charged with a non-bailable offense.

(Reporter: So dapat katulad ng normal na tao na diretso sa kulungan?)

Yes, unless na may exceptionable circumstance. Isang criminal halimbawa na mahirap na may sakit, susuportahan din naman natin at idadala sa ospital. Kaya nagpapasalamat din ako sa doctor na naging 'very upright and honest' at sinabing pwede na siyang umuwi.

(Reporter: Pwede bang masanction ng korte ang mga attorney ni Arroyo kagaya nila Lambino na tinakot yung mga doctor na magsabi ng kasinungalingan?)

Under the ethical standards o yung mga batas na gumagabay sa mga abugado, hindi pwedeng magsinungaling ang mga abugado. Sometimes the lawyer is not required to tell everything due to attorney-client privileges but that does not mean they are allowed to bring in injustice or untruthful statements.

If someone files a complaint and is proven that the lawyers did those things, disbarment is the highest penalty. Anything from a reprimand, to suspending the license to practice, to disbarment is possible.

(Reporter: Can Bedol still be considered a state witness and file for immunity?)

Hindi dapat mangamba si Mr. Bedol o kung sino man na gustong maging witness kasi dalawa ang paraan para gamitin ang isang state witness. One is from the start, an individual is already given immunity. Ito ang napapanood nating karaniwan sa sinehan kasi sa America ganoon yung style.

But the other way is for a person to become a state witness. In that case, chinacharge talaga muna kung participant siya and then later on magdedecide o magbibigay ng order ang korte na pinapayagan niya na ang prosecution hindi ituloy ang kaso laban sa kanya kapalit ang testimony na kailangan para i-convict ang akusado.

News Latest News Feed